Chapter 1: "The Beginning"
"Oy! Oy! Dito bilis" Rinig na rinig mula dito ang ingay na nang gagaling mula sa room namin. Nasa detention kasi ako. Wait,hindi ako ang na detention kundi binabantayan ko tong makulit na babaeng ito. Si Kastrid. Wala kasi yung adviser namin na si Miss Maddie. Pag hindi kasi to binantayan tatakas to.
"Pag di kapa talaga umalis. Magwawala ako." Pagbabanta niya. Nginitian ko lang siya pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nagbabasa kasi ako nang libro. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinila niya ang libro ko at hinagis sa pinto. Ugh! This little--! Kung hindi lang talaga to babae kanina ko pa to niyaya nang suntukan. Napakataray talaga niya.
"Anong problema mo ha?" Ngumiti ako sa kanya para hindi niya mahalata ang inis ko. Alam ko namang iniinis lang ako nito e. Kaya pag pinakita ko ang inis ko baka lang isipin niya na nagtagumpay siya.
"Pag sinabi ko ba aalis kana? Well,ika lang naman. U.M.A.L.I.S K.A.N.A" halos mamatay ako sa titig niya. Seriously? Ano ba talaga nagawa kong mali sa kanya at lagi siyang nag-iinit nang ulo sakin.
"A.Y.O.K.O." naglakad na ako papunta sa pinto at kinuha ang libro ko atsaka bumalik sa kaninang upuan ko.
"Gusto mo ba ako hah? Crush mo siguro ako no? Kaya ayaw mo akong iwan. Iba na pala ang charms ko. Pati ang president ng classroom namin na may girlfriend na ay tinatablan." Napatingin ako sa kanya ang she's grinning like an idiot. Araw araw siguro itong nakakasinghot nang rugby.
"Rugby head." Napatawa na lang ako sa naisip ko. Nakita ko naman na nakatitig sakin si Kastrid kaya kinindatan ko siya. Sumunod kong narinig ay ang pag buntong hininga niya na rinig na rinig ko. Ang sarap niyang inisin. Pero ayoko naman na may naiinis sakin.
Mahigit 10 minutes din kaming natahimik at nung sinilip ko siya ay meron na pala siyang pinagkakaabalahan. Which is,ang pag do-drawing. Magaling naman pala siya mag drawing e.
"Bakit hindi mo na lang ilaan ang oras mo sa girlfriend mo. Sayang lang ang pag i-stay mo dito sa detention." Hindi siya nagbigay man lang nang isang sulyap at nagpatuloy lang sa pag da-drawing.
"At ano? Tatakas ka lang? Minsan nagtataka ako,Top 3 ka sa academic at curricular ranks pero Top 5 ka naman sa kaguluhan." Bilib din ako sa babaeng to eh,bukod sa ang galing mag drawing eh hindi naapektuhan ang mga grades niya nang dahil lang sa mga kalokohan niya. Madalas kasi siyang nahuhuling nakikipagdaldalan,lumalabag siya sa minor school rules.
BINABASA MO ANG
Innocent Evil
Mistero / ThrillerIn this place all you have to do is open your eyes and see the reality. An ordinary school will turn to a mystery. Everything will be a mess. Sinful students must be punished At ako ang magpaparusa sa kanila. ------------ This story is inspired by:...