Kabanata 1 || Best Isn't Enough

44 5 16
                                    

K E A N N A

"Madamdamin, leswake up!" Napaungol ako at itinaklob ang comforter sa mukha ko.

"Five- no ten more minutes," I said groggily.

Narinig ko ang pagtawa ng hinayupak na gumigising sa akin. "Nuh-uh Madamdamin. Ipinagbilinan ng kagalang-galangan, kataas-taasang katipunan ng iyong Mudrabels na dapat nandon ka na sa venue ng eksaktong seven o'clock. So wake it up Madamdamin. Ayaw ko pang maging kabilang sa kilusang NPA. "

Kumunot ang noo ko at dali-daling tinanggal ang pagkakataklob ng comforter sa mukha ko. Taka ko siyang tiningnan. "What the hell is NPA?"

Humagikgik siya at iwinasiwas ang hawak niyang feather duster. "NPA, A.K.A. No Permanent Address. Hay nako Madamdamin, hindi ba 'yan pinag-aaralan sa Math? Este sa Science? Ay shunga! Sa Arts pala. Hehe."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at itinapon ang unang unan na nahagip ng kamay ko. "Lumabas ka nga Cynthia! Ipapasalvage na talaga kita!"

Tumawa siya ng malakas at saka lumabas ng kwarto habang iwinawagayway pa rin ang feather duster niya. Hay nako, Cynthia talaga, walang ibang ginawa kundi mang asar.

Nag inat inat ako bago tumayo at pumunta ng CR.

"Ugh, good morning Sunday," bulong ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Nako, ano na ulit 'yong Cynthia word na lagi niyang idinidescribe sa akin?Hm...

Ah, gurang. Pfft, whatever.

+++

"Oh, Keanna, nandito ka na pala," bungad sa akin ni Mommy pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa venue. Ngumiti ako ng pilit at niyakap siya.

"Yes Mommy."

Sa totoo lang, ayoko umatend sa seminar na ito. May isa pa akong seminar na dapat aantendan ngunit mas kailangan daw ito sabi ni Mommy. Nababaliw na ata ako sa lahat ng kailangan gawin. Hindi ko kayang pagsabayin ang school, extra-curriculum activities at standards ni Mommy. Hindi ko naman pwedeng imultiply ang katawan ko para may umattend sa ganito ganyan. I need to make a choice, which is what I always do and what always hurts me.

Iwinaksi ko na lang ang iniisip ko at umupo sa table nina Mommy at mga ka 'amiga' niya. Tahimik kong sinipsip ang juice na ibinigay ng isang rumurondang waiter. Pinagmasdan ko ang aking kapaligiran at nakita ko ang madalas kong nasisilayan sa tuwing pinipilit ako ni Mommy sa mga seminar na ito.

Pormal na mga tao, nakasuot ng mga pang pormal na damit. Tux, neckties, pencil skirt, blouse at iba-iba pang nakakasilaw sa mata. Damn, they really are formal.

Kinusot ko ang mga mata ko at marahang ibinaba ang baso ng juice sa lamesahan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nagpigil na humikab. I'm so stressed out, kagabi I made papers, tons of them to be taught to the children that we'll offer our hands to. Outreach program iyon ng university at ako, bilang isa sa mga naka upo sa council, naatasan ako para sa Outreach branch. It sucks. Hindi naman sa madamot ako at naaasar sa pagtulong pero, I stayed up late kasi kailangan ko pa magreview.

Exam na namin next week, that will end our third semester. Tambak ang requirements at imbes na gumagawa ako ng requirements ngayon at tumutulong sa Outreach, isama pa natin ang isa pang seminar, nandito ako at inaantok sa isang hotel na puro robot ang laman.

I just hate this, I know my course requires attention because it's business ad at bilang anak ng isang succesful accountant at isang lalakeng may ari ng bangko, I need to do my best to maintain what they have started.

But it's stressing me out, at the same time, it's weighing my shoulders down. Nawawalan ako ng gana pero kailangan tumayo eh.

Bumuntong hininga ulit ako. Bigla naman akong napamulat nang marinig ang boses ng nanggagaling sa stage.

I guess the clash is starting. Hayst.

+++

"Keanna! Ano'ng nangyari sa'yo at mukha kang sinakluban ng langit at lupa?" natatawang sambit ni Julie habang naglalakad palapit sa akin.

Bumuntong hininga ako at hinawi ang buhok ko. "Julie," bati ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at binatuhan ng ponytail.

"Oh ayan! Talian mo nga buhok mo! Daig mo pa nanay nung batang nasa kalye dyan sa hitsura mo. Gurang!" Inirapan ko na lang siya saka itinali ang aking buhok. Parang Cynthia talaga ang isang ito. I wonder, baka naman magkapatid pala sila? Ang daldal nila pareho eh.

Tinawanan niya lang ulit ako. Nang matapos ko ang pagtali sa buhok ko, hinila na niya ako papasok ng classroom.

"Hello mga bata!" Lumingon ang mga bata sa tinig ni Julie at agad na nagsingitian.

"Uy! Si Ate Keanna!" sigaw ng isang batang babae. Si Esmerilda pala iyon.

Lumuhod agad ako para saluhin ang papalapit niyang yakap. Mahilig yumakap si Esmerilda. Noong una, suplado't suplada talaga ang mga bata dito. Lagi kaming pinagtritripan at lagi kaming hinaharass pero nung sinabi sa kanila na aalis na ang school namin at titigil na sa pagtulong dahil nakaabot na sa principal namin ang balita, agad namang nagmakaawa 'yung mga bata na huwag na daw kaming umalis. May tinatagong lambing din pala.

Nandito ako ngayon sa Lindsaye Elemantary School, ang school na hinahandle ng university namin. Maagang natapos ang seminar at kahit na inaantok na ako, dumiretso na ako dito dahil may oras pa naman.

Hinila ko ang pinakamalapit na upuan at umupo. Tumabi naman agad sa akin si Esmerilda at kumuha ng papel at lapis. "Ate akala ko 'di ka na makakapunta!" nakapout niyang sabi

Tumawa ako at mariing pinisil ang pisngi niya. "Pwede ba naman na hindi kita makita? No way."

Nginitian niya ako. "Hindi mo kami matiis noh? Sabi na eh!"

Tumawa ulit ako at kinurot ang pisngi niya. "Of course. Alangan naman hindi ko kayo makita. Isang beses sa isang linggo na nga lang tayo nagkikita, hindi pa ako pupunta?"

Kuminang ang mga mata niya at inakap ulit ako ng napakahigpit. "You're the best ate Keanna!"

Ngumiti ako ng mapait. I don't think so Esmerilda. I don't think so.

Just Blue And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon