PART THREE

1.7K 47 0
                                    

Kate

Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay mukha siyang busy sa pagbabasa sa isang report.

"Sir, pinapabigay po ni Ma'am Yvette" mahina kong wika paglapit ko sa table niya.

Kaagad naman siyang napatingin sa akin at walang emosyon na sumagot.

"Just leave it there" turo ni Dylan sa table niya. Pagkalapag ko ng folder sa table ay aalis na sana ako. Pero nagsalita pa siya kaya napatigil ako sa paghakbang palayo.

"Why do you work here? Your family has a company and it's working just fine. So how come that you're here in my company?" Nagulat ako sa tanong niya. Bakit niya pa yun natanong? Pake niya ba kung saan ko gustong mag trabaho!

"It's a personal reason, sir"

"How about you and your boyfriend? Nag li-live in pa lang ba kayo kaya Clinton parin ang apelyido mo?" Walang emosyon na tanong ni Dylan sa akin.

Hindi ko na mapigilan at tinignan ko siya habang nakakunot na ang noo ko. "Mawalang galang na po sir, ipapaalala ko lang po sa inyo na boss ko kayo dito at hindi tatay para po magtanong kayo ng tungkol sa personal na buhay ko"

"Tulad nga ng sinabi mo boss mo ako at sa palagay ko ay karapatan ko na malaman ang buhay ng mga empleyado ko, dahil maaaring makaapekto ito sa dignidad ng kompanya ko" nakuyom ko ang palad ko dahil sa inis. Ngayon ay gagamitin niyang dahilan na boss ko siya kaya manghihimasok siya sa buhay ko? After all that he did to me?

"Fine sir. Ako nga po pala si Kate Clinton, 23 years old at wala po akong ka live-in partner o boyfriend o asawa o ka M.U man lang, siguro naman po sir ayos na po iyon?" Sarkastiko kong wika sa kaniya. Sana ay ma-satisfy na siya sa sagot kong iyon.

Naiinis ako... ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Wala na kami pero bakit ganito pa siya makapagtanong?

"Bakit? Break na ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong na naman niya.

"I never had a boyfriend since my last boyfriend abandoned me six years ago, Sir" galit kong sabi. Randam ko ang pagkirot ng dibdib ko dahil sa ala-lang iyon.

"Are you pertaining me?" This time ay naka kunot noo na niya sa akin.

"No, I referring to the guy who I loved before and yet he still left me broken, only because of a damn picture" matapang kong sagot. Ayoko na sanang ibalik ang alaala ng nakaraan, pero mukhang malabong hindi yun balikan lalo na kung ganito na agad ang salubong niya sa akin.

"Maybe because you hurt him too, and you betrayed him"

"He knows more than anyone else that I can't do that. But he still didn't believe me" I almost shout.

Randam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa galit na nararandaman ko.

"Hanggang ngayon ba naman Kate ay magsisinungaling ka pa rin?" Kalmado ang boses niya pero halata ang galit.

"Anong gusto mo? Aminin ko ang bagay na hindi ko ginawa?"

"For Pete's sake Kate. Six years na ang nakalipas, kaya wag kanang mag deny pa" he glared at me.

"And for heaven's sake Dylan, six years na nga ang nakalipas kaya wag mo ng buksan ang isyong yun. At wag mo na akong pakelaman" Pagkasabi ko nun ay agad na akong lumabas ng office niya.

Wala akong pake kung boss ko siya. Wala siyang karapatan sa buhay ko dahil matagal na niyang tinapos ang karapatang iyon.

Nakakainis sya. Hindi ba ay iniwan niya ako noon? Kaya bakit niya pa pinapakelaman ang buhay ko ngayon? Ano, concern siya? Puwes ay hindi ko kailangan ang concern niya.

Kainin niya ang concern niya!

***

Hazlyn Styles

My Ex Boyfriend Is My Boss (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon