EPILOGUE

118 11 5
                                    

---FOUR YEARS AFTER---

----------MARCH---------

"Lamba, Sophia Ann C." Umakyat ng stage si baby Sofie. Ngumiti siya ng napakalaki at kumaway sa akin. Kinawayan ko din siya.

Iniabot ni Teacher Mae ang disploma niya. Yup, graduate na siya ng nursery. Ang bilis ng panahon, no?

Last name ko pa din ang ginamit niya dahil hindi naman talaga kami nakasal ni Gavin.

Kahit pa alam niyang wala siyang daddy, lumaki siyang mabait at masunurin na bata. Kilala niya sila mommy Joana at daddy Frank. Magaling siyang kumanta na halos lahat ng sikat na kanta ngayon ay alam niya. Kayang kaya niya ang mga tono at malinaw ang mga words. Kaya naman proud lolas and lolos ang mga parents namin ni Gavin.

Kamukang kamukha niya ang kaisa isang lalaking minahal ko. Maputi, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, at rosy cheeks. Meron lang nadagdag sa kaniya na wala sa amin ng daddy niya. Ang kanyang deep dimples sa cheeks.

Pagkadating ng hapon, ako naman ang naggraduate. Nag-aral akong mabuti kahit mahirap pagsabayin ang pagiging mommy at estudyante. Nag-aral akong mabuti para sa future namin ng anak ko. Nagtapos ako ng college na may honor, magna cum laude.

Bumisita kami ni Sofie kay Gavin. h

Hindi na bumaba sila mommy, daddy, mommy Joana, at daddy Frank.

Naglakad kaming magkahawak ang kamay papunta. Umupo kami sa may bench.

Gavin, thank you for our baby Sofie. Graduate na ako and I'll make sure I'll be able to raise Sofie well. I miss you, baby. You'll always be my dream come true. I love you so much.

"Dada Gavin, hello po. Gadweyt na kami ni mommy. Preho kami may medal. Alabyu dada! Amishyu!" sabi ni Sofie. Masaya ang maliit niyang boses. Tumayo siya at isinabit sa akin ang medal niya. "You're the best mom, mommy. Thank you for taking care of me. Alabyu mommy!"

Kiniss ko siya sa noo. "Thank you, baby. I love you too." Yinakap ko si Sofie at nagsimula na naman akong maiyak.

Gavin, masaya ako na ikaw ang dahilan kung bakit natupad lahat ng mga pangarap ko. Nawala ka man sa akin, may isang Sofie naman ang pumalit at nagpapasaya ng buhay ko ngayon.

Dream Come True (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon