PART FIVE

1.7K 44 0
                                    

Kate

Pagkatapos kong mag walk out sa harapan ni Dylan ay dumiretso ako sa bahay ko at doon ako umiyak ng umiyak.

Walang hiya siya! Anong karapatan niya para sabihan ako ng whore?! Nakakainis!

Pagsapit ng hapon ay pinuntahan ko na lang si Kean sa school para sunduin.

"Mommy!" agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ng baby ko pagkakita niya sa akin.

"Baby..."

"Mom, umiyak ka po?" Tanong ni Kean at hinaplos ang pisngi ko.

"No baby"

"Mom. Red po ang eyes mo po. Sino po ang nagpaiyak sa inyo?" Alalang sabi ng baby ko at kiniss niya ang magkabila kong mata.

Dahil sa ginawa ng baby ko ay hindi ko na napigilan ang luha ko. Buti pa siya. Samantalang ang Daddy niya ay walang pake.

Mabuti na lang at may isa akong Kean na laging nagpapagaan lagi sa loob ko.

"This is nothing baby"

"Are you sure mommy?"

"Of course baby, so lets go?" Pagkatango niya ay naglakad na kami papunta sa kotse.

Pag alis namin sa school ay dumiretso kami sa isang resto para doon na mag dinner dahil para bang pagod na pagod ang katawan kaya hindi ko kayang maghanda ng dinner namin ni Kean.

Pag uwi ay agad ko ng pinatulog si Kean.

Ako naman ay nag type muna sa laptop ko at natulog rin agad.

Kinabukasan, pagkarating ko sa company ay pinagtitinginan ako ng mga empleyado, siguro dahil sa nangyari kahapon. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang isang katulad kong empleyado lang ay sasampalin ang presidente?

Pagkasakay ko sa elavator ay ang 25th floor agad ang pinindot ko, kung saan nandoon ang office ni Dylan.

Walang kakatok-katok akong pumasok sa office niya, nadatnan ko naman siyang may kausap sa phone pero ng makita niya ako ay agad niyang binaba ang phone niya at ibinigay niya agad sa akin ang buong atensyon niya.

"What?" Naka kunot-noo niyang tanong sa akin.

"Here" sabay abot ng isang papel sa kaniya.

Mas lalo pang kumunot ang noo niya dahil sa inabot ko sa kaniya. Matagal na binasa niya ang nakasulat sa papel na para bang hindi niya inaasahan yun.

"Resignation letter?" Pagtatanong niya sabay tingin sa akin.

"Yes"

"Bakit?" Nagtanong pa talaga siya.

"Hindi ba obvious? Kung pareho tayong nandito, siguradong bawat pagkikita natin ay mag-aaway lang tayo. At dahil ikaw ang boss dito, alangan naman na ikaw ang mag resign hindi ba?"

"Okay" yun lang ang sinabi niya.

Yun lang yun? Okay lang ang sasabihin niya? Walang kwenta.

Pagkalabas ko ng office niya ay dumiretso na ako sa table ko at iniligpit ko na lahat ng gamit ko.

"Uy girl, anong nangyari?" Alalang tanong ni Mia. Siya lang ang naglakas ng loob para lapitan ako.

"Nag resign na ako"

"Oh my god! bakit?" Gulat na sabi ni Mia.

"Alam mo naman siguro ang nangyari kahapon diba?"

"So, you mean... Totoo nga na naging kayo ni sir dati?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Silence means yes, magtapat ka sa akin Kate. Siya ba? Siya ba ang daddy ni Kean?" Napatingin ako kay Mia. Paano niya nalaman?

Kilala ni Mia si Kean, kaso ay ilan lang naman ang nakaka-alam na may anak ako dito sa opisina, ayoko kasi na tinatanong sa akin kung sino ang ama niya.

Marahan akong tumango.

"Oh my! Siya nga?" Napatakip pa ng bibig si Mia, at sobrang gulat na gulat.

Sino ba ang hindi magugulat na may anak ako at ang boss ko ang ama?

***

Hazlyn Styles

My Ex Boyfriend Is My Boss (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon