NATAPOS ang kanilang date ng maayos at masaya kahit ang unang parte nito ay bumagot kay James dahil nga sa nanood lang sila sa mallshow ng KluNina na sobra namang ikinasaya ni Nadine.
Pagkatapos ng mallshow ay nanood kaagad sila ng pelikula, ang gustong panoorin ni James ay action ngunit gusto naman ni Nadine ay romansa, kaya pinagbigyan na lamang ni James ang kagustuhan ni Nadine, nanonood sila ng pelikulang may temang romansa.
Syempre, hindi naman puwedeng hindi kumain si Nadine, kaya ang sumunod na ginawa nila ay kumain sila sa isang simpleng restaurant, hindi na masyadong papalawakin ay pagkuwento rito dahil siguradong tayo'y maiirita lamang sa pagkain niya.
At ang huli naman nilang ginawa'y hinayaan ni James na bumili si Nadine ng kaniyang mga luho. Nainip si James dito dahil kakunti lamang ang kinuha ngunit napakatagal kung pumili.
Ngayo'y nasa tapat na si Nadine ng kaniyang bahay, papasok na sana siya rito ng pigilan siya ni James sa pamamagitan ng paghila sa kaniyang braso. Tinaasan niya ng kilay si James na animo'y nagtatanong.
"May ibibigay ka pa sa 'kin, 'yong pangako mo," pagpapaalala ni James. Nagtaka si Nadine sa sinabi ni James at muli siya rin 'yong naalala. Lumapit na lamang siya kay James upang gawin na iyon.
Hahalikan niya sana ang pisngi ni James ng bigla itong lumingon sa kaniya kaya naman 'yong labi niya ang nahalikan ni Nadine. Nanlaki ang mata ni Nadine at hindi maapaniwala dahil sa katarantaduhan na ginawa ni James.
Tinignan niya ito ng masama at ano pa nga ba ang asahan natin? Pinagpapalo na naman niya si James ngunit itong si James ay tawa pa rin ng tawa.
Aalis na sana si Nadine at tuluyan nang papasok sa kaniyang bahay ng tawagin siya muli ni James at doon ay 'di na pinakawalan. Mas tumaas ang kilay niya, muling nagtatanong at muling naiinis.
"Ano na naman bang kailangan mo?" naiirita't naiinip na tanong ni Nadine kay James.
"Kulang pa kasi 'yon, may kulang ka pa ng apat, hindi rin kita papakawalan kapag 'di mo 'yon ginawa," pagngisi ni James kay Nadine.
Wala nang nagawa si Nadine at napailing na lamang. Hinalikan niya ng tatlong beses si James at sa pang-apat na beses ay muling lumingon si James kaya sa labi niya uli ito dumampi, at mas matagal ito.
Hindi siya nakagalaw do'n at nang marealize niya ang mga pangyayari ay nakita niyang wala na si James – mabilis nang tumatakbo papaalis sa kaniya.
Hindi na niya naisigaw ang pangalan ni James dahil hindi naman siya nainis sa mga pangyayaring ginawa ni James sa kaniya.
James : Sarap ba? :P
Hindi sana siya maiinis dahil wala namang iba sinabi kanina si James sa kaniya ngunit nang matanggap niya ang mensahe ay do'n siya sumabog dahil sa sobrang inis at doon niya isinigaw ang pangalan ni James. "James!"
KINABUKASAN, hindi masyadong nakatulog si Nadine dahil nararamdaman pa rin niya ang labi ni James sa kaniya at patuloy siyang kinukulit ni James sa mga mensahe.
Pumasok na siya sa kaniyang eskwelahan habang pilit na iniiwasan si James dahil sigurado siyang aasarin na naman siya nito.
Nang makarating na siya sa kanilang silid at wala si James do'n ay nakahinga na siya ng maluwag.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay pumasok na rin ang kanilang propesor na 'di naman ganoon kasungit ngunit parating nakakunot ang noo at nakakatakot.
Tumahimik kaagad sila nang tinignan silang lahat nito. Tumalikod na ito upang magsulat sa whiteboard ng biglang may babaeng nagkumento sa kaniya.
"Parang nakakatakot naman ito," kumento ng isang babae na para bang 'di pa nasasanay sa itsura ng kanilang propesor. Matalas ang pandinig ng kanilang propesor kaya unti-unti itong humarap sa kanila at tinignan ng mas masama ang nagsabi no'n.
Mas natahimik ang lahat at wala na talagang kahit anong ingay ang pumapalibot sa silid dahil sa mukha nito na mukhang nagalit na nga.
"Ano sabi mo?" tanong niya ng may sobrang diin sa bawat salita, nang sabihin niya iyon ay bigla na lamang kumulog kaya halos napatalon na ang buong klase – sigaw ng nakakatakot na propesor at pagkulong na lamang.
Pagkatapos no'n ay bumuhos na ang ulan – ang bawat patak nito ay mabigat at sunod-sunod. Kaya halos 15 minutes ang nakalipas ay nagsisimulang pumasok ang tubig sa kanilang classroom, kakaunti lang naman ito, napaka-kaunti.
Ngunit may iba sa kanila na parang bumbero na sigaw ng sigaw at parang malulunod na sila, kahit napakababaw pa lang naman nito.
Mayroon namang iba na parang walang nangyayari at malaki ang problema sa buhay dahil nanatili silang naka-upo at nakatulala pa rin.
May iba namang halos humihingi na ng saklolo na nakatayo na sa kani-kanilang inuupuan, para bang nababasa na ang kanilang paa mula sa upuan.
May iba namang mga tanga na sa bookshelf nagtago – pinagkakasiya ang kani-kanilang sarili, at syempre, isa na ro'n si Nadine na pinagkakasiya ang sarili at sinisipa ang ibang nasa tabi niya dahil hindi na siya kasiya.
Maya-maya lamang ay si Nadine na lamang ang mag-isa sa bookshelf dahil naitaboy at naisipa na niya ang lahat na nakikipagsiksikan sa kaniya.
Pero nakarinig siya ng tunog, na para bang mahuhulog na ang bookshelf kasama siya. Lumakas ang pintig ng puso niya dahil baka masira nga ang shelf at siya'y mahulog do'n.
Hiniling na niya na sana ay 'di niya inalis at sinipa ang iba niyang kasama sa shelf para hindi lang siya ang isang magiging sugatan at mahuhulog, para kapag nahulog sila'y may mapagpapatungan siya, selfish niya, 'no?
May tumunog uli at doon pinagdadasal ni Nadine na sana'y makapagteleport siya dahil nahihirapan na siyang makaalis do'n.
Pero habang pinipilit niyang umalis ay may narinig siyang pamilyar na boses sa labas, "Nadine! Tara na," boses ni James. Nang marinig niya ang boses ni James ay gumulong siya pababa at doon siya tuluyang nakaalis ngunit hawak-hawak na niya ang kaniyang likod dahil sa sakit nito.
Tumakbo siya papunta kay James at niyakap niya si James ng sobrang higpit. Magkatapos niyang yakapin si James ay pinitik siya ni James sa noo.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Boy (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceNadine is extra-ordinary compared to other girls — she’s so thankful of all the heartbreaks that she got, from the things she persevere so hard but would fail in the end, she’s still feel happy about it. It’s because there’s a thing there that she w...