Natapos na ang klase at eto ako. Hnihintay sina Ervs at Molli dito sa may canteen. every Tuesday kasi 5:40 awas nila kaya kelangan kong maghintay palagi.
“Huy Savannah!”- Vince
“Hey Sav”- Race
“Sav”- Mike
“oonga Hi”- Ryan
“Hiiii Savannah J”- Rowan
“Hello Savannah! Bakit nandito ka pa?”- Blake
“hehe uy! Ah bakit pa kayo nandito?” ang feeling close kong tingnan K
“hahahahahaha! Wala lang. Tambay lang hahaha” sagot ni Race
“ah hehe sige”
Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kanila. Ewan ko kasi pinagkakaguluhan sila dito sa school tapos sila pa unang aapproach sakin diba parang nakakahiya. Napansin ata nila na medyo naawkwardan ako sa kanila at nahihiya.
“Ay nako Sav, wag ka na ngang mahiya samin. Kaklase mo kami at katabi mo pa kami. Wag ka nang mahiya!” sagot naman ni Blake
“Ah hehe anla, hindi naman tayo ganong kaclose eh. Atska ilang araw palang naman tayo magkakilala eh. Hehe”
“Sus, nahihiya daw. Bat ba ang tahimik mo sa klase pero kapag nakikita ka naming kasama yung kaibigan mo ang ingay ingay mo?” curious na tanong ni Race
“Ha? Nakikita niyo akong kasama ang mga kaibigan ko?” wag mong sabihing stinastalk ako nitong mga to. Sus, sila naman pala yung stalker e! Joke lang. Nagfefeeling nanaman ako huehue
“Oo naman! Kaklase ka namin at katabi pa! At sa totoo lang ikaw lang yung babaeng hindi pa nagