CONTINUATION ULIT

179 9 3
                                    

Kinabukasan, nagkita kami ni Gavin. Tinuruan ko siya sa mga namiss niyang lessons tuwing may free time. Mabuti na lang at wala pang magpapaquiz at magpaparecitation this week. Madali siyang nakacope up sa araw na ito. Pero sa tingin ko, sobra siyang napagod kasi namumulta na siya. Kaya naman binilhan ko siya ng food and water sa canteen. Inubos niya ang food niya at tumungo. Pagod na nga ata siya.

Inoffer kong ihatid siya sa bahay. Tumango siya kaya naman ako ang nagdrive ng sasakyan niya. Kasi, usually, naglalakad lang kami ni Nathalie pauwi kaya wala akong maiiwang sasakyan sa school.

Nang makarating kami sa bahay niya, inihatid ko siya sa kwarto niya. Ikinuha ko siya ng comfortable clothes. Nagbihis lang siya saka ko hinintay na makatulog siya. Nagpaalam ako kay yaya Kara bago umuwi para mabantayan si Gavin.

Maaga pa naman kaya naman dumaan ako sa bahay ni Nath. Ayun, humihingi ng update sa love life namin ni Gavin.

"Ano nang balita sa inyo? Kailan mo ba kasi sasagutin si Gavin. Ang tagal nang nanliligaw sayo yun a. Tara, merienda muna tayo. Kwentuhan mo ako." inabutan ako ng sandwich and juice ni Nath.

"Nath, sasagutin ko na siya sa prom natin. I really love him. Condirmed na. Haha." Todo ang ngiti ko at parang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang saya saya ng nararamdaman ko.

"Kyaaaa!!! Really?" Tumango ako kaya kinilig na naman ang bruha. "Yiiii!!! Juliaaa!!! Wooooh! I'm speechless. Bwahahaha! Isipin mo, noon crush mo lang siya! Ngayon, magiging kayo na! Onga pala, bakit siya absent last week?"

Oo nga pala, I forgot to ask him. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko rin alam ang kasagutan.

Hindi ko namalayan ang oras. Kaya naman umuwi na ako. Ang dami nang text ni Gavin. Hinahanap ako, nangangamusta.

Me: Sorry baby, dumaan pa ako kay Nathalie e. I'm home na. How are you? Nagdinner ka na ba?

Gavin: What did you do there? Dinner ka na then rest okay? Feeling better. Finish na rin magdinner, baby.

Me: That's good. Wala naman, namiss ko lang si Nath kaya dumaan sa kanila.

Gavin: I see. Mukhang hindi na kayo nakakapagbonding dahil sa akin a?

Me: Hindi naman, baby. Busy lang talaga siya. Actually, happy siya for us.

Gavin: That's good then. I'll sleep na okay? Kumaen ka na. Good night baby. I love you so much, dont forget that.

Me: Good night. Sleep well. I love you too baby. Magrest ka na.

Kinabukasan, hinintay ko si Gavin sa classroom kaso absent na naman siya. Dumaan ang Wednesday, Thursday, Friday, walang Gavin na nagpakita sa school. Tinetext ko siya pero wala siyang reply. Hay. Mr. Mysterious talaga.

Prom night na mamaya pero wala pa ring text si Gavin. Hindi siya nagpaparamdam. Naglunch kami ni mommy and daddy.

"Baby, I bought you flat shoes. Huwag ka na muna magheels. Mapapagod ka at masama iyon sa pagbubuntis mo." sabi ni mommy ng nakangiti. Pero napansin nila na malungkot ang mukha ko.

"What's wrong? Alam na ba ni Gavin ang tungkol dito?" tanong naman ni daddy.

"Thank you mommy. But hindi ko alam if pupunta pa kami ni Gavin. Hindi siya nagtetext. Hindi rin siya masyado nagpapapasok lately." Nawalan na ako ng gana kumaen kaya tumayo ako. "No dad, hindi pa niya alam." Naglakad ako papuntang kwarto.

Nakatulala lang ako buong isang oras. Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Gavin. Hanggang sa hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.

Dream Come True (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon