Chapter 2

17 0 0
                                    

“Wooooooooooooooaaah! SAAAV! First day of school na! Hindi ka ba excited?” hyper na tanong sakin ni Molli,

“Syempreeeee excited haha. Grabe akalain mong 4th year nako? Unbelievableeee!” sorry hyper din ako. Gusto ko kasing makita si Ervin eh. Oy oy! Bestfriend ko yang si Ervin. Wag kayong ganyan! Isa nga pala siya sa mga bestfriend ko bukod kay Molli. Naging bestfriend naming yan ni Molli nung first year kami. Wala lang, ewan ko ba jan kay Ervin. Bakla ata yan eh kaya gustong gustong sumama samin eh. Haha pero syempre joke lang yon! Hoy, lumalovelife yan nung first year kami kaso ayon nabusted. Pero nakamove on na daw siya. SABI NIYA.

“Molli!!” ayan speaking of Ervin

“Luuuh, si Molli lang pinansin! Hoy nag bakasyon ka lang sa ibang bansa hindi mo na ako pinapansin” tapos nagpout ako

“Awwwwwwwwww, tampo na si Savannah ko. Wag ka na tampo. Oh may chocolate ka naman atska may binili akong mga teddy bear para sayo sa bahay at mga damit at accessories.” Tapos biglang ginulo buhok kong hindi straight. Actually wavy hair ko and mejo busagsag eh.

“Luh, si Sav meron tapos ako wala. Tsk FAVORITISM ERVS” pagtatampo naman ni Molli

“HAHAHA! Ang cute nyong magtampo. Syempre meron ka din Molli! Haha. Teka anong section niyo? Section 1 akooo!”

“Section 1 din ako! Ikaw Sav?”

Pagtingin ko sa bulletin.......

“WHAT THE?! Section 2 ako? Aah naman!” ano? Section 2 ako. Ano ba yan. Malayo ako sa mga kaibigan ko. nakakainis naman eh -____-

“what? Section 2 ka? Sana ginalingan mo kasi nung third year tayo para kaklase tayo. Ngayon lang tayo nagkahiwalay hiwalay eh!” Haay, alam ko naman hindi ko kayang maging first honor. Hanggang third honor lang ako eh. Eh sa yun lang ang kaya ko eh

“Ano ka ba Molli! Wag mong ganyanin si Savannah. Alam naman natin ang pinagdadaanan niyan ah. Dapat ngang icheer natin siya. Atleast nga section 2 siya eh!”

Nakakagaan lang ng loob yung sinabi ni Ervin. Hay, sobrang thankful ako na sila mga kaibigan ko.

“Ay oonga pala. Sorry Sav. Yaan mo libre nalang kita lattuuur hihi”

“Haha okay lang. Thanks ha? Kasi nandito kayo para sakin lagi. Pwede naman tayong magsabay tuwing recess, lunch and dismissal. Pwede pa nga rin kahit sa umaga eh!”

Ayon nagtawanan na kaming lahat. Pano ba naman si Ervin kasi. Napakakulit. Lahat ng babaeng dadaanan namin eh kikindatan niya tapos yung ibang malalanding babae na feel na feel ang pagkindat sa kanila ni Ervin eh nagtatalon sa tuwa.

“Oy kayong dalwa!!!! Dito na classroom ko. Hay first time to eh. Yae na nga. Hoy mamayang recess. Wag nyong pagpapalit hah! Dito lang ako” nasa tapat na kasi ako ng section 2 na classroom eh. Haaays

“Hahaha Sav ang OA mo! Syempre hindi noh! Wala na kaming makukulit kung ganon eh. Ay nako ang drama. Para nasa kabilang section lang kami eh. Haha sige pasok ka na! Byeeeeeeeeeyush!”

“Oonga, bye Savannah! Haha” tapos ginulo nanaman ni Ervin ang buhok ko. Aah, panget na ng buhok ko.

Pagpasok ko ng classroom isang malaking WOAH ang nasabi ko sa isip ko. Kasi naman. Yung iba dito hindi ko masyadong close. Hindi naman kasi ako yung taong makikipagclose sa ibang tao kasi yung mga kaibigan ko close sa kanila. Ayoko nga nung ganon lalo na kung hindi ko feel yung tao. Ayon, pumunta ako sa vacant seat. Dun ako sa may likuran sa may tapat ng bintana umupo. Ayoko naman sa unahan, sasabihin nilang sipsip sa teacher. Kapag sa gitna naman wala akong kaclose dun sa mga nakaupo kaya dito nalang ako sa likod. Ano bayan! Parang ang emo ko na dito. Tsk tsk

Who To ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon