Chapter 3

1.9K 26 0
                                    

After that talking, umalis na si Jane, at syempre, same old Cal, sinundan niya ang girlfriend niya.

Pagkadating ko sa bahay, agad din akong nahiga sa kama. At sa dinami dami ng iniisip ko, nakatulog nalang ako ng hindi nagbibihis.

Kinabukasan, pagkatapos kong maligo at mag almusal, hinanap ko agad yung librong noon ko pa ginawa.

Nahanap ko siya sa kailalim laliman ng aking pinakababang drawer sa aking cabinet sa kwarto.

"Ano ba naman 'tong librong ito? Pinahirapan pa ko maghanap." Bulong ko sa sarili ko.

Naupo na ako sa desk ko at sinimulang basahin ang maikling kwento na ito.

You And I

Ba namang title ito. Ang waley, masyadong corny. Yuck.

Buti nalang ang ganda ng sulat ko noon, malinis. Pero ang tyaga ko pala magsulat nun noh? Grabe.

Unang Kabanata.

👩🏻 Naomi Camalla

Dali dali akong tumakbo papunta sa assigned room para saakin. Ano ba naman ito!? Bat di kasi ako ginising ni inay ng maaga!?

Pagdating ko sa may pinto ng room nakita kong nagsisimula na ang klase. 30 minutes late na ko, sa canteen na muna ako tatambay.

..

"Miss, gising." Inalog alog ako ng isang tao at tsaka ko minulat ang aking mga mata.

"Wala ka bang pasok?" Tanong niya.

"Ah, opo." Tiningnan ko ang orasan ko at.... "HOLY MOLY LATE NA NAMAN AKO!"

Dali dali kong kinuha ang bag ko at nagpasalamat sa matandang babae na cook siguro at kumaripas ng takbo.

5 minutes late palang naman ako, pwede pa ito.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa room. Kaya ko ito, fighting!

"Good morning, Sir. Sorry, I'm late." Ani ko at nagbow pa. Tutuloy na sana ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Josh nang pigilan ako ni Sir.

"Where do you think you're going, Miss? Late ka na, second subject ka na dumating. I don't think you still deserve to attend my classes!" Nagulantang ako pati na rin classmates ko.

Oh, God. Pakain mo na ko su lupa, please.

"Hindi mo deserve na makapasok sa ganitong school! You little brat! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo ha!? Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong niya sabay tayo.

Nanatili akong nakayuko habang nanginginig na ang buong katawan ko. "C-Camalla, N-Naomi po."

"Miss Camalla. Hm. Sa tindig mo palang, alam ko nang hindi ka scholar. May kaya ba kayo sa buhay?" Hindi ako sumagot. "Siguro meron kaya nga ang kapal ng mukha mong pumasok ng late sa klase ko! Ano kayang sasabihin ng magulang mo kung bibigyan kita ng grade na 70 this 1st grading, ha!?"

Naramdaman ko na ang namumuong luha sa mga mata ko habang pinapagalitan ako ni Sir. Nanginginig na talaga ako sa takot habang pinagsasalitaan niya ako ng kung ano ano.

"Iangat mo ang ulo mo." Malumanay pero matigas niyang sabi, hindi ko ito sinunod bagkos nanatili pa rin akong nakayuko. "IANGAT MO SABI!"

Nagulantang ako ngunit nanatili pa rin akong nakayuko. Nakita ko siyang kumuha ng meter stick sa desk niya at lumapit saakin.

"Ayaw mo pa rin?" Matigas niyang tanong.

Papaluin na niya sana ako nang biglang may malakas na dabog kaming narinig sa gitna ng classroom. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito.

"Mister Oxales, anong ginigawa mo?" Hindi nagsalita si Josh bagkos kinuha niya ang bag niya at tumayo.

Sabay sabay na ding tumayo ang kanyang mga tropa at unti unti nang nagsitayuan ang mga tao sa room.

"Anong ginagawa niyo!? Ha!?" Galit na galit na tanong ni Sir. "Gusto niyong ibagsak ko kayo sa subject ko ha!? Lahat kayo!!"

Walang nakinig sakanya at nagsiilingan lang ang mga kaklase ko at sabay sabay na lumabas sa room.

"San kayo pupunta!? Bumalik kayo dito hoy!!" Sigaw ni Sir.

Habang paubos na ang tao sa room, lumapit saamin si Josh.

"Ano na naman ito Mister Oxales?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir.

Hindi niya sinagot si Sir at tiningnan niya lang ito sa mata. Napatingin naman ako sa kamay ko nang hawakan niya ito at agad akong hinila palabas ng room.

"J-Josh." Bulong ko.

At habang naglalakad kami, tiningnan niya ako sa mata at ngumiti siya.

Ngumiti siya saakin sa unang pagkakataon at hila hila niya pa rin ako papunta sa kung saan man papunta ang mga kaklase namin.

Muling Pagkikita [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon