•Wrong Academy•
(Trese)Syra Leiz's POV
Naiwan ako dito na lutang ang isipan. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Bakit ba kase napadpad ako sa mala demonyong lugar na ito?
Dali dali kong isinuot ang aking mga damit na ngayon ay nakalapag sa sahig. Humanda ka sa'king Zyros ka! May araw ka rin sakin pagbabayaran moto!
Pagkatapos kong maisuot ang aking mga damit ay saka na ako umalis sa kulay pulang kwarto na iyon. Isang silid na naging saksi sa panghahalay sa akin ng manyak na lalaking kailanman aking kasusuklaman.
Paglabas ko sa silid ay labis naman ang pagkamangha ko sa aking mga nakikita. Napakarami kaseng mga kagamitan dito na gawa sa ginto at mamahaling mga alahas. Siya nga ba kaya ang may ari ng lahat ng ito? Kung ganoon napakayaman naman pala niya. Kaya pala ang lakas ng kaniyang loob na gawin ang kahit anong gugustuhin niya. Ginagamit niya lamang ang kaniyang estado sa buhay upang makontrol ang mga taong nasa kaniyang paligid . Isa siyang Oportunista!
Inilibot ko nalamang ang aking paningin sa buong bahay. Kitang kita sa buong pader at maging sa sahig nito ang mala porselana nitong ganda gayundin ang hindi mabilang na iba't ibang kagamitan na naririto. At halos lahat ay mukhang mga antigo. Hindi ko tuloy maiwasan na maglakbay sa lugar at tumuklas ng marami pang mga bagay.
Umakyat muna ako sa unang palapag ng mansyon kung saan tumambad sa akin ang mga naglalakihang mga paintings na may iba't ibang disenyo at kalidad. Isa sa mga napukaw ng aking mga mata ay ang mga paintings na nakadikit sa may bandang dulo na nakapuwesto sa harap ng isang altar. Tatlong imahe ang nakita ko.
Una rito ay ang isang may katandaang babae na sa kabila ng kaniyang katandaan ay ang natatago nitong ganda.
Ikalawa ay ang isang Gwapo at makisig na lalaki na kahawig ni Zyros.
At ang huli ay walang iba kundi si Zyros Wix na nakangiti na nakakatindig balahibo. Halata sa itsura nito ang kaniyang kamanyakan.
Pero bakit lahat sila ay may naka ukit na parang korteng pangil na hugis V sa kanilang mga pulso? Ano kaya ang ibig sabihin non? Parang may kakaiba sa kanila. Hindi kaya kampon sila ni Satanas? Hayy! Napakahiwaga talaga ng lugar na'to. Gusto ko tuloy malaman ang lahat ng mga sikretong nakabaon dito.
Sa gitna ng aking paglalakbay ay may isang lagusan ang nagpa agaw atensiyon sa akin. Isang luma at itim na pintuan na pinamumugaran ng mga ugat ng puno. Parang may natatagong isang napakalaking hiwaga sa loob nooñ.
Ano kaya ang mayroon rito? Akala ko sa mga pelikula at piksiyon na mga palabas lang makikita ang ganitong uri ng senaryo. Subalit nagkakamali ako. Meron palang ganito sa totoong buhay. Hindi kaya Patay na ako? O Kasalukuyang tinatahak ang isang bangungot sa aking panaginip? Kailangan kong humanap ng kasagutan at sisiguraduhin kong ako mismo ang makakaalam noon.
Isang hakbang ang aking ginawa patungo sa misteryosong pintuan. Dalawa, At tatlo ng may biglang humawak sa aking braso.
"Ano niyan sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Isang tinig ang aking narinig kung kaya't napalingon ako bigla sa aking likuran.
"Bitawan moko!" Saad ko
BINABASA MO ANG
Wrong Academy
VampireStrictly Prohibited for those people who are not Open-minded Isang nakakakilabot at tagong Eskwelahan na hindi basta basta mapupuntahan ninuman. Sa isang maling galaw mo lang maaari kang mabiktima. Puno ng misteryo at kababalaghan ang nakakubli. Iti...