This novel is a work of fiction. Everything in this story, name, events, places, etc., are all products of the author's imagination.
Dont forget to follow, vote, and comment. :)
--May 06, 2014
FACEBOOK: https://yewww.facebook.com/bruhangyel04
TWITTER: @yelako13
INSTAGRAM: @yelako
------------------------
Every girl has their own dreams. Fame, money, friends, true love, happiness, success, at kung ano ano pa.
Ako, simple lang. Mapansin ng kaisa isa kong crush. Not to mention, LONGTIME crush!
-----------------------
Hello! I'm Julia. A typical girl in a prestigious school. Nursery pa lang ako, dito na ako nag-aaral. I'm currently in third year high school.
I had this classmate nung grade 5 ako. His name is Gavin. The first time I set my eyes on him, he already got my attention. He's friendly, approachable, and very attractive. Friend niya ang karamihan sa mga kaklase namin noon.
Hindi ko siya nakakausap kasi sobrang nahihiya ako. Kung kausapin niya man ako noon, super tipid lang ang sagot ko. E kasi, yung feeling na palapit pa lang siya, alam mo nang namumula na ang nga pisngi mo! Ganon! Kaya naman lumipas ang taon na hindi niya na ako kinakausap. Hindi ko na rin siya naging classmate after nun.
Nung third year, naging kaklase niya ang aking best friend, si Nathalie. Kaya ayun, siya ang taga-up date sa akin about Gavin.
Patapos na ang school year nang biglang nagbago ang lahat. "Girl, may mali sa boylalu mo!" Ngumuso siya habang binabalita iyon.
"Hah? Paano mo naman nasabi yun?" Nag-aalala kong tanong.
"E kasi kaninang umaga, tahimik na siya. Walang imik. Kung noon siya ang unang bumabati sa mga kaklase namin, ngayon puro tungo at pilit na ngiti na lang ang peg niya."
"Baka naman may problema lang."
Nagkibit balikat lang si Nathalie habang ako naman ay hindi maiwasang mapaisip.
Ngayong fourth year na kami, ganon pa din siya, tahimik at wala nang sinasamahan. We're classmates pero paano na niya ako kakausapin lalo neto kung ganyan na siya katahimik? Hay!
Nagkaroon kami ng quiz sa Calculus. Pinaghandaan ko tong mabuti, mahina kasi ako dito kaya naman nag-aral ako sa abot ng aking makakaya.
"Very good Ms. Lamco. Ikaw lang ang nakaperfect sa quiz. Keep it up." Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti. Inabot niya sa akin ang paper ko. Napalaki ang mata ko dahil hindi ako mapaniwala. Ang dating failing grades ko dito, ngayon ay perfect na? Woohoooo!
"Uy! Ang galing mo Julia!"
"Naks naman!"
"Wow perfect score!"
Tumango tango ako sa mga kaklase ko at nagpasalamat nang biglang tumama ang tingin ko kay Gavin. Nginitian niya ako ng napakatamis na para bang sinasabi ng mga mata niyang congratulations. Ang maliliit niyang mata ay lalong naningkit sa pagkakangiti niya. Ang lakas ng dating niya. Nakakainis. Grabe, eto na naman ang pisngi ko. Lumalakas ang kabog ng bidbid ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, ang alam ko lang ay masaya ako.
Nagdismiss na kaya naman inayos ko na ang aking mga gamit. Halos wala nang tao sa classroom nang biglang may naglakad sa may likuran ko. Kinalabit niya ko.
"Congratulations!" sabay ngiti.
Lumaki ang mata ko pero nung nakarecover ako sa pagkagulat, nginitian ko si Gavin. "T-thank You, G-g-gavin." Nanginginig ang boses ko, ramdam ko un.