Dylan
"Shit" mura ko pagkalabas ni Kate sa opisina ko.
Bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko na balikan ang dati?
Tama naman siya eh. Matagal ng walang kami kaya dapat ay hindi ko na siya pakelaman pa. Buhay niya yun e, kaya bakit kailangan ko pang makialam?
Malapit ng mag lunch break pero hindi ako makapag concentrate sa mga ginagawa ko dahil laging sumasagi sa isip ko si Kate.
Nakakainis dahil gusto ko na siyang makalimutan pero hindi ko naman magawa. Ilang taon na ang lumipas pero walang pagbabago sa akin.
Kaya naman napagpasyahan kong lumabas muna ng opisina para sana kumain sa labas.
At ng mapadaan ako sa table ng mga empleyado kung saan kabilang si Kate ay halos kumulo ang dugo ko ng makita kong may isang lalaki ang nagbibigay ng bulaklak sa kanya. At ang table naman niya ay puno ng mga bulaklak. Nasa baba na nga lang ang iba dahil sa dami.
Dahil hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko kaya lumapit ako sa kanila. Hindi ko pa rin kaya na makitang may ibang lalaking umaaligid sa kaniya.
"Excuse me, pero oras ng trabaho ngayon. Kung gusto niyo ay mamaya na lang kayo maglandian" I know it's rude but I just can't help it.
Masama kong tinignan ang lalaki.
Yung lalaki ay mukhang gulat, habang si Kate naman ay walang emosyon. Parang yelo sa lamig ang titig niya sa akin.
"Sorry sir" anang lalaki sabay yuko.
Pag-alis ng pangit na lalaki ay si Kate naman ang hinarap ko.
"At ikaw naman, kung may balak kang magtayo ng flower shop kung pwede lang, huwag dito" pigil sigaw kong sabi sa sobrang init ng ulo ko.
"Ang mga empleyado mo ang pagsabihan mo, huwag ako" pagsagot niya na lalong nagpainis sa akin. Can't she just say sorry? Bakit ba ang hirap niyang humingin ng tawad?
"Kasalanan mo yan, kaya bakit hindi ikaw ang pagsabihan ko?" Lalo akong naiinis sa inaasal niya.
"Kasalanan bang maging maganda?"
"Hindi. Ang kasalanan ay ang lumandi ka oras ng trabaho"
Dahil mainit ang ulo ko ay wala na akong pake kung marinig man ng iba ang sasabihin ko at kahit na masaktan pa siya.
"For your information Mr. Cordova, hindi ako naglalandi dito" aniya at halatang galit na rin.
"E anong tawag mo dito?" Turo ko sa mga bulaklak na nasa paligid. Parang ang sarap sisantihin ng mga lalaking nagbigay sa kaniya ng mga bulaklak na 'to.
"Damn you!" sigaw ni Kate na ikinagulat ko.
Narinig ko rin na napa napasinghap ang mga empleyado ko dahil sa mura nya.
"Don't you ever dare to cursed at me, know your place"
"Dapat lang sayo yun Dylan"
"Pero mas bagay sayo ang salitang whore" hindi ko na mapigilan ang galit ko. Para akong apoy na mas nagliliyab sa galit.
Sa pagkakataong iyon ay tumayo na siya at isang malutong na sampal ang binigay niya sa akin.
"How dare you! Wala kang karapatan na sabihin sa akin yan. Kung hindi mo ako pinaniwalaan noon ibig sabihin lang nun na talagang hindi mo pa ako kilala. Kaya stop acting like a jealous boyfriend, dahil matagal mo nang tinapos ang karapatan mong iyon!"
Pagkasabi niyang iyon at kinuha lang niya ang bag niya at umalis na ng tuluyan.
At kahit itago niya ay napansin ko pa rin naman na may isang patak ng luha ang tumulo sa mata niya. Doon pa lang ako natauhan.
Dahil sa inis ko ay pinag tatadyak ko ang mga bulaklak na nasa lapag.
"Fuck!"
***
Hazlyn Styles
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend Is My Boss (✔️)
Cerita PendekMy Ex Boyfriend Is My Boss (SHORT STORY) Pagkatapos ng anim na taon ay muling bumalik sa buhay ni Kate ang lalaking minahal niya noon. Lalaking minahal niya ng sobra ngunit sinaktan at iniwan lang siya. Lalaking hindi siya pinaniwalaan at pinagkati...