Chapter 3

28 0 0
                                    

Paglabas ko ng gate ng school aba may mga nakabilog nga!! Ay maki chismis nga muna ako. Eto ba yung sinasabi ni Vince?

“Gago ka kasi!!! Bat mo pinakawalan tapos ngayon ako susugurin mo? Tanga ka pala eh!!!” sigaw nung lalaki

“Ako pa ang nagpakawala? Poohtah! Ako na nga yung makikipag kita tapos ako ang ibrebreak at sasabihin na may mahal ng iba at engaged na sa gagong katulad mo? Lumugar ka kasi!! Alam nanaman na may boyfriend!”

Tapos biglang sinuntok ni Kade yung lalaking taga North East University School. Omg away na to!

“Kasalanan ko bang mas mahal ako ni Wij kesa sayo?!!! Alam mo pare past time ka lang niya!! 7 months lang kayo pero ako talaga mahal niya!”

Tapos bigla nalang sinuntok ulit ni Kade yung lalaki.

“toungeina! mong gago ka!!!!!”

Nagsusuntukan na pero buti nalang inawat sila nung mga kaibigan ni Kade.

“Tandaan mo to!! Hindi pa ako tapos sayo!” banta ni Kade.

--

Papasok palang ako ng gate ang daming boxes and mga bags. Whut? Ano to? Lilipat na kami? Nooo! Pano na sina Molli and Ervin :( No please. Nagtampo pa naman ako sa kanila kanina. Hala, kelangan ko silang habulin!

Takbo savannah! Takbooooooooooo!

“MOLLI!!! ERVIN!!!!!”

“Sav?”

“MOLLI!! ERVIN!! SORRY NA PLEASE HINDI KO NAMAN SINASADYA NA MAGALIT SA INYO. OO MOODY AKO KAYA NGA AKO NAGSOSORRY SAINYO DIBA? OO NAMISS KO DIN KAYO KAYA SORRY NA. HINDI KO NAMAN DIN GUSTONG MAGALIT SA INYO EH. PLEASE SORRY NA!!!”

“huh? Savannah ko, okay lang yon. Alam ko ang date ngayon at alam naman naming na meron ka kaya mainit ulo mo at medyo moody. Sorry din-“

Bigla ko nalang silang hinug :’( ayaw kong mahiwalay sa mga kaibigan ko L okay na yung sa section 2 eh pero kung lilipat kami baka may possibility na sa ibang lugar at baka ilipat narin ako ng school. Huhuh

“Ano ka ba sav. Okay lang yon. Wag ka nang umiyak. Eto naman. Parang hindi ka naming kilala ah. Tama na okay. Ang babaw mo naman eh” Grabe tong si Molli naiyak na nga ako inasar pa ako. Kaya mahal ko tong dalwang to eh.

“K-kasi lilipat na kami ng b-bahay eh”

“ANO?!!!!!!!”

“WHAT?!!!”

“o-oo. Pagdating ko sa gate ng bahay naming ang daming boxes and bags. Huhu ayokong mawala ako sa inyo :’(“

Humiwalay silang dalwa sa yakap ko at nagkatinginan silang dalawa sabay...

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

“HAHAHAHAHAHAHHA MY GAHD SAV! HAHAHAHAHA”

Walanjo tong dalwang to ah. Lilipat na nga ako tatawanan pa ako. Lalo tuloy akong naiyak.

“Huyy Savannah, joke lang eto naman. Tingnan mo kasi phone mo ngayon!! Dali!!”

Edi sinunod ko si Molli. Tiningnan ko phone ko at ang daming text from... KUYA?

From: Kuya Eric

          Savannah, nandito na ako sa bahay. I’m so excited to see you lil sis. I missed you J

From: Kuya Eric

           Ay, I forgot to say, wala muna gala ngayon okay? Uwi ka agad!!!

Who To ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon