Kabanata 2 || Mornings

27 3 5
                                    

B L U E

"Bro!" bati sa akin ng isang lalakeng hindi ko kilala.

Ngumiti ako ng pilit. Oh kay, who the hell is he?

Ngumisi siya at tiningnan ako from head to toe. "Alam kong 'di mo na ako naaalala Blue, hindi mo na kailangan magpanggap."

Nagkibit balikat na lang ako. "If that's what you say, then so be it," pasimple kong saad. Alangan namang aminin kong nagpapanggap ako? Edi ako na napahiya no'n.

For some reason though, he found that funny. Tiningnan ko siya na parang siya ang pinakamalaking weirdo sa buong mundo.

I don't know why weirdos keeps on popping out of nowhere. Dati, do'n sa hotel na pinagdalhan ko kay.. I forgot her name pero kasi, may sumulpot na lang bigla na lalakeng nakahoodie at kulay puti ang buhok at.may hawak siyang packet ng shampoo na ihinahagis niya pabalik balik sa magkabilang palad. Noong nakita niya ako, hawak ko ang bewang nung babaeng dinala ko don, agad niyang akong nginitian at niyakap.

Hindi naman siya amoy pulubi, in fact I can smell Axe all around him. He even wears a Casio watch, the latest one and his shoes, damn they are my favorite shoes right from the moment I saw them. He's a rich man but I'm wealthier than him, that's why agad siyang hinila ng mga gwardiya ko at kinaladkad paalis ng floor na iyon. Hindi naman siya nagpumiglas at nanatiling nakangiti sa akin.

Ngayon, wala akong mga gwardiya dahil itinaboy ko sila at safe naman dito sa loob ng restaurant, or so I thought.

Umupo ang weirdo sa upuang nasa harapan ko. "So what's up Blue? Long time no see ah! Parang kailan lang jologs na jologs ka! Ngayon, aba! Bigtime na!" Humagalpak ulit siya sa tawa. Does this guy even stopped laughing and smiling? I hope he stops now before I ban him from this restaurant.

Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang disenyo ng restaurant. Napakahomey naman nito. The chandelier, the pictures and the lamps sorrounding the place. Napakaganda sa mata dahil ang warm sa pakiramdam. You know that feeling? Ugh, how I wish na mabura na lang 'tong weirdong 'to para perfect na.

Nabalik ako sa huwisyo nang batuhin ako ng crumpled tissue nung lalakeng weirdo na akala mo close na close ko kung maka upo sa harap ko.

Kunot noo kong pinulot ang tissue at nilagay sa lamesa. "Stop with the games. Just say what you want to say," kalmado kong saad.

Ngumiti ulit ang lalake. Hindi siya nagsalita bagkus ay hinablot niya ang bag niya mula sa ilalim ng glass table at nagkalkal. Bumuntong hininga ako at umiling. Hindi ko naman siya pwedeng ipahiya dito dahil ako ang mapapahiya. Ang pamilyang Yu ang may ari ng restaurant na ito, kahit na hindi pa alam ng staffs na ang paminsa-minsang pumupunta sa restaurant nila ay ang mismong boss nila, na lagi nilang pinaghihintay sa pag dedeliver ng pagkain, kailangan ko pa ring maging formal. I don't want them to treat me differently.


Napukaw ang atensyon ko sa isang nakakasilaw na flash at tunog ng camera. Irita kong tiningnan ang weirdong lalake at pinanlisikan ng tingin. "This is invasion of privacy. Are you a paparazzi?"

Nagulat ako nang bigla siyang sumimangot at ibinaba ang camera. "Sorry." Mas lalo akong nagulat nang mapansin kong mamasa masa na ang mga mata niya.

"I-It's f-fine." Naalarma naman ako. Hindi ako sanay na lalake ang umiiyak sa harapan ko. Mas maganda siguro kung broken hearted na babae ang andito at nagmamakaawa na balikan ko siya.

Just Blue And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon