Kabanata 5 || White Lies

22 2 4
                                    


K E A N N A

Damn! Damn that boy! Ang sungit pala niya! Argh! Akala ko ba mabait siya tulad ng sabi ni Yuri at tita Gia? Akala ko ba he's like what Julie is saying, mabait at gwapo. Pero no! So wrong! Tama si Daisy, napaka pretentious niya.

Naglalakad ako papunta sa mini bar at tinawag ang bartender. "Vodka please." Dahil sa inis ko, gusto ko na lang talagang malasing. Di bale't wala namang pasok bukas dahil Sabado bukas.

Agad na binigay ng bartender ang inorder ko, alam niya sigurong isa akong Gearlan. Itinapat ko na sa bibig ko ang bote ngunit biglang may lumitaw na kamay sa harap ko. "Why don't you use Chaser? Masakit kung pure Vodka lang."

Lumingon ako at biglang naglaho ang galit sa buong katawan ko. "Luther!" Niyakap ko siya ng napakahigpit at agad na kinalimutan ang Vodka na inosenteng nakatayo sa lamesa. "Luts! I miss you!"

Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. "Sorry na! Busy lang si Luts gwapo. Mahirap kasi maging gwapo."

Umirap ako at tumawa. "Whatever Luts. Bakit ka pala nandito? Wala ka bang trabaho?"

Umiling siya. "Wala naman at," tiningnan niya ako from head to toe saka impit na tumawa, "bakit ka nakapantalon?"

Umirap ulit ako. "I hate dresses. Saka isa pa, ilang oras lang naman tatagal to. Bakit pa ako magbibihis? Mangyayari naman ulit ito after three years, saka na lang ako mageeffort."

Tumawa siya at pinisil ang ilong ko. "I miss you too Panda."

Ngumiti ako at hinigit ang kamay niya. "Tara! Samahan mo ako kumain. Gutom na ako at may kausap pa sila Mommy at Daddy. Si Harper naman," tinuro ko si Harper na nakikipagharutan sa boyfriend niyang mukhang palaka.

Tumawa na lang si Luts at nagpatianod sa paghila ko. Bumalik ako sa lamesa ko kanina bago pa man sumugod 'yung Blue na 'yon at thank God wala na ang makapal niyang mukha dito. Seriously though, I thought he was a good person. 'Yon ang bukambibig ng lahat! Except for Daisy and kindly include me.

Pinaupo ko si Luts sa table namin at sinabing ako na ang kukuha ng pagkain. Nagkibit balikat lang siya. Palibhasa tamad eh. 'Di ko nga alam kung paano nagkatrabaho ang isang iyon.

Habang kumukuha ng sweets, nakita ko sa peripheral vision ko ang next in line na tao sa pagkuha ng pagkain ay si Blue Yu. Hindi niya pa ako napapansin kaya minadali ko na ang pagkuha ng pagkain. As much as I really want to slap the shit out of him, I can't. Papagalitan ako ulit at ibaban sa kung anumang gusto kong gawin.

Nagcecellphone siya kaya hindi niya nakita ang pasimpleng pagtingin ko sa kanya habang umaalis.

Dumating ako sa table namin ni Luts ng nakabusangot.

"Oh? Problema mo Panda?" Natatawang tanong ni Luts.

Umirap ako. "Eh paano ba naman kasi, 'yung anak ni tita Gia! Nakakagago!"

Typical Luts, tumawa ulit. "Sino? Si Yuri? Nagcatfight kayo? Aba! Basagulera ka na ngayon?"

Umirap ulit ako at sinubo ang buong slice ng graham. Napanganga naman si Luts sa ginawa ko. "No. It's that darn Blue Yu."

Nabitawan ni Luts ang kubyertos niya bago humagalpak sa tawa. Like literal na humagalpak. Kulang na lang talaga gumulong gulong siya sa sahig sa kakatawa.

"Once in a lifetime ka na nga lang magkaroon ng kaaway! 'Yung mabait na si Blue pa! Haha! Ano bang pinag aawayan niyo?"

Umirap at pinapak ang bowl ng marshmallows sa tabi ko. Linuhuran ko pa 'to para lang magkaroon ng marshmallow sa menu. Ayaw pa ni Daddy nung una pero pinilit ko with all my might kaya 'yan, hayahay ang buhay.

Just Blue And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon