Nagising ako dahil may naramdaman akong humahaplos ng buhok ko. Tinignan kong mabuti kung sino siya. Nang namukhaan kong si Gavin ang humahaplos sa buhok ko, nagising ang aking diwa. Napamulat ang aking mga mata sa pagkagulat. Umupo ako sa kama habang tinititigan siyang mabuti.
"Baby, anong nangyari sa buhok mo? Bakit ka nagpakalbo?" Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.
"New look." Ngumisi lang siya. "Bagay ba sakin?" Tanong niya habang tinataas baba pa ang mga kilay at nakangiti nang nakakaloko.
Sa totoo lang, bagay sa kaniya. Mas lalo pa nga siya naging gwapo. Kaya naman tumango ako saka ko siya binigyan ng matamis na ngiti.
Tumakbo ako papuntang washroom para maghilamos at magtoothbrush. Binalikan ko siya sa kwarto ko saka hinawakan ko ang ulo niya. Binaba ko ang kamay ko sa pisngi niya at hinawakan ang isa pa niyang pisngi. Hinalikan ko siya sa labi niya. Agad niyang ginantihan ang halik ko. Malambot ang labi niya, mainit at masarap. Hindi ko maikakailang iba sa pakiramdam. Humiwalay ako sa pagkakahalik namin. Yinakap ko siya ng napakahigpit.
"I really miss you, baby. Ayoko na umalis ng ganon katagal. Nababaliw ako kakaisip sayo." Aniya.
Naiisip niya ako. Naiisip niya ako kahit nageenjoy sila. Ang sarap sa feeling ng alam mong may nagmamahal sayo.
"I miss you too, baby, so much!" Yinakap ko pa siya ng mas mahigpit.
Inilayo niya ang katawan niya saka ako hinalikan ulit. Binuhat niya ako kaya naman nakatungo na ako habang naghahalikan kami. Umupo siya sa kama ko. Iniyakap ko ang legs ko sa bewang niya. Ang sarap ng mga halik niya, nakakahumaling, nakakabaliw, nakakapanghina. Ibinaba ni Gavin ang kamay niya, dahan dahan na animo'y nakikiramdam. Binaba niya ito hanggang sa makarating ito sa pwet ko. Hinila pa niya ako palapit sa kaniya habang walang tigil ang halikan namin. Nararamdaman ko na ang paggalaw ng mga katawan namin. Pero maya maya pa, tinanggal niya ang kamay niya at itinigil ang paghalik.
"Sorry, this is not right." Nalungkot ang expression niya, tumungo, at umiling. "Sorry, baby."
Inihiga ko siya sa kama, inituon ang mga kamay ko sa magkabilang bahagi ng balikat niya, at saka ko siya ulit hinalikan. Humiga ako sa tabi niya, sa braso niya. Nakakapanghina talaga siya. Nagside view ako paharap sa kaniya at yinakap na lang siya.
"Baby," hinawakan niya ang baba ko at itinapat ang mukha ko sa mukha niya. "I'm sorry. It's not that I dont like to do it with you. I just respect you so much. Besides, ayoko masira ang trust ng family mo sa atin."
Ngumiti ako at hinaplos ko ang pisngi niya. "Thank you, baby. Tara sa baba. Kaen tayong dinner. Nagugutom ako."
"I forgot to tell you, baby. Lumabas pala sandali sila tito and tita. May bibilhin lang daw sa mall. Wala pang food. Gusto mo, ipagluto kita?"
"You know how to cook?" Nagulat na naman ako. Masaya ako na may nalalaman ako sa kaniya everytime magkakausap kami.
"Nope, but I will try for you. Haha."
"Dapat masarap yan a." Halos mawala ang mata ko sa pagngiti.
Bumaba kami. Binuhat ako ni Gavin sa likod niya. Naamoy ko na naman siya. Ang bango.Ang sarap amuyin. Nakakainis!
Pumunta si Gavin sa dirty kitchen at kumuha ng chicken, egg, and breading. Nang maluto ito, binigyan niya ako ng isang piraso sa plate ko. Pumutol ako ng maliit at tinikman ang luto ng aking future boyfriend. Tinignan niya lang ako na parang binabasa ang nasa isip ko.
"Baby, masarap ba? Bakit wala ka man lang reaksyon jan? Gumana na ba ang gayumang linagay ko? Hahaha." Pangaasar na naman niya sa akin.
"Hahaha. Hindi mo kailangan pang gayumahin ako. Ikaw talaga. Masarap yung luto mo, baby."