Blood 1

2.5K 46 8
                                    


Chapter 1

Good bye Dama U.

Dennise POV

Namatay si Mommy noong 10 years old palang ako at 16 na si kuya.

Kakagaling ko palang sa school noon ng makita ko si Daddy na umiiyak at si kuya na tinatahan siya.

"Kuya bakit? Anong nangyari?"tanong ko.

Napatingin naman sila saakin na parehong mugto ang mukha, bakit? Anong mayroon?

"A-anak."basag na boses na tawag saakin ni Daddy at pinapalapit ako sakanya lumapit naman ako.

"Ba-bakit Dad ano pong nangyari?"tanong ko sakanila, napabuntong hininga si kuya.

"Your mom, sh-she's now dead."para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabing iyon ni Dad hindi ko alam pero may biglang tumulong luha sa mga mata ko.

"Ba-bakit p-po Dad? Diba healthy naman si Mom?"tanong ko.

"Pinatay siya baby, pinatay nila ang mommy mo!"sigaw ni Dad at rinig na rinig ko ang galit sa boses niya.

"S-sinong sila Dad?!"sigaw ko at napailing siya at umiyak.

Tinignan ko si kuya at nakayakap lang siya kay Dad alam kong masakit din para sakanya pero kailangan niyang maging matatag and I salute him for that.

Nakatakip ang kabaong ni Mommy dahil sobrang wasak na daw ang katawan niya at parang hindi na daw makilala ang itsura niya at nagalit ako doon, tao si Mommy at hindi siya animal para ganunin.

"Dennise iha."napalingon ako sa pagtawag saakin ni Lolo.

"Lo."pagod kong sabi at tumabi naman siya saakin.

"Kamusta ka na?"tanong niya, napailing ako.

"I'm not okay Lolo, I want to take a revenge on those bad people who killed my mommy!"galit kong sabi napailing naman si Lolo.

"No iha, let us handle it you're too young for that kind of thinking and for this case."sabi niya pero napailing ako.

Natagpuan lang kasi ang katawan ni Mommy sa damuhan kung hindi pa dahil sa bracelet niya hindi siya makikilala nila Daddy at hanggang ngayon wala paring report ang mga pulis sa kaso ni Mommy at nagagalit ako doon, akala ko ba magaling sila? Bakit hindi nila masolve ang kaso?

Si mommy ang laging umiintindi sa lahat ng ginagawa ko, siya ang tagapagtanggol ko kay Daddy at kuya siya rin ang nagwewelcome sa mga friends ko kapag napunta sila dito at ang naglilinis ng kalat namin dahil ayaw ko may ibang nagalaw ng gamit ko, she's the best mom every daughter could ask for kaya sobra nalang ang galit ko ng patayin siya.

Napatingin ako sa kabaong ni mommy. Mommy wait mo ako mag grow up okay? Hahanapin ko kung sino ang pumatay saiyo at igaganti kita.

And now is the perfect time for it.

"So gusto niyo po na lumipat kami ng Brilton High?"tanong ko at nag nod siya.

"Nakausap ko na ang mga lolo niyo at sumang ayon naman sila, pero hindi pa nila alam na yan ang dahilan ng paglipat niyo so I hope you all can keep it a secret."sabi niya at nag nod naman sila sakanya.

Brilton High ( School Of Vampires )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon