SIMULA

54 9 16
                                    

S     I     M     U     L     A
+++

"Clarissa De Chavez, white flowers.. pink table cloth, fifth picture frame, last robe.. mint shampoo, scented candle, The Script album and.."

Tumigil saglit ang matandang babaeng nagsasalita habang inilalagay ang isang CD sa pagplay-an nito. "And.. chocolates," huli nitong bulong at saka ipinatong ang isang bar ng tsokolate sa ibabaw ng lamesa.

Bumuntong hininga ito at pinalibutan ng tingin ang buong sala. "Hay nako talaga ang batang iyon. Kay dami daming inuuwing babae, hindi mapirimi sa iisa," wala sa sariling tugon ng matanda. Naglakad siya patungo sa cabinet ng kanyang amo at ibinalik ang papel na binabasa niya kanina sa isang box na puno rin ng mga papel na naglalaman ng iba't ibang babaeng idinadala ng kanyang binatang amo.

Umalingawngaw ang tunog ng pagbukas sara ng pintuan kaya agad na dinukot ng matanda ang pabango ng kanyang amo at walang kung anu-anong ipinusitsit sa loob ng kwarto ng lalake. Nag aamoy babae sa loob ng kwarto niya dahil na rin sa lagi itong may inuuwing iba.

Lumabas na ang matanda at inayos ang damit. Tumungo siya sa sala at doon niya nakita ang pamilyar na mukha ni Clarissa. Sa lahat ng inuuwi ng kanyang amo, si Clarissa pa lamang ang hindi naikakama ng kanyang amo dahil hindi gano'ng tipo ang isang ito. Isa siyang Attorney kung kaya't hindi ito ganon ganon na lang magpapatinag. Kung bakit pa siya pinagkakaabalahan ng kanyang amo?

Simple, he wants her to fall for him hard then he'll dump her just the way he dumped the former ones.

Umiling ang matanda at nanahimik na lang sa isang tabi. Hindi kasi magugustuhan ng kanyang amo kung pakalat kalat siya sa tuwing may bisita siya. Hindi naman nananakit ang kanyang amo, pinagsasabihan niya lang and the woman find that polite. Sa panahon kasi ngayon, abusive na ang mga kabataan. Her boss is an exception. May galang siya, kaso nga lang, manloloko.

Umupo si Clarissa sa sofa at tiningnan si Blue na nakatayo at nakakunot ang noo'ng nagtatype sa kanyang cellphone. "Blue Yu, aren't you gonna sit down? It's been a long day, chill yourself naman na."

Tiningnan siya ni Blue saka tumango. "Okay, just give me a second then we can have dinner na," sagot nito.

Ngumiti si Clarissa ag pumikit nang marinig ang paborito niyang banda sa background na kumakanta ng "The Man Who Can't Be Moved". Paniwalang paniwala siya at kampanteng kampanteng gusto siya ni Blue ngunit may parte pa rin sa kanyang hindi naniniwala. Kung tutuusin,wala naman dapat siyang ikabahala ngunit talagang may nagsasabi sa kanyang mali ito.

Ewan niya ba.

Umiling na lang siya at dumilat. Namula ang mga pisngi niya nang makitang nakatitig sa kanya si Blue habang nakangiti. "What?"

Umiling si Blue at marahang hinila siya patayo. "You look adorable Clarissa love, c'mon, let's eat dinner. Ayaw kong nagugutuman ka."

Kinilig si Clarissa ngunit hindi na lang niya ito pinahalata. Umupo silang dalawa sa dining roon at nagsimula nang kumain.

This. This is life for Blue Yu, he let's his charms and words do the work to make them fall in love. Then after that, he'll leave them suspended in the air.

Muling tiningnan ng matandang babae ang mga papel na naglalaman ng kung ano anong impormasyon tungkol sa mga babae ni Blue. "Clarissa, Daisy, Hera, Thalia, Feya, Reina, Thena.. Ang dami naman nito. Kailan kaya matatuhan ang batang 'to? Sana lang talaga makahanap na ng katapat 'tong batang 'to para matahimik na," bulong niya bago tumalikod at lumabas ng kwarto.





Just Blue And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon