Last Chapter

1.7K 14 2
                                    

Dahan dahan kong tinignan ang iyong mukha. Mula mata hanggang sa iyong labi.

Ang gwapo mo sa tuxedo mo. Ang ganda din ng mga ngiti mo na aabot sa tenga mo.

At ako? Ang ganda ko din sa gown ko. Nakaoffshoulder na white na long gown ako at may magandang make up din.

Maganda kaya ako sa paningin mo ngayon?

Luminga linga ako. Ang daming nakatingin saakin. Andyan yung mga batang may nga dalang basket na puno ng rose petals. Tapos naglalakad pa ako sa red carpet.

Sa gilid, may mga white trees na gustong gusto ko talaga. Kumikinang ito katulad ng plinano ko.

Sa pinakadulo, nakikita kita. Ngumiti ka at umiiyak na. Ang saya mo.

Dahan dahan akong naglakad hanggang sa maabot kita. Ngumiti ka saakin ng bahagya at sinabi ang mga katagang...

"Tinupad ko ang pangarap mo, Jia." Ngumiti ako.

"Salamat, Cal." Yinakap kita at hinawakan mo ang kamay ko.

"Thank you sa paghatid sakanya." Ngiti mo. Kinuha mo na siya at naupo na kayo sa harap ng altar.

Pinanood kitang ikasal sa iba. Pinanood kitang mangako sa iba ng mga pangako mo saakin dati. Pinanood kita umiyak ng dahil sa tuwa sa iba. Pinanood ko ang panghabang buhay na sumpaan niyong dalawa.

Masakit, oo. Pero masaya ako. Nahanap mo na ang babaeng para sayo.

Masakit man na makitang ikasal ka sa iba, hindi iyong magiging hadlang sa pagiging magkaibigan natin, Cal. Bestfriends tayo diba? Walang magbabago dun.

Napalingon ka saakin at ngumiti. "I love you." Bulong ko.

Thank you sa pagtupad sa hiling ko, Cal. Mahal na mahal na mahal kita.

Pinakahuling Kabanata ng You and I

"Ash, kausapin mo na si Josh." Pakiusap ko sa pinsan ko.

Ilang taon nang nakakaraan simula nang magkahiwalay kami. At sa kasamaang palad, nagkagulo pa nang muling magkita kami.

Girlfriend ni Josh si Ash. Syempre masakit, napakasakit. Pero wala e, kailangan kong tanggapin. Sarili ko namang katangahan yun kung bakit kami naghiwalay.

"Please? Mahal na mahal ka niya." Tiningnan niya ko mata sa mata at tumango siya. Ngumiti naman ako.

..

Kasabay ng mga salitang ibinibigkas niyong dalawa ay ang saya na hindi na matumbasan ng iba.

"Ayos na kayong dalawa, Josh." Sambit ko sakanya.

"Salamat, Naomi." Sabi mo at hinalikan ako sa noo.

"Ipangako mo, na ang muli nating pagkikita ay sa kasal niyo nang dalawa. Ok?"

"Pangako." Ngiti mo.

At sabay naming binigkas ang sarili naming vow...

"Pinky." Inilahad mo ang pinakamaliit mong finger saakin.

"Promise." Ngiti ko at inilahad din ang pinky finger ko.

"Seal." Sabay nating bigkas at nagpinky promise.

"Copy." At doon hinawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit at himalikan ako sa noo.

Mahal na mahal na mahal kita, Josh.

The end.

Pumalpak na lahat ng tao sa loob ng simbahan matapos nilang magkiss. Syempre nakipalakpal na din ako.

Kahit masakit, kailangan tanggapin. Katangahan ko yun e.

Linapitan ko siya at yinakap ng mahigpit.

"I missed you, best friend." Yakap niya saakin pabalik.

"I missed you too, Cal."

"I love you, Jia. Forever and always."

"Bestfriends?"

"Bestfriends."

Nagtawan kami at binigkas ang mga salitang...

"Pinky, promise, seal, copy."

Hanggang sa muling pagkikita natin, Cal. Paalam.

The end.

Muling Pagkikita [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon