Chapter 5

59 2 0
                                        


Wrong Academy•
(Cuevros)
Jung Hae-in as Sherwin Cohn on multimedia

"Stay here for awhile."

Pumasok naman kaming dalawa ni Satli sa loob. Malamang dormitoryo niya ito pero ayon sa mga dinaanan namin na pasikot sikot kanina ay hindi ito ang Dormitoryo ng mga lalaki. E anong lugar kaya ito? Nakita ko itong kumilos papunta sa isang kabinet at kumuha ng dalawang tuwalya.

"Oh. Heto para mabawasan ang panlalamig niyo."

Inabot ko ang tuwalya at gayundin si Satli. Aalis na sana ito ng kusa nalamang bumuka ang aking bibig para magsalita.

"Salamat pala ahmmm.... "

"Sherwin. I'm Sherwin Cohn"

Sabay lahad ng kaniyang kanang kamay. Inabot ko naman ito bilang senyales ng pagkakaibigan.

"Maraming Salamat Sherwin. Kung hindi dahil sayo malamang patay nakami ngayon. Ako nga pala si Satli Ken"

Biglang sumilay ang ngiti ni Satli at nakipag kamay kay Sherwin. Mabuti naman at gumaan na rin ang pakiramdam niya.

"And you?...." Turo niya sakin.

"Ako naman si Syra"

"Syra?"

"Syra Leiz"

Sabi ko sakaniya at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sakaniya. Gusto ko syang maging kaibigan lalo na wala pa akong nagiging kaibigan na lalaki.

"Ano nga palang lugar ito?"

"Oo nga. Hindi naman panlalaking Dormitoryo 'to diba?"

Sunod sunod na suhestiyon namin ni Satli. Napansin rin pala niya iyon. Ang alam ko kase sa kabilang establishimento lamang ng aming dormitoryo ang dormitoryo ng mga lalaki. Pero hetong lugar na pinuntahan namin ay napakaraming daan na pasikot sikot. Maaari kang maligaw sa maling hakbang mo lang. Sa mga sandaling ito ay sumeryoso ang kaniyang pagmumukha

"Itong lugar na'to ang nagi kong sandalan o tuluyan sa tuwing may nagaganap na giyera sa mismong eskwelahan. Cuevros has a sentimental value for me, it reminds me in spite of misfortune that this place brought to us, there's still home that you can lean upon which is far from chaos."

"Ibig bang sabihin sikretong lugar ito? At ikaw lang ang nakakaalam?"

Takang suhestiyon ni Satli. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi magtanong sakaniya.

"Ito ba ang pinakaligtas na lugar sa buong paaralan? Matutunton ba nila tayo dito?"

Wrong AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon