Pinuntahan kaagad ni Nadine si Jill sa kaniyang kinauupuan. Sabi na nga ba ni Nadine ay 'di siya nagkakamaling may problema ang kaniyang kaibigan. Dahan-dahan siyang umupo katabi ni Jill at 'di iyon napansin ni Jill dahil wala na naman ito sa sarili.
Tsaka lamang napansin ni Jill ang presensiya ni Nadine ng himasin ni Nadine ang likod ni Jill. Napalingon si Jill kay Nadine at nanalaki ang mati dahil sa gulat. Pinunasan niya kaagad ang luha na kanina pa tumutulo sa mata nito.
"Sira-ulo ka rin, 'no? Iiyak ka na lang sa marami pang tao, adik-adik ka," pagbibiro ni Nadine upang kahit kaunti ay gumaan naman ang loob ng kaniyang kaibigan.
"Nadine, kasi, nahihirapan na 'ko," paghikbi ng kaniyang kaibigan.
"Baliw, mas mahirap ang quiz namin. Pero, sabihin mo sa 'kin ang iyong problema, baka makatulong ako. Baliw ka talaga. 'Di tayo bati, 'di ka nangkukwento," paratang ni Nadine kay Jill.
Naglabas ng isang mabigat na hininga si Jill bago siya magsimulang magsalita, ang bigat ng paghinga na ito ay siyang bigat ng loob na kaniyang dinadala sa ngayon.
"Nadine, malubha ang sakit ng aking kapatid ngayon, ngunit, wala kaming sapat na pera upang siya'y dalhin sa ospital at bilhan ng mga gamot. Napakatamlay na niya, sobrang payat na niya, lagi siyang namumutla at nahihirapan na siyang huminga. Kapag nakikita ko ang kaniyang kalagayan ay nahihirapan din ako, parang mas nahihirapan pa sa kaniyang kalagayan," pagkuwento ni Jill at sabay-sabay na namang tumulo ang mga luhang kanina pa namumuo sa kaniyang mata.
"Hay, baliw ka talaga, nandito ako, ba't hindi mo sinasabi sa 'kin? Edi sana natulungan kita, mayroon pa 'kong pang-extra rito na maaring makatulong sa 'yo, tara, samahan mo 'kong pumunta sa banko," pagyaya ni Nadine at tinulungan na makatayo si Jill.
Naliwanagan ng kaunti ang mukha ni Jill at nakatanaw ng pag-asa. Masaya siyang nagkaroon siya ng adik na kaibigan ngunit talagang mahal na mahal siya. Niyakap niya si Nadine dahil sa sobrang tuwa.
"Lumayo ka nga. Kadiri, 'di ka pa yata naliligo," tawa ni Nadine.
NANG makarating na sila sa bangko ay kaagad na nagwithdraw si Nadine at ibinigay iyon kay Jill. Sobrang natuwa si Jill dito. "Maraming salamat talaga. Sobra. Sobra!" gusto muling yakapin ni Jill si Nadine ngunit dahil sa kaartehan ni Nadine ay 'di siya pumayag.
"Tara, pupunta tayo sa isang lugar, lugar na talagang makakatulong sa 'yo," pagyaya ni Nadine kay Jill. Nagtaka si Jill kung saan naman iyon. Sumunod na lamang si Jill sa paglalakad ni Nadine.
Humarap na lamang sila sa isang simbahan. Niyaya ni Nadine si Jill na pumasok at sabay silang lumuhod sa luhuran.
"O, gawin mo na ang dapat mong gawin," pagpapaalala ni Nadine kay Jill.
Nagsign of the cross itong si Jill bago sinimulan ang panalangin.
"Isa akong normal na taong naghahangad sa inyong biyaya. Sobra-sobra ang aking natatanggap ngunit ako'y naniniwala na pagbibigyan niyo 'kong maligtas ang aking kapatid. Ang aking pagkatao'y punong-puno ng kasalanan pero pagsisi'y namamayani na sa aking puso, 'ko'y humihiling sa inyong gabay na sana'y hawakan niyo ang aking puso,
Amen."
Matapos ang panalangin ay parang ang bilis ng naging sagot dahil nakaramdam agad si Jill ng paggaan ng loob at ang pagliwanag ng kaniyag paningin – sumisimbolong pag-asa.
"Salamat uli, Nadine," muling pagpapasalamat ni Jill at tumayo na mula sa pagkakaluhod.
"Hindi ako dapat ang iyong pasalamatan, siya rapat," pahayag ni Nadine at tinuro ang pigura ni Hesus na nakapako sa krus. Ngumiti si Jill at taimtim na nagpasalamat dito.
"Napagdesisyunan kong mag part time job na rin muna at saglit na tumigil muna sa pag-aaral." Aangal sana si Nadine ngunit wala na rin silang maiisip pang iba pang paraan kaya susuportahan na lamang niya ang desisyon ng kaniyang kaibigan.
"Sige lang, basta pangako mong babalik ka rin sa pag-aaral, ha?" pagpapaalala ni Nadine sa kaniyang kaibigan. Tumango si Jill at nginitian ang kaibigan.
"Oo naman, pangarap ko rin ang makatapos. 'Di ko ito basta-basta makakalimutan. Sige na, paalam na muna Nadine. Maghahanap lang ako ng puwede kong mapagtrabahuhan," pagpapaalam ni Jill at kinawayan si Nadine.
Nang makalabas ang kaibigan ay lumabas na rin si Nadine. Balak niyang pumunta kina James upang magpatulong sa kanilang quiz dahil wala nga siyang notes at nangako siyang magsisikap na siya.
Naglakad lang siya nang naglakad ng may ngiti sa labi dahil sa sayang may natulungan siyang tao, kung sasabihin ng iba'y wala siyang nakuha rito, mayro'n – ang kasiyahan.
Masarap sa kaniyang pakiramdam ang magbigay ng pag-asa sa isang taong unti-unti nang nawawala. Dahil sa mga simpleng bagay na ginawa niya ay malaking bagay ang katumbas sa binigyan niya nito.
Nang makarating na siya sa tapat ng gate ay agad siyang kumatok at tinawag ang pangalan ni James ng ilang beses, nang wala pa ring nagbubukas ay medyo nainis siya kaya mas napalakas ang kaniyang pagsigaw.
"James!"
Pero ilang minuto ang nakalipas bago niya marealize na bahay niya pala ang kaniyang kinakatukan kaya 'di talaga bubuksan iyon ni James.
Pinukpok niya ang kaniyang ulo at dumiretso na uli sa paglalakad upang makapunta sa bahay nila James.
Nang nasa tapat na siya ng bahay nila James ay ngayon sigurado na siyang ito na ang kaniyang bahay. Muli niyang tingnan ang kabuuan para mas makasigurado pa. At ito na talaga iyon.
Kumatok siya at tinawag ang pangalan ni James. Ilang segundo pa lamang ay lumabas ang napaka-cute na si Jack. Medyo umiwas siya ng tingin dahil kapag tinginan niya pa ito ay ma-abuso niya ang pisngi nito.
"Salamat!" sabi ni Nadine at pinisil ng kaunti ang pisngi nito. Tinanggal niya kaagad bago niya ito mas panggigilan.
Pumasok si Nadine sa loob kahit hindi siya iniimbita na pumasok sa loob, dahil sa sobra siyang kumportable ay pakiramdam niya puwede na niyang gawin at pumasok dito tuwing gusto niya.
"Kuya James, may bisita ka po," pagpapa-alam ni Jack kay James. Tumingin si James kay Nadine.
"H-Hello!" nauutal na pagbati ni Nadine kay James. Tumayo kaagad si James para puntahan si Nadine. Napansin ni Nadine na wala rito nag mga magulang ni James.
"Puwede bang tulungan mo 'ko para sa quiz sa..." at sinabi niya ang assignatura kay James. "Wala kasi akong notes do'n, e."
"Oo naman!"
BINABASA MO ANG
Heartbreak Boy (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceNadine is extra-ordinary compared to other girls — she’s so thankful of all the heartbreaks that she got, from the things she persevere so hard but would fail in the end, she’s still feel happy about it. It’s because there’s a thing there that she w...