ILANG linggo na ang nakakalipas at nagka-usap-usap na ang buong team para sa gagawing Camping. Naging magkakaibigan ang grupo nila Nadine at mas naging close pa sila James at Nadine. Madalas nang nasa bahay nila James itong makapal na si Nadine, madalas na ring bumibisita si Nadine sa Salon ni Jill upang siya'y kamustahin at nagiging ayos na rin ang kapatid ni Jill.
At ngayo'y nag-aayos na si Nadine ng mga gamit na dadalhin niya para sa camping dahil mamaya na ang kanilang camping. Halos hindi nga siya natulog dahil sa sobrang pagka-excited. May van na susundo sa kanila kaya hihintayin niya na lang iyon.
Hindi na masyadong nag-ayos itong si Nadine. Hindi na siya nag make-up dahil mas magmumukha siyang loshang dahil mapapawisan lang siya sa Camping at masisira ang make-up niya't magiging kamukha niya si McDonalds.
Habang nakatulala si Nadine ay may bumusina na, at siguradong iyon na ang van na susundo sa kanila. Lumabas na siya dala-dala ang gamit niya at dumiretso sa van.
Nakita niya kaagad ang mga kasama niya ro'n at nasa likod si James na kumakaway sa kaniya. Kinawayan niya silang lahat pabalik at tumabi kay James doon sa likod.
Naka-upo si James malapit sa bintana. Gustong umupo ni Nadine ro'n kaya kinalabit niya si James. "James, puwede bang palit tayo?"
"Oo naman. Sure," pagpayag ni James at tumayo siya upang makapagpalit sila ni Nadine. Nang sila'y makapagpalit ay sobrang natuwa si Nadine sapagkat nakikita niya ang kapaligiran mula sa loob.
"Masyado kang masaya riyan, ha?" malumanay na puna ni James kay Nadine. Nakangiting tumango na lamang si Nadine habang ineenjoy ang nakikita sa labas.
"Ito, oh, para mas mag-enjoy ka," sabi ni James at ibinigay kay Nadine ang isang piraso ng earphones ni James. Mas nag-enjoy si Nadine dahil habang siya'y nakatingin sa labas ay may napakikinggan pa siya.
Hinawakan ni Nadine ang kaniyang leeg dahil siya'y nangangalay na. Napansin iyon ni James kaya inakbayan niya si Nadine at inilagay ang ulo sa kaniyang balikat.
"Sigurado ka bang ayos lang ito sa 'yo, 'di ka ba nangangalay?" nag-aalalang tanong ni Nadine kay James. Umiling lamang si James at hinimas ng kaunti ang buhok ni Nadine.
"Well, as long as you're enjoying," masayang sagot ni James. Hindi naman iyon masyadong narinig ni Nadine dahil naka-earphone nga siya.
Habang naka-akbay si James at nakasandal ang ulo ni Nadine sa balikat ni James ay niyakap ni James si Nadine gamit ang isa niyang kamay. Nanigas si Nadine dahil sa ginawa ni James na 'yon. "Anong giagawa mo?"
"Ang lamig kasi," tanging sagot ni James at ipinikit na lamang ang kaniyang mga mata. Hindi pa rin makagalaw si Nadine dahil nagulat siya sa mga nangyayari.
"Shh. Matulog ka na lang, para naman 'di sayang 'yang pagpatong ng ulo mo sa aking balikat," sabi ni James habang nakapikit pa rin.
Bahagyang tumango si Nadine at ipinikit na ang kaniyang mga mata at nagsimulang pumunta sa kaniyang wonderland.
NAGISING ang dalawang ito dahil sa ingay na nagaganap sa kanilang van. Nagtaka sila kaya agad nilang tinanong ang isa sa kanilang mga kamiyembro na si Hanna.
"Bakit ang ingay? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Nadine kay Hanna.
