Prologue

21 0 0
                                    

PROLOGUE

“Ang pagpili ng taong mamahalin ay dapat parang pagpili ng damit na bibilhin. Kahit mas bagay sayo yung isa, dun ka pa din sa komportable ka”  Eto ang sabi ni Kuya Eric sakin. Tandang tanda ko pa. 1st year ako nung sinabi niya sakin ito. Hindi ko pa nga maintindihan noon ang meaning noon eh. At ngayong nasa 4th year na ako, saka ko lang naiintindihan at ang pagpili ay sadyang hindi madali.

 -

Utak daw ang piliin wag puso dahil paminsan nangpapanggap lang itong matalino kahit hindi.

Puso daw ang piliin dahil ito daw talaga ang makakapagpasaya sayo.

Hindi naman daw kailangan ng utak para magmahal

Pero paminsan kailangan din ito para hindi maging tanga.

Kung didigtahan ka ba ng utak mo, susundin mo ba ito para maging Masaya?

O

Mas susundin mo ang puso mo?

Maaring maraming masaktan dahil iba ang pinili mo pero may iba ding sasaya.

Pero hahayaan mo bang siya lang ang sasaya pero ikaw hindi?

Hahayaan mo bang ikaw ang sasaya pero siya ang masasaktan?

Walang makakapag sabi kundi ikaw lang. Dahil ikaw ang magmamahal at ikaw ang minamahal ngunit hindi mawawala sa ating buhay ang pagdedesisyon at pagpili na kailangan nating gawin lalo na kapag nagmamahal. Hindi naman tayo pwedeng pumagitna lagi at kailangan ding pumili.

Pero sa storyang ito, sino ba ang pipiliin ko?

Who To ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon