Chapter 5

1.5K 19 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kinikilig pa rin ako nang maalala ko ang araw na iyon.

Simula sa araw na iyon, nagbago na ang lahat.

Magbabasa na sana ako sa kabanata 3 nang biglang magring ang phone ko.

"Yes, hello?" Sagot ko.

"Jia, si Cal ito."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o sasabihin ko.

"Can we meet?" Tanong niya saakin.

"S-Sure." Nauutal kong sagot.

"Ok. Pero hindi ngayon, pwedeng bukas? Nang umaga? Sa cafe ko?"

"Uhh, sure. Text mo nalang sakin yung location."

"Yes, thank you."

Inend na niya yung call at nakahinga naman na ako ng maluwag.

What. The. Hell. Was. That?

Yinaya niya ako?

Wait, wag assuming.

Jia, kalma ok? Hindi ka niya niyaya. Malay mo magbibigay lang siya ng closure.

Closure.

Umiling ako at magsimula na ulit magbasa. Tapusin ko na kaya ang kwentong ito?

Ikatlong Kabanata

Kinabukasan nun, nakakatanggap na ako ng dalawang love letter. At sa magkaibang tao. Ayokong mag assume pero feeling ko kay Josh yun galing kasi hindi na niya ko kinukulit masyado tungkol sa love letter na yun.

Isang buwan na din since mangyare iyon. Malapit na ang intrams kaya busy na ang mga tao.

Lunch break at may gagawin daw si Josh kaya sumama muna ko kina Helen kumain.

Namimiss ko na agad si Josh. Ano ba kasing gagawin niya?

Tapos na kaming kumain nang dumating si Josh, sabi niya samahan ko daw siya kumain kaya pumayag naman ako.

Sinamahan ko muna siya kunin yung lunch box niya sa room. Pagdating namin sa room, may isang estudyante na dali daling lumapit saakin at pilit akong kinakaladkad papunta sa kung saan.

"Sumama ka na ate, promise madali lang ito." Kunot noo akong sumunod since kasama din naman si Josh.

Tumungo kami sa school's garden. Pagdating ko doon nakita ko ang isang lalake sa gitna ng mga rosas na may hawak hawak ng gitara habang kumakanta ng Harana.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta, kinuha niya ang bouquet na nasa likod niya at tumayo. Unti unti siyang naglakad papunta saakin hanggang sa nakarating siya sa harap ko.

"Diba sabi ko sayo darating din ang araw na magpapakilala ako sayo? Eto ang araw na yun, Naomi." Sambit niya. "At sana sa araw na ito, tanggapin mo din ako sa buhay mo."

Tulala ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam pangalan niya e. Sino ba ito?

Lumuhod siya sa harap ko at nasitilian naman ang mga tao. Mapakla akong ngumiti.

"Please Naomi? Pwede bang maging tayo?" Tanong niya.

Tumikhim ako. Hingang malalim, Naomi.

"Hindi." Nanlaki ang mata niya kasabay sa pagsambit ko nito.

"Hindi pwede maging tayo kasi hindi kita kilala. Hindi ko alam kung nanliligaw ka ba o hindi. Oo, sweet ang ginawa mo saakin pero sorry talaga. Natouch ako pero ayoko." Pumikit ako. Hingang malalim ulit, Naomi.

"Sorry, Kuya. Pero hindi ang sagot ko."

Lumingon ako sa paligid. Ang daming nadisappoint sa desisyon ko. Nginitian ko siya tapos tumalikod.

Hala, asan na si Josh!?

Dali dali akong tumakbo papunta sa canteen, wala ang loko. Sa room, wala din.

Ah! Sa rooftop!

Pagdating ko sa rooftop nakita kong kumakain mag isa si Josh. Nanatili akong nakatayo sa may pinto habang pinapanood siyang kumakain.

"Bat mo ko iniwan dun?" Tanong ko. Nagulat naman siya at napalingon saakin.

"Uyy andyan ka na pala." Bakas sa boses niya ang bitterness niya. "Congrats sainyo. Pano yan? May boyfriend na bestfriend ko. Wag mo kong kakalimutan ah? Bestfriends pa rin tayo."

Nagpumigil ako sa pagtawa at lumapit sakanya. Agad ko naman siyang binatukan.

"Nababaliw ka na ba Benben? Ni hindi ko nga kilala yung tao tapos sosyotain ko!? HAHAHA galing mo magbiro!" Tumawa ako ng sobra tapos natawa din siya.

"Akala ko sinagot mo e. Diba ganun yung gusto mo?" Sabi niya saakin. Kumunot naman noo ko.

"Mas gusto ko kapag ikaw ang gumawa nun sakin, loko." Ngumiti ako tapos tiningnan niya naman ako.

"Seryoso ba yan?" Nagkaroon ng liwanag ang mukha niya.

"Syempre biro lang. Para 'tong tanga." At natawa naman ako. Pero nanatili siyang tahimik at seryoso.

"Akala ko totoo na." Bulong niya. Kumunot naman noo ko.

Hingang malalim ulit Naomi.

"Ikaw ba nagpapadala sakin ng mga love letters Josh?" Lakas loob kong tanong. Nanlaki naman ang mata niya at lumingon saakin.

"Ikaw yun noh?" Panghahamon ko. "Umamin ka na kasi. Ikaw yun diba? Kaya hindi nalang isa natatanggap ko. Kaya dalawa na. Ikaw yun diba?"

Padabog niyang ibinaba ang kutsara niya at humarap saakin.

"Oo, ako nga yun. Oo, kaya sobra love letter sayo kasi yung isa sakin galing. Oo, mahal kita. Oo, inlove ako sayo. At kung bakit kita iniwan dun? Kasi nagseselos ako! Naomi nagseselos ako! Gusto ko akin lang atensyon mo! Gusto ko ako lang pinagkakaabalahan mo! Ako lang dapat Naomi!" Napatigil siya.

"Pero wala nga palang tayo." Sabi niya sabay ligpit ng mga gamit niya. Liningon niya ako habang ako tulala pa rin.

Ngumiti siya ng tipid tsaka sinuot ang bag niya. "Magkakaroon palang."

At doon, iniwan niya ako ng tulala...

kasama ang puso kong nababaliw na sa kaba.

Muling Pagkikita [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon