Dedicated to @Hwriter for giving constructive criticism to my work, dumami sana ang lahi mo!!! Hehehe...
At yung mga kasali sa STS, konting hintay lang po, limited time na lang kasi ako makainternet, anyways, just follow the rules =)
At continuation pa rin ito sa Part One ng Expect the Unexpected
Sana irate niyo pa rin ang chappie na ito from 1-10 :) :) :) yung honest po talaga
******************************
YANA’S POV
“ANO YANA,PINAPAPUNTA KA DAW NI ATE SA KUSINA,TINGNAN MO KUNG SINO ANG NANDUN”– Pauleen, jusko, bakit pa niya nasigaw yun??? Grrrr... ayan tuloy, nakita ako ni Ate Liezel, siya kasi ehhh...
“Yana, nandyan ka lang pala, pumunta ka nga dito, dali”– tawag sa akin ni Ate Liezel at pumunta na rin ako sa kusina na parang walang malay na parang ano, di ko madescribe... Basta pumunta na lang ako at nakita ko na naman siya.Grrrr.
Umupo na ako na katabi si Ate Liezel at kaharap naman si SUPOT, square lang kasi ang lamesa namin kaya ayun, kung bakit naisipan pa niyang pumunta dito at tsaka, di naman niya alam kung nasaan ang amin, matanong nga...
“Hoy, paano mo nalaman kung nasaan ang aming bahay?at bakit kasama mo si Tim, di ba Sabado ngayon?” – Pagtatanong ko sa kanya, na curious na talaga kasi ako.
“Yung pinsan mo na si Pauleen po ang aming agenda kung bakit pumunta po kami dito sa pamamahay niyo” – pilosopo niya sagot, tsaka may AGENDA pa, Wow, Big Word, Supot!!!
“Ok” – matipid kong sagot, Hell, I don’t care about him except the cute rabbit beside him, cute naman talaga kasi ehh...
“Yiiiieeeee, ganyan na pala ang LQ niyo ngayon,Yana?” – mahinang sabi ni Ate Liezel sa akin, jusko, isa ka pa...
“Anyways, dahil nandito naman ang ating bisita ngayon, ihahain na natin an gaming mga niluto!!! Paw, kunin mo na ang mga pagkain sa kusina” – Malakas na pamamasok na sabi ni Ate Liezel pagkatapos ay nakatingin naman siya kay Paw.
“Aye,aye, Captain” – Paw naman na naka matching salute pa kay Ate, susko, tuluyan niyo nang sinira ang aking araw.
At ayun, kinuha na nga ni Paw ang mga pagkain na ihahain namin para sa aming mga kaibigan, kung bakit pa naman pumunta ang Supot na ito ehh? At infairness, totoo naman ang pinagsasabi niya, tinuruan niya si Paw tungkol sa project namin pero feeling ko, mukhang may pinaplano itong si Paw at hindi ko hahayaang magtagumpay siya ngayon. Lumipas na lang ang ilang mga oras, kumakain na kami ngayon ni Ate Liezel ng tanghalian habang patuloy pa rin sa pagtuturo ni Rence kay Paw nang Makita ako ni Ate na sumusulyap sa kanila.
“Oyy, selos ka noh? Don’t worry, alam ko na mas bagay kayong dalawa” – Bulong ni Ate Liezel sa akin na may dalang poke.
“Ate naman, sasabihan ko naman sana sila na kakain na, konting lingon lang, selos na kaagad?” – ako na bumalik na lamang sa pagkain.
“Asus, umandar na naman si Ms. Defensive” – Haha, Ate, Defensive pa talaga? Of all the words.
“Kaysa naman si Ms. Bipolar” – Pheeww, may defense din kaya ako nuh, haha, naturingan ngang Nerd.
“Haha, mukhang di bagay sa sayo si Ms. Defensive, Ms. Guilty na lang, mas appropriate kasi, haha” – jusko po, pinalala pa naman ni Ate with matching tapon pa sa akin ng isang butil ng bigas, shocks Ate, karmahin ka sana.
“Ate naman, patapon-tapon pa ng kanin, tingnan mo naman, ang mahal kaya ng bigas ngayon” – ito na lang ang aking naisipang palusot, grabeh ka naman Ate.
BINABASA MO ANG
LoveNERDS: The Love of Two Nerds (*O*N*G*O*I*N*G)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang simpleng banggaan sa terminal na nagtapos sa banggaan sa Academics, sabihin na lang natin na ang competition nila ay "Survival to the fittest". Pero nauwi ang lahat sa isang damdamin na kahit kailan ay di nila naramdaman...