"Oo! May problema! As in! Talaga! Mayro'n! Oo! Sinabi ko na bang may problema? Kasi mayro'n! Nasiraan tayo sa gitna ng daanan, at tinawagan na ang manggagawa, ngunit malayo-layo siya kaya baka matagalan tayo rito. Nasabi ko na ba sa 'yo na malayo-layo 'yong pinanggalingan no'ng mmanggagawa? Nasabi ko na rin bang may problema?" natatarantang sagot ni Hanna.
Napakamot sa ulo si Nadine at James dahil sa pagkakairita. Nakatagpo na si Nadine ng mas baliw sa kaniya. Siguro'y 'di na sila masyadong nataranta dahil sa sobrang pagkakataranta ni Hanna, mas natakot pa nga yata sila sa reaksyon nito, e.
Nang nakaka-ilang minuto na at lahat sila ay nabobored na't nagrereklamo na, kaya hinayaan na sila ng kanilang driver na lumabas.
Nagdiwang silang lahat dahil kahit kaunting oras ay makakapagpasyal sila. Apat na oras lang daw silang puwedeng lumabas ayon sa kanilang driver.
Lumabas na silang lahat mula sa van at nag-ingay. Inaya sila ng ibang kamiyembro kung gusto sumama nila Nadine at James.
"James, Nadine, gusto niyong sumama sa 'min?" pagyaya ni Christian kina Nadine at James.
"Oo nam—" hindi na nakapayag si Nadine dahil pinutol iyon ni James at hinila sa braso.
"Hindi kami makakasama, may pupuntahan kami," sabi ni James. Tumango na lamang ang ibang kamiyembro at nagsimulang umalis.
Nang makaalis ay agad na hinarap ni Nadine sa James.
"Sana'y sumama na tayo sa kanila para makapag-saya pa tayo, napaka-KJ mo talaga!" pagrereklamo ni Nadine kay James dahil sa ginawa nito.
"Totoo naman kasi 'yong sinabi ko. May pupuntahan tayo." Natigil si Nadine sa pagrereklamo ng marinig iyon mula kay James.
"At saan naman tayo pupunta?" tanong ni Nadine kay James dahil sa sobrang kuryosidad.
"Simpleng lugar lang siya ngunit kayang panatagin ang iyong loob," sagot naman ni James, kahit hindi iyon ang sagot sa tanong ni Nadine.
"Saan nga? Sabihin mo na! Nacucurious ako!" naiiiritang pagpilit ni Nadine kay James.
"That's what I want, people to be curious."
Wala nang nagawa si Nadine dahil mukhang hindi naman titigil itong si James. Tumango na lamang siya at sumunod kung saan naglalakad si James. Siguro'y kabisadong-kabisado na ni James ang lugar na ito para magawa niyang imbitahan si Nadine sa isang lugar.
"James, napapagod na 'ko," pagrereklamo ni Nadine dahil matagal-tagal na rin silang naglalakad. Lumuhod si James at nagtaka si Nadine dahil sa ginawa ni James.
"Anong ginagawa mo riyan? Baliw ka ba?" nagtatakang usal ni Nadine.
"Alam mo, kapag nakatayo lang ako, napitik na kita sa noo. Shunga, syempre sasakay ka riyan. Ipapasan kita," sagot ni James.
Namula't natitiglan si Nadine ro'n at pa-demure na sumakay sa likod ni James. Tumayo na si James habang pasan-pasan na niya si Nadine.
"Ngayon, Nadine, alam ko na na marami ka talagang kinakain, ang bigat mo," reklamo ni James.
"Kung magrereklamo ka lang diyan, huwag mo na 'kong pasanin," kungwari'y naiinis na sabi ni Nadine.
"Sure ka?" paninigurado ni James kay Nadine.
"Joke lang."
BINABASA MO ANG
Heartbreak Boy (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceNadine is extra-ordinary compared to other girls — she’s so thankful of all the heartbreaks that she got, from the things she persevere so hard but would fail in the end, she’s still feel happy about it. It’s because there’s a thing there that she w...