Chapter 7

1.5K 23 2
                                    

"Hello Cal? San ka na? Andito na ko sa cafe."

"I'm on my way, sorry pinaghintay pa kita. Traffic, e."

"No, I don't mind. Take your time." Tapos inend ko na ang call.

Sinilip ko ang libro sa bag ko.

You and I

Huminha ako ng malalim at nakita si Cal papasok ng cafe.

"Hey." Bati niya tsaka naupo.

"Hey." Bati ko pabalik. "Nice cafe, Cal."

"Ah, thanks. Actually, this is designed by Jane."

Kumikirot ang puso ko. Jane.

"Oh really? She's an architect?" Hindi maiwasan na marinig sa boses ko ang bitterness.

"Yes. She became an architect. An excellent one." Sabi niya na tila ba akala mo'y kumikinang ang mga mata.

"Ayy, Cal. I have something for you." Sabi ko. Hingang malalim, Jia. Kaya mo yan.

Inilabas ko ang libro sa bag ko at ibinigay sakanya.

"For you." Sabi ko at ngumiti.

"A book?" Lumingon siya saakin. "About what?"

"Inisip kong ipublish yan pero naisip kong ibigay nalang sayo. I left an empty page sa pinakalikod niyan, write whatever you want." Sabi ko. "It is about us, Cal. Ginawa ko ang librong yan nung highschool palang tayo but then ngayon ko lang naituloy."

"Ahh, thanks." Sabi niya at itinago na ang libro sa bag niya. "Can I ask you a question?"

"Yah, sure." Kahit nag aalangan akong huwag nalang.

"Why did you leave me?" Tanong niya. Natahimik naman ako. "Bakit mo iniwang mag isa at di man lang ako binigyan ng isa pang pagkakataon na makasama ka?"

"I.."

"I loved you, Jia. Minahal kita ng sobra. I was so broke back then. Nawalan ako ng girlfriend pati na rin ng bestfriend. And you know what hurts me the most? Yung parang wala lang sayo na nawala ako sa buhay mo..."

"No, that's not true."

"Hindi, Jia. Ginawa kitang mundo ko tapos ako isang tao lang pala sa mundo mo."

"We were so young back then, Cal."

"Kahit na! We were young pero we are loving each other! Bakit di mo ko nagawang ipaglaban? Kasi ayaw mo?"

"Cal, please. Stop."

"Why, Jia? Why did you leave me? Bakit bigla mo nalang akong inayawan?"

My heart slowly crashed nung nakita ko ulit siyang umiyak. Wala na akong ibang masabi kundi sorry.

"Pero matagal na yun, Jia." Sabi niya at inangat ang ulo. "It was a long time ago, gaya ng sabi mo, bata pa tayo nun. And I moved on."

Pinunas niya ang luha niya sa mga mata niya at tiningnan ako mata sa mata.

"I love Jane. I could say na mas minamahal ko si Jane kaysa sayo. I am your best friend and hindi ako galit sayo. Gusto ko lang ng explanation. But then again, mukhang wala naman akong makukuha sayo. So, Jia, please. Let's have a proper closure."

Closure.

I was expecting this pero hindi ko alam na mas masakit pala kapag narinig mo na talaga.

Hinihingan niya ko ng closure kasi mas mahal niya na yung ngayon.

Kasi minahal niya ko noon, pero sinayang ko lang nun.

I am so immature. So, so childish. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko.

"Yeah, sure." I replied.

"Thank you, Jia. I hope makahanap ka ng lalakeng magmamahal sayo katulad ng pagmamahal ko sayo noon."

Unti unting tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Kasabay ng pagpatak ng ulan, kasabay ng luha kong hindi na mapigilan ay ang tuluyang pag alis niya sa buhay ko nang namamaalam.

Muling Pagkikita [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon