Strictly Prohibited for those people who are not Open-minded
Isang nakakakilabot at tagong Eskwelahan na hindi basta basta mapupuntahan ninuman. Sa isang maling galaw mo lang maaari kang mabiktima. Puno ng misteryo at kababalaghan ang nakakubli. Iti...
"Nasan naba tayo? Malapit naba?" Tanong ko kay Sherwin dahil hindi ko na matiis itong kating nararamdaman ko. Sana nadala ko ang aking ointment.
"Nasa kalagitnaan palang tayo." Sagot naman niya. At nagpatuloy sa kakaibang damoves na pinanggagawa niya.
"Inaantok na------" hindi ko na ito naituloy ng biglang may kung anong mabigat na bagay na humampas sakin. Nawalan nako ng ulirat.
Nagising ako dahil sa hapdi na naramdaman ng buong katawan ko, tila ba ako’y nakabilad sa matinding sikat ng araw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang grupo na pawang nagsasagawa ng isang ritwal.
I definitely can’t believe this! My mind decline to think conclusion to escape in this hot place, my body starts to relinquish yet my soul refuses.
Nakapabilog sila ngayon sa isang malaking tipak na bato na nagliliyab, umaawit sila sa kanta at salitang hindi ko naman maintindihan. I guess this is a part of their practices or rites on giving adoration to their Deities kuno or whatever they called it! I already have goosebumps beyond goosebumps!
Wala na akong mailuha dahil sa sobrang panghihina. Nakaratay ako ngayon sa isang puno, sa aking palagay isa itong mahogany, hindi ko maigalaw ang aking braso at mga paa dahil sa higpit na pagkakatali nila gamit ang makapal na tanikala. Mahigit pitong metro ang layo ko sakanila. Marami nang masasamang pangitain ang sumasagi ngayon sa isipan ko pero binalewala ko nalamang muna, hindi iyon makakatulong. Sana naman may himalang mangyari ngayong gabi.
Nang matapos sila sa kanilang pagkanta naghanda sila ng sari-sarili nilang kutsilyo na may iba’t ibang korte at anyo atsaka ginilitan ang kanilang mga pulso at sabay sabay na itinutok ang tumutulong itim nilang dugo sa nagbabagang apoy na lalong nagpaliyab sa matayog na bato. Sa pagkakataong ito, lalong tumindi ang takot ko ng makita ko ang kanilang mga hitsura. Hindi talaga ako makapaniwala! Hindi ko alam lalo na ng mga pamunuan ng eskwelahan na ito na may kilusan na palang nagaganap sa pamumuno ni Black Pirate!
Lahat sila ay nakasuot ng manto isang cloak kulay tsokolate maliban sa isang matandang kulubot na lalaking nakakulay itim at may suot na pilak na bakal at tinatakpan nito ang kanyang kanang mata. Totoo nga ang nakita ni Syra. Nawawalan na ako ng pag-asa, I think this is how my life ends!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.