Chapter 1

5.5K 73 4
                                    

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin sa kwarto ko.

Hingang malalim, Jia. Makikita mo lang naman si Cal at wala nang bago dun.

Di ka na dapat affected ok?

5:30 na ng hapon, nakabihis na ako, nakamake up na rin, ready to go na. Chineck ko na lahat ng gamit sa pouch ko na black and complete na din.

5:45 when I decided to go. 6:15 ng makarating ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng hall, ang dami ko nang nakitang kakilala and grabe, kinabahan ako ng sobra.

Andito kaya si Cal? Darating kaya siya? Sino kaya ang date niya? May kasama ba siya? Maganda ba?

Naupo ako sa isang table kung saan ko nakita si Gen at Mae na magkasama. Malapit sila sa may stage na may malaking screen for background.

"Hi Jia!" Bati sakin ni Mae. Nginitian ko naman.

Nagkumustahan kami at nagkwentuhan ng mga memories nang magsimula na ang program.

Luminga linga ako pero wala pa rin akong Cal na nakikita. Darating pa ba yun?

E bat ba ko atat na atat?

7 na nung kumain kami, kasama ko sa table ang dalawa kong kaibigan at tatlong kaibigan ni Cal na may kanya kanyang date. At eksaktong pagdating ng pagkain namin sa lamesa ay may narinig akong familiar na boses.

"Late na ba ko?" Ayokong lumingon sa likuran ko. Ayokong malaman kung may date ba siya o wala. Ayokong malaman kung gumwapo ba siya, kung nagka abs ba siya o ano.

"Caleb!" Nagsitayuan yung mga kaibigan niya at sinalubong siya habang ako napatingin naman kina Mae.

At ang mga loko, ngumiti ng nakakaloko saakin with matching pataas taas pa ng kilay.

"Who's this pretty girl with you?" Tanong ni Henry, isa sa kaibigan niya.

So, ayun. Confirmed. May date nga.

"Ah, si Jane. Babe, si Henry, Patrick at Roy. Kaibigan ko nung highschool."

Babe babe sayo. Utot mo! Naging tawagan din natin yan.

"Girls? Hindi niyo ba babatiin si Cal?" Tanong saamin ni Roy na halata namang iniinsulto ako.

Liningon ko sila ng may ngiti sa labi at nag hi ako.

"Tara, upo. Join us. I am Jiallana, pleased to meet you Jane." Ngiti ko.

"J-jiallana?" Amazed na amazed na tanong saakin ni Jane at bigla siyang tumili at yumakap saakin.

"Oh my God I can't believe it! Nameet na kita sa personal! I am one of your biggest fan! Gustong gusto ko yung mga poetries and stories na ginagawa mo!" Ngiting ngiti niyang sabi. Nag thank you naman ako pabalik.

Naupo siya sa tabi ko at sa tabi niya naman si Cal. Naupo na din ang mga kaibigan ni Cal at nagsimula nang kumain.

"I really like your stories. You know what? Cal told me you're his best friend. Syempre hindi ako naniwala, but now?" Humarap siya kay Cal. "God, Cal. You're so lucky to have a best friend like her!"

Ang daldal netong babaeng ito. Tapon ko kaya ito sa labas? Matuwa pa kaya siya kapag nalaman niyang ex ko yang boyfriend niya?

"Babe, tama na. You should eat." Suway sakanya ni Cal.

Kaparehang kapareha ko itong babaeng ito nung highschool ako. Ang daldal ko din nun. Kailangan ko ring suwayin bago ko maisipan kung ano ang dapat kong gawin.

"Sorry, it's just that I am so amazed!" Ngiti niya tapos tumingin siya saakin. Nginitian ko rin.

Habang kumakain kami pinapakita sa screen ang iba't ibang pictures namin way back highschool.

Nandun yung iba't ibang kalokohan ng bawat mag aaral saamin. Natatawa nalang ako habang pinapanood iyon.

Umiinom ako ng juice ng biglang nag appear sa screen ang text na 'Most Favorite Loveteams Way Back 2007'

Nabilaukan ako ng mabasa ko iyon. Sana naman wala kami dun.

Pero mukhang nabigo ako. Kasi ang unang picture na ipinakita ay ang picture namin ni Cal na nasa marriage booth at kinakasal.

Palihim kong siyang sinilip pero agad na nabiyak ang puso ko ng makita kong kay Jane siya nakatingin.

Bat ba affected ako? Kasalanan ko diba?

Nag excuse ako para mag Cr muna at pagbalik ko nagsasayawan na sila sa dancefloor.

Pagbalik ko sa table nakita kong nag iisa lang doon si Caleb.

"Nasan si Jane?" Tanong ko at naupo.

"Andun. Kasama sila Mae." Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin kay Jane.

"Ang saya nila tingnan noh?" Pag iiba ko ng topic.

"Oo nga." Sabi niya at tumingin saakin. "Masaya din naman tayo dati ah. Bat mo ko iniwan?"

I was take aback. Pero hindi ako magpapatalo.

"Bat di mo kasi ako pinahalagahan?" Natahimik siya. "Hindi kita iiwan kung pinahalagahan mo ko."

"Hindi mo lang nakita pagpapahalaga ko, Jia. Minahal kita. Mahal na mahal pa nga, e. Kaya pano mo sasabihin na hindi kita pinahalagahan?"

"Kasi Cal, hindi ka nag eeffort! Ang ginagawa mo ay obligasyon mo lang saakin! Sinasakal mo ako sa mga bagay bagay! Ako nalang palagi ang sweet, ako nalang palagi ang umiintindi. Ako nalang palagi! Nakakapagod yun! Sobrang nakakapagod."

Hindi siya nagsalita. Bagkos tumingin lang siya sa baba.

"Oh diba? Wala kang masabi! Mahal kita Cal, mahal na mahal. Binigay ko sayo lahat tapos di mo pa rin ako kayang pagkatiwalaan? Di mo pa rin ako kayang pahalagahan? Ano bang pagkukulang ko? Bat ginanun mo ako? Masaya naman tayo nun ah, bat bigla kang nagbago?"

Alam ko sa sarili ko na konti nalang tutulo na luha ko. Alam ko na kapag nagsalita pa ko, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Iiyak na ko.

Tiningnan niya ako. Nakita ko ang namumuong luha sa mata niya. Magsasalita na sana siya ng biglang may nagsalita.

"B-babe?"

Muling Pagkikita [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon