Blood 4

1.5K 33 4
                                    


Chapter 4

First Day Trouble

Jayanne's POV

First day namin ngayon at sobra akong naeexcite na hindi, siyempre kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari kung ano ang magiging buhay namin sa school na iyon dahil kapag nasangkot kami sa gulo wala na kaming kapangyarihan at wala ng proprotekta saamin.

Masaya kami na malalaman na namin ang sangkot sa pagkamatay ng nanay ni Danian at handa kaming tulungan siya pero minsan iniisip ko paano kapag nakita na namin ang taong iyon anong gagawin niya? Or anong magagawa niya.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin hindi ako sanay na magsuot ng uniform pero wala kailangan eh, nagkulot ako ng buhok at nagmakeup ng konti first day diba dapat fresh ka. Napatingin ako sa phone ko at nadismaya ng walang signal, para kaming pinarusahan sa lugar na ito pero kung ito ang paraan para makatulong eh okay na din iyon.

Agad na akong bumaba at as usual kami ni Gwyneth ang nauna ang babagal kasi nila kumilos yung akala mo naggogown pa sa loob.

"Gisingin niyo nga si Danian."sabi ni Daks habang nagsusuklay at bumababa ng hagdan.

"Bakit?"tanong ko.

"Hindi pa gising, nagaayos na lahat siya tulog parin."sabi niya at napabuntong hininga naman ako tsk, tulog mantika pa naman iyon mahirap gisingin at ayaw na ayaw niya ang ginigising siya.

"Ako na."sabi ko at umakyat na, agad akong nagtungo sa kwarto niya at ang gaga prenteng prente na nakahiga ang lamig pa ng kwarto niya todo makaaircon kaya pala sarap na sarap pa matulog.

Agad akong nagtungo sa banyo at kumuha ng tubig doon incase of emergency lang. Nagtungo ako sa higaan niya at dinaganan siya pero hindi parin siya nagmomove kahit isang inch.

"Dani!!!"sigaw ko pero wala parin sakanya.

Time for the emergency plan, kinuha ko ang tabo at binuhos iyon sakanya napatayo naman siya sa gulat malamig kasi iyon, napatingin siya saakin and uh-oh kung nakakapatay ang titig niya malamang patay na ako ngayon.

"Hehe, ayaw mo kasing magising malalate na tayo sa first day, maligo ka na at magayos bye!"sabi ko at tumakbo na palabas jusko nakakatakot po siya kapag ginising naka 500 na alarm clock na yan na nasira, ewan ko ba dapat panghapon ang schedule niya eh.

"Oh kamusta?"tanong ni Gwyneth nandoon na pala si Marie, Abby at Danna si Mimay nalang at si Danian as usual.

"Ayun, thank god nakalabas pa ako ng buhay."sabi ko at tumawa sila.

"Dapat diyan hindi pinapatulog eh."sabi ni Daks.

"Anong magagawa mo masyado niyang mahal ang pagtulog niya."sabi ko at natawa sila.

Naunang bumaba si Mimay at 5 minuto ang lumipas bago bumaba si Danian at ayun nanaman ang mukha niyang parang inaantok.

"Hoy gising."sabi ko at napatingin siya saakin ng nakakatakot.

"Tandaan mo basa ang kama ko."sabi niya pero nginitian ko lang siya at dahil nakiusap si Danian sa lolo niya kahapon ng sasakyan ngayon may sasakyan na kami yehey! Hindi na pinauwi si Kuya Juan at siya na ang driver namin yey, ayaw ko magcommute no hassle.

Brilton High ( School Of Vampires )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon