PART TEN

1.7K 40 0
                                    

KATE

"Kean, huwag kang makulit okay? Behave ka lang"

"Okay po" tumango is Kean at humalik sa pisngi ko.

"Mag ingat kayo" ani Mama sa akin.

Ngumiti ako bago sumakay sa kotse kung nasaan si Dylan.

"Let's go?" Tanong ni Dylan.

"Let's go" nakangiti kong sabi sa kanya.

Pagkatapos naming mapaglinaw ni Dylan ang lahat lahat sa aming dalawa ay hinayaan ko ang gusto niya na ipakilala si Kean sa pamilya nito.

Hindi ko inaasahan ang mainit na pagtanggap ng pamilya ni Dylan sa anak namin. Ang akala ko ay magagalit sila dahil hindi ko sinabi ang tungkol kay Kean, ngunit wala akong narinig sa kanila kung hindi pasasalamat dahil pinalaki kong maayos si Kean.

Maging sa pamilya ko ay naging maayos na din. Tanggap na nila si Dylan bilang daddy ni Kean.

Unti unti nang nagiging maayos ang lahat.

Ang relasyon na lang namin ni Dylan ang inaayos namin. Dahil kahit na okay na ang lahat ay alam namin pareho na hindi pa tapos dahil may 'kami' na dapat pa naming ayusin.

Hindi ko basta basta makakalimutan ang ginawa ni Dylan. Oo at may rason siya, ngunit hindi ibig sabihin nun ay okay na rin kaming dalawa.

Tulad ng dati ay sa akin pa rin nakatira si Kean. Ang pinagkaiba lang ay may Daddy na siya na laging dumadalaw at pinapasyal siya.

And Dylan is now doing his best to gain my trust again.

I wont deny the fact that I'm still in love with him. But the trust is so hard to give, especially to someone who already broke it.

Ngayon ay pupunta kami sa kasal ni Mia. Kaya iniwan muna namin si Kean sa parents ko.

Matapos akong mag resign sa kompanya kung nasaan si Dylan ay muli akong tinanggap ng parents ko sa company nila.

Ayaw sana ni Dylan ngunit ako ang nagpumilit dahil ayoko din na may masabi ang mga tao sa amin kapag nagpatuloy pa ako sa pagpasok sa kumpanya kung nasaan si Dylan, lalo na at mukhang madami na ang nakaka alam ng kung anong meron kami ni Dylan.

"Thank you for coming" ani Mia sa amin ni Dylan pagkakita sa amin.

"I'm so happy for you Mia" sabi ko at niyakap siya.

"Thank you Kate"

Dahil madami ang bisita ay agad din kaming iniwan ni Mia. Kasalukuyan kaming nakaupo habang pinapanood ang engrandeng reception.

"I want to marry you as soon as possible" bulong ni Dylan sa akin.

"Dylan..."

"Yeah, I know. Im just saying. I just can wait to see you wearing your beautiful white dress" Hindi ako makasagot sa sinabi ni Dylan. That is our long time dream. Kung hindi lang talaga kami nagkahiwalay, baka matagal na kaming kasal ngayon.

After the wedding ay akala ko kukunin na namin si Kean, pero sa isang subdivision pumasok ang kotse ni Dylan na ipinagtaka ko.

"Saan tayo pupunta?"

"To our dream house"

"What?" Para akong nabingi sa sinabi ni Dylan. What is he saying?

Hindi sumagot ni Dylan hanggang sa pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.

Hindi ako makapag salita dahil sa ideyang pumapasok sa utak ko ngayon. Don't tell me that this house is ours?

Sabay kaming pumasok ni Dylan sa loob at isang malaking picture frame namin ni Dylan ang bumungad sakin. Nakasabit ito sa walang kagamit gamit na sa sala.

Of course I can remember the picture. It was out first picture together. Noong unang araw na naging kami sa gabi ng prom namin.

"What is this?" Naguguluhan kong tanong kay Dylan.

"I bought this house, six years ago. Ang kaso lang naging gago ako noon kaya hindi ko man lang nagawang ipakita sa iyo itong bahay. Noong naghiwalay tayo, ni hindi ko man lang naiisip na ibenta to, hindi ko kaya kasi kahit ilang taon na ang dumaan ay umaaasa pa rin ako na baka sakali, baka sakali na maging mabait ang tadhana at ibigay ka niya ulit sa akin" nakangiti si Dylan habang sinasabi yun pero alam kong pilit lang iyon. Alam kong parehas kaming nasaktan sa nangyari.

"Dylan"

"Kate, I can wait. Kaya kong hintayin ang araw na kaya mo na ulit akong mahalin katulad ng dati"

Biglang nanlambot ang puso ko sa sinabi ni Dylan. Hindi ko na namalayan ang sarili ko at niyakap ko na siya.

"I'm always in love with you Dylan. Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal na iyon"

"I love you" bulong ni Dylan habang marahan akong hinalikan sa noo.

"I love you too. Always and forever"

***
Hazlyn Styles

My Ex Boyfriend Is My Boss (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon