PART SIX

1.7K 45 0
                                    

Dylan

Shit.

Until now ay hindi ko pa pinipirmahan ang resignation letter ni Kate.

Parang ayoko siyang umalis, nakakainis. Pero alam kong hindi pwede kaya pinirmahan ko na lang. Bahala na.

Pagkatapos kong pirmahan ang resignation letter ay pumasok ang secretary ko.

"Excuse me sir, may ipapapirma lang po" anang secretary ko bago lumapit sa akin.

Pagkabigay niya ng folder ay agad ko ng pinirmahan, kaso napatigil ako sa sinabi niya.

"Alam mo sir, kamukha mo ang anak ni Kate"

"A-Anak?" Gulat kong tanong. May anak si Kate?

"Opo, si Kean po" ngumiti pa ito habang nakatingin sa akin.

"Kean?" Kean ang pangalan ng anak niya?

"Nang una ko kayong makita sir, akala ko nakita ko na kayo dati, ngayon ko lang naisip, kamukha mo po kasi si Kean"

"I-Ilang taon na ba ang tinutukoy mo?" Shit! Bakit ako nauutal? Bigla akong kinabahan.

No... this can't be happening. Pero bakit Kean pa ang ipinangalan niya sa anak niya?

"Five years old, mag si-six na po ata yun next next month" ani Ann na lalong nagpakaba sa akin.

Bigla akong nanghina sa nalaman ko, imposible kayang a-ako ang ama?

I-Imposibleng ako ang ama. Niloko niya ako noon kaya bakit ako magkakaroon ng anak sa kaniya. Baka anak ni Kate iyon sa lalaking kaulayaw niya noong mahuli ko siya.

"S-Sino ang tatay ng anak niya?" Kabado kong tanong uli.

"Ahm, ayaw sabihin ni Kate. Kasi daw po iniwan lang siya ng tatay ni Kean, nakaka-awa nga eh, itinakwil daw siya ng pamilya niya dati ng malaman nilang buntis siya. Mga kaibigan lang niya ang tumulong sa kanya noong ipinganak niya si Kean"

"Ah, ganon ba"

Hindi ko ipinahalata pero randam ko ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?

Pagkalabas ko ng opisina ay dumiretso agad ako sa bar na madalas namin tambayan ng mga barkada ko. Kailangan ko ng alak sa mga oras na ito. Dahil sa dami ng mga katanungan sa isip ko ay mukhang hindi kaagad ako makakatulog kung hindi ako iinom.

Matagal na akong hindi nakakapunta dito dahil simula ng makabalik ako sa Pilipinas ay naging abala na ako sa kompanya.

Pagkapasok ko ay katulad pa din ito ng dati. Madaming tao sa baba kaya umakyat ako sa taas kung saan mga VIP lang ang nakakapasok.

Nang nasa loob na ko ay nakita ko agad ang barkada, 6 years ko na rin na hindi sila nakikita.

"Dylan? Is that you?"

Si marco ang unang nakapansin sa akin kaya naman agad na napatingin din sa akin ang iba. Lahat sila ay gulat at halatang hindi inaasahan ang pagdating ko ngayon dito.

"Uy bro, musta" ani Nico.

"Dylan"

"Pare, long time no see"

Binati rin ako ng iba, pero sina Denmark, Jarell at Migs ay hindi man lang ako pinansin. Nanatili lang sila sa kani-kanilang mga upuan at para bang walang pake kung nandito ako ngayon. Silang tatlo ang pinaka ka close ko sa grupo kaya nagtaka ako sa inasal nila.

Anong problema ng mga tatlong ito?

***
Hazlyn Styles

My Ex Boyfriend Is My Boss (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon