Pagdating namin sa bahay:
"Auntie Roselle, dun po kayo matutulog sa aking kwarto samantalang si Pauleen ay matutulog sa kwarto ni Yana, pasensya na po sa maliit naming bahay, pero ligtas naman po dito si Pauleen Auntie" - Ate Liezel, ang liit lang kaya ng bahay namin pero mapayapa at malayo sa kaguluhan.
"Sus, para di naman tayo Magkakapamilya, Liezel, pwede naman yun as long as safe si Pauleen tas andito naman si Yana para magbantay sa kanya kaya panatag ako" - Auntie
Pagkatapos nun, pumunta na kami sa mga kwarto namin, sa nga pala, dito muna tutuloy si Auntie bago ang pasukan at uuwi lamang siya sa Manila sa pagpasok pa namin sa paaralan...samantala kami ni Pauleen, usap lang ng usap sa aking kwarto...
PAULEEN'S POV
Hehe, magkakaroon pa pala ako ng sarili kong POV, Thanks otor
(A/N: hehehe, wala yun Pau basta ikaw)
*******
Andito nga pala ako sa kwarto ni Alliana a.k.a. Yana, ang Brainy kong pinsan..hehehe, good thing na andito ako iniwan ni mama dahil baka maging sing talino ako ni Alliana o kung possible, mas matalino pa nga sa kanya (ssshhh..wag niyong sabihin kay Yana yun ha, secret lang natin to) Wala kasing magbabantay sa akin kung dun pa ako sa Manila mag aaral kasi palaging busy sa negosyo sina Mommy at Daddy, Himala ngang sumama sa'kin si Mommy dito sa probinsya nina Yana at Ate Liezel...
In fairness, maganda naman ang kwarto ni Yana, malinis, organisado, mabango, lahat na masasabi niyo sa isang magandang kwarto na pag mamay ari ng Maganda kong pinsan ( maganda kaya si Yana nuh, di nga lang niya pansin)...
"Oh, Paw (Paw nga pala ang tawag niya sa'kin), pagod ka yata sa biyahe niyo nuh??" - Yana
"Malamang Yana.. 8 oras yata akong upo ng upo dun sa Bus, akala ko nga di na kami makakarating, anlayo pala ang sa inyo sa Manila nuh??" - ako
"kaya nga Probinsya ehh" - Yana
"ay hindi, Siyudad to Yana, siyudad" - ako
"haist, nan diyan na naman ang paka pilosopo mo, Paw, na miss ko na tuloy yan..hehehe" - Yana
"hehe, ako pa" - ako " da bes ka" - Yana
"hahahahahaha" - kaming dalawa, kahit ang babaw ng aming pinag uusapan basta kung tatawa ang isa, tatawa rin ang isa.. Pinsan nga kami, kala ko nga magkapatid kami ehh....hehehe
Patuloy pa rin kaming tumatawa ng bigla na lang pumasok si Ate Liezel sa kwarto namin..
"Hehe, mukhang nag eenjoy kayo ahh," - Ate Liezel
"Ay wala te, nag iiyakan kami dito..hu.hu.hu.hu" - sabay pa naming sabi yan ahh, hahaha
"haha, magpinsan nga kayo, sa nga pala, nakahain na ang pagkain, kakain na tayo" - Ate Liezel
"Oo nga, nagutom ako sa kakatawa..hahaha" - Yana
"Ako rin...hehehe" - ako
************************************************************************************************************
At kumain kami ng hapunan, adobo lang naman ang ulam, luto nina Mommy at Ate Liezel..ancharap yatang magluto ni mommy ng adobo....hehehe with matching kanin, chicken joy at coke pa kami..kami na ang gutom....
"oh, siya nga pala, Yana, kelan kayo bibili ni Pauleen ng mga gamit sa School, balita ko, next week na ang pasukan" - Mommy
"ahh..ehh" - Yana.. naku, alam ko yatang di yan masyadong gumagala dahil nahihiya siyang okrayin ng Outside world.. at dahil alam ko, ako na ang sumagot..
BINABASA MO ANG
LoveNERDS: The Love of Two Nerds (*O*N*G*O*I*N*G)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang simpleng banggaan sa terminal na nagtapos sa banggaan sa Academics, sabihin na lang natin na ang competition nila ay "Survival to the fittest". Pero nauwi ang lahat sa isang damdamin na kahit kailan ay di nila naramdaman...