Kabanata 4 || Invited Ako

30 5 2
                                    

B L U E

Tulala ako habang nasa loob ng opisina. Kahapon ko lang nakita ang isa pang babaeng Gearlan pero hindi ko na siya maalis sa isipan ko. The way she smiled, it's so damn beautiful kaya napaiwas na lang ako bigla. I can't handle it. Normal naman sa akin na may mga ngumingiti sa aking babae pero bakit sobrang affected ako sa kanya? Ni hindi ko na nasabi kay Mommy yung threat ni tita Rebecca nang dahil sa kakaisip ko sa babaeng 'yun.

What's so special about her? She's just plain. Nakapantalon na itim at t-shirt na puti. Naka bun at sneakers na puti din. Aesthetic but plain. Plain beautiful. Can it be possible na maging plain, beautiful at aesthetic ka all at the same time? She's not even wearing any accessories except her wrist watch ba puti din. She likes white, white is aesthetic. She's aesthetic.

Damn, nakainstall na ata sa isip ko ang bawat detalye ng katawan niya. She's not confident, walang self esteem but she looks beautiful still. How many times have I said the word beautiful again?

Pero she's so slim and flat. Napaka petite niya. May curves pero hindi enhanced. Kasi nga, walang self esteem. Not only that, pero sobrang puti niya rin. Snow white kumbaga. Ang sarap pisilin 'yung cheeks niya. Then her hair, dang kahit na nakabun, alam kong straight ang buhok niya at plain black.

Pero---

"Uh, sir? E-Eto na po 'yung documents."

Napahinto ako sa pag-iisip nang napansin kong kanina pa pala nasa harap ko ang isang staff na may hawak ng papers. Napakurap ako at tinuro ang lamesa ko. "P-Put it here and leave."

Sumunod naman siya habang palihim akong tinitingnan. Nacucurious siguro.

Nang makalabas na siya, napahilamos na lang ako gamit ang palad ko. Darn, see what I mean? She's invading my system. Argh, makikita ko na naman pala siya mamaya. Yari, baka mabaliw na talaga ako ng tuluyan.

Paano kung nakadress siya? Baka 'di ako makapagpigil at iuwi na lang siya sa bahay. Why am I even affected? She's nothing.


Umiling na lang ako at binasa ang mga documents. I hope you stop bothering my mind Gearlan.


+++

"Western Bank," maikli komg tugon sa driver ko. Tumango naman siya at nagsimula nang paandarin ang sasakyan.


Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang labas ng mansion namin. Hindi daw mag aattend sila Mommy at Daddy dahil mag iimpake pa sila para sa bakasyon nila papuntang Spain. Pagala gala na lang sila, palibhasa ako na 'yung boss eh. Hay.


Si Yuri naman, ayaw daw sumama kasi may appointment pa daw siya with her make up artist. So wala akong kasama pupunta doon maliban sa mga bodyguards ko.


Habang nagbibyahe, taimtim akong nagdadasal na sana hindi nakadress si... I should probably know her name. Pero kaya ko ba siyang kausapin? I feel really weird when she's around. Parang nasa kanya lang atensyon ko. She interests me.


Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. Nagtext si Clarissa. Sa lahat ng babae ko, 'yung abogadang iyon lang talaga ang itinuturing kong kaibigan. Friendship, iyon ang nabuo sa amin, I like her, she's a nice girl, maalaga, pero friends lang talaga.


Clarissa: Hey Babe. Meet tayo tonight?



At siya din ang nagsesend ng pinakamaikling text messages sa akin. Yep, she's so unique. If only I can love her back..


Just Blue And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon