"NADINE! naka-ayos ka na ba?" tanong ni James kay Nadine habang kumakatok sa guest room kung saan nagbibihis si Nadine. Pupunta kasi sila ngayon sa mga paboritong lugar ni James – to chill out, hang-out at mas masolo pa raw nila ang isa't-isa.
"Oo na, eto na," sagot ni Nadine at saka lumabas suot-suot ang simpleng t-shirt, jeans at rubber shoes. Tumango't ngumiti na lamang si James sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Tara na," pagyaya ni James kay Nadine. Sabay na silang bumaba at pumunta sa labas.
"Sa'n ba kasi talaga ang una nating destinasyon?" naiiritang tanong ni Nadine kay James.
"Huwag kang mainip, malalaman mo rin naman," pagtawa ni James. Hindi sila mapaglayo dahil napakahigpit ng paghawak nila sa kanilang mga kamay.
Naglakad sila ng kaunti papunta sa bus station. Umupo muna sila sa uuan sa bus station habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay, para bang may kukuha sa kanila.
"Nadine, did you fart?" kaswal na tanong ni James kay Nadine.
"Ano?!" Tinanggal kaagad ni Nadine ang pagkakahawak ni James sa kaniyang kamay dahil sa naging biglaang tanong nito sa kaniya. Ang ayos ayos ng kanilang pagsasama tapos bigla na lamang magtatanong ng ganoong bagay?
"Hindi mo naman kasi ako pinapatapos, e," nakasimangot na pagrereklamo ni James. "I think you've fart becase you blew my heart away."
Nagulat si Nadine dahil sa sinabi ni James at ilang saglit pa lamang ay 'di na napigilan ang sobrang pagtawa. "Grabe, ang korni mo," puna niya.
"Mahal mo naman."
"Oo na. Sandali. Iyon, oh! May bus na. Tara na. Pumasok na tayo." Tinuro ni Nadine ang bus na tumigil sa kanilang harapan. Hinawakan na uli ni James ang kamay ni Nadine at sabay silang pumasok sa loob.
Humanap sila ng upuan at nang sila'y makahanap ay umupo na sila. Nakaupo muli si Nadine sa upuang malapit sa bintana, ineenjoy niya lang ang view.
"Nadine, huwag kang mawawala, ah? Because we are playing the game of seesaw, everytime you're not here, I'm always down," madramang saad ni James at inakbayan si Nadine, inilagay niya ang lo ni Nadine sa balikat niya.
Hanggang sa maari ay pinigilan ni Nadine ang kaniyang tawa dahil sa mga pinagsasabi ni James, sa mga biglaan niyang pinagsasabi na mas nagingibabaw ang pagtawa niya kaysa ang kilig.
GINISING na lamang ni James si Nadine nang makarating na sila sa una nilang destinasyon. Bumaba na silang dalawa at pinagmasdan ang lugar – isang lugar na puro halaman lamang, payapa, walang tao, napakatahimik.
Pumunta na silang dalawa ro'n at nang makapunta sila ro'n ay humiga ka'gad si Nadine at naggugulong. Tumawa naman si James habang tinitignan si Nadine na magpa-ikot-ikot.
"Alam ko na kung bakit isa ito sa mga paborito mong lugar – because you can do whatever you want and you can express your thoughts and feelings!" masayang sigaw ni Nadine at ipnagpatuloy ang pag-ikot-ikot.
"Yes! And I can do this," sabi niya't hinalikan sa magkabilang pisngi si Nadine.
Naghabulan naman sila ro'n – isa sa mga rason, dahil nagiging malaya sila at puwede silag maging kahit anong edad, puwede silang bumalik sa pagkabata.
NASA bus na uli sila, naging masaya ang ginawa nila ro'n, sila'y nagtatakbo, nag-kulitan, nag-away, nairita si Nadine, napitik ang noo, nasipa ang paa, at marami pang iba na hanggang sa bus ay nangingiti-ngiti pa rin itong dalawa na ito.
"Grabe. Pero sigurado akong mas mag-eenjoy ka sa susunod nating destinasyon," nakangiting paninigurado ni James kay Nadine.
"Saan naman iyon?"
"Secret uli!" pagtawa ni James.
"Anyway, sayang, 'di tayo nakapagdala ng camera, para nakapagpicture man lang sana tayo," nanghihinayang na wika ni Nadine kay James.
"Hindi. Sapat na ito dahil sa tingin ko'y photographer na 'ko, because I can already picture our future," banat ni James.
Binanatan naman siya ni Nadine dahil sa sinabi niya. "Sabagay, nasa timing iyang sinabi mo. Pero alam kong mag-iimprove ka pa," pang-aasar ni Nadine.
DUMATING sila sa pangalawang destinasyon – isang orphanage, talagang natuwa at nasabik ng sobra si Nadine sa labas pa lamang dahil mahilig siya sa mga bata.
"Hindi naman halatang na-excite ka, 'no? Huwag kang mag-alala, magkakaroon din tayo ng ganiyan." Sinipa ni Nadine si James sa tuhod dahil sa pagbanat na naman nito.
"Namumuro ka na sa 'kin, isa pa, ha!" pagbanta ni Nadine kay James. Pumasok na silang dalawa sa loob at lumundag kaagad ang puso ni Nadine habang nakikita pa lamang niya ang mga bata.
Lumapit sila ni James do'n at tinawag niya ang mga bata. "Hello!" bati ni James sa mga bata. Tumingin ang lahat sa kaniya at nakita ang pagkakasabik sa kani-kanilang mga mata.
"Kuya James!" bati nila pabalik na para bang kilalang-kilala na ito, walang duda, madalas bumibisita itong si James sa lugar na ito.
"Sino po iyang kasama niyo?" tanong ng isa sa mga bata ro'n habang tinuturo si Nadine.
"Siya ba? She's my wife," proud na pagpapakilala ni James kay Nadine sa mga bata.
"Hello po!" bati naman nila kay Nadine. Niyakap nila si Nadine at nakaramdam ng sobrang kaligayahan si Nadine ro'n, it's been a long time na rin simula ng makayakap siya ng bata.
"Kung 'di lang para sa mga bata, aangal ako, e," bulong ni Nadine kay James.
"I can't say you're my girlfriend naman, they don't know about that thing, and konting hintay na lang din naman, magiging totoo na 'yon," sagot naman ni James.
Ibinaling na lang muli ni Nadine ang atensyon sa mga baat at nagsimulang laruin. Nakipagtawanan siya sa mga bata at nakipagkuwentuhan. Tinulungan niya rin ag mga bata na asarin si James kaya labis ang naging tawanan sa buong silid.
"Ang saya niyo naman pong kasama, ate Nadine!" natutuwang sambit ng isa sa mga bata ro'n at muling niyakap si Nadine. Napangiti naman si Nadine habang narinig iyon sa isa sa kanila.
"Ang saya ko rin..." sagot niya pabalik at niyakap rin ang lahat ng batang nando'n. "Hanggang sa muli. Bibisita uli ako rito. Paalam!"
BINABASA MO ANG
Heartbreak Boy (Soon To Be Published Under LIB)
RomansaNadine is extra-ordinary compared to other girls — she’s so thankful of all the heartbreaks that she got, from the things she persevere so hard but would fail in the end, she’s still feel happy about it. It’s because there’s a thing there that she w...