HALOS walang naging tulog itong si Nadine dahil buong gabi siyang kinilig dahil sa mga text na ibinigay sa kaniya ni James. Gusto niyang i-off na ang kaniyang cellphone upang makatulog ng maayos pero mas gusto niyang makita ang mga mensahe ni James.
James : Good Morning~ I hate you, you didn't let me sleep. L
8:00 pa lamang at bihis na bihis na si Nadine dahil sa sobrnag excitement. Nang makita niya ang text ni James at tumaas ang kilay niya kung bakit siya pa ang naging dahilan kung bakit 'di siya nakatulog, mukhang mas hindi pa nga nakatulog si Nadine kaya siya dapat ang nagrereklamo, e.
Nadine : Huh? Ako pa ang naging dahilan, ah!
Siguro'y kung nandito si James at sinabi niya iyon ay pasigaw at may diin. Mabuti na nga lamang at 'di niya ito sa personal sinabi't makakawawa talaga itong si James.
James : Pinakilig mo 'ko, e. :">
Binato ni Nadine ang cellphone dahil sa naging text ni James. Sabi na nga ba't 'di magandang ideya ang pagtingin niya sa cellphone niya, e. Kay-aga-aga nababaliw na kaagad si James.
Pinili na lamang niyang itext si Jill na tawagan siya.
Nadine : Jill, call me, last load ko na 'to kaya huwag ka nang humirit.
Kahit mayroon pa namang load si Nadine ay gusto niyang si jill ang tumawag sa kaniya dahil baka raw maubos ang kaniyang load. Bakit, kapag si Jill ba ang tumawag, 'di mauubos load niya?
Pagkatapos na pagkatapos sabihin 'yon ni Nadine ay tinawagan kaagad siya ni Jill. Sinagot 'yon ni Nadine at bumungad sa kaniya ang pagsigaw ni Jill.
"Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga, e!" reklamo ni Jill sa kaniya. Tinawanan lamang siya ng malakas ni Nadine – talagang intensyon na asarin si Jill.
"Ikaw kaya tumawag," saway ni Nadine kay Jill mula sa kabilang linya.
"Sira-ulo ka ba, ikaw ang tumawag, e!" muling sigaw ni Jill. Kung sa palakasan lamag ng boses ay walang laban si Nadine at mabibingi siya sa kaniyang kaibigan. Kaya laging mahina ang volume ng kaniyang telepono sa tuwing kausap niya si Jill, e.
"Ay, oo nga pala," wika ni Nadine nang marealize na siya nga pala ang nagpatawag kay Jill kaya siya tinawagan ng kaibigan.
"May ikukwento kasi ako sa 'yo!" dagdag pa ni Nadine. Halatang inaantok pa si Jill dahil narinig pa ni Nadine ang paghikab ni Jill mula sa kabilang linya.
"Ano naman 'yon?" tanong ni Jill na parang 'di interesado sa ikukwento ni Nadine sa kaniya.
NAPATAKIP si Nadine ng kaniyang tainga ng marinig ang pagtili ni Jill. Kung gaano ka-hindi interesado si Jill sa ikukwento ni Nadine kanina ay siya namang ka sobrang interesado at pagkakasabik niya sa mga ikinuwento ni Nadine – ikinuwento kasi ni Nadine na sila na ni James.
"Sabi na nga ba't lumalandi ka na. Oh, 10:30 na rin, 30 minutes na lang date niyo na. Bye!" pagpapaalam ni Jill nang makita niya ang oras at ibinaba na ang linya.
Nataranta at mas lumakas ang tibok ng puso ni Nadine nang marinig iyon mula kay Jill. Tinignan niya ang oras at nakitang 10:30 na nga. Pumunta na siya sa sala at doon tiningnan ang cellphone na nababaha na ng mga mensahe ni James.
James : Ang tagal ng 11 :"<
James : Reply naman.
James : Miss you na :P
James : oyyyy!
James : Nandito na 'ko sa labas. J
Napatingin si Nadine sa labas at doon nakitang kanina pa kumakatok si James. Lumabas kaagad siya, nakitang nakasimangot na si James dahil sa tagal niya.
"Ang tagal mo naman akong pagbuksan," nakasimangot na sabi ni James kay Nadine. Kumunot ang kaniyang noo dahil wala pa namang 11:00 at 'yon ang nasa usapan nila.
"10:30 pa lang naman kasi, excited?" kumento ni Nadine at lumabas na ng bahay upang sumama na kay James. Sabay na silang naglakad.
"Sobra na kasi akong excited. Sa sobrang pagkakasabik, inandvance ko na 'yong orasan ko ng 11:00," pagtawa ni James kaya naman nakatanggap siya ng sipa mula kay Nadine.
"E, ikaw pala iyang sira-ulo riyan, e. Ano, para saan pa iyang oras kung i-aadvance mo lang?" naiiritang tanong ni Nadine kay James.
"E, para saan pa na nandiyan ka kung hahadlang lang naman ang oras?"
Tinakpan ni Nadine ang kaniyang pisngi gamit ang kaniyang buhok dahil sa sobrang kilig, patago naman niyang kinain ito dahil sa hindi na niya mapigilan pa ito.
Nang maitago na niya ang kilig sa sinabi ni James ay bumalik na siya sa kaniyang posisyon at naglakad na para bang walang nangyari.
Nang makapasok na sila sa loob ng mall ay kaagad na napansin ni Nadine ang nagpeperfrom sa entablado na ang KluNina (Kluney & Anina)
Nasabik siya sa nakita dahil matagal na niyang iniidolo ang dalawa. Hinila niya si Nadine papunta ro'n at lumundag ang puso habang nakikita ang dalawa.
"Ba't tayo nandito at sino naman iyang mga 'yan?" nabobored na tanong ni James kay Nadine.
"Ha? 'Di mo sila kilala? Sila sila Anina at si Kluney. Ang ganda ni Anina ta's ang guwapo ni Kluney, oh!" 'di makapaniwalang sagot ni Nadine at muling nagtitili.
"Mas guwapo pa 'ko riyan at buti pa sila tinitilian samantalang 'yong ka-date 'di man lang mapansin," nagtatampong saad ni James habang tumitingin sa ibang direksyon.
Natawa na lamang si Nadine at hinalikan si James sa pisngi. "Ayos lang 'yan, babawi ako, promise," nakangiting pagpapangako ni Nadine. Napangisi si James dahil do'n.
"Basta, may utang ka pang halik sa pisngi sa 'kin, ha?" nakangising sabi ni James na siyang tinanungan ni Nadine para lamang matapos ang pagdadakdak niya at ang panonood sa mall show ng KluNina.
"James! Ang ganda't guwapo talaga nila!" 'Di pa rin makapaniwalang sagot ni Nadine at pinaghahampas si James dahil sa kilig. Wala nang magagawa si James dahil baka hindi pa gawin ni Nadine ang ipinangako niya kay James. Halos magkapasa na si James dahil sa sunod-sunod na pagpalo ni Nadine ngunit inintindi na lamang ito ni James dahil dito naman sasaya si Nadine.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Boy (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceNadine is extra-ordinary compared to other girls — she’s so thankful of all the heartbreaks that she got, from the things she persevere so hard but would fail in the end, she’s still feel happy about it. It’s because there’s a thing there that she w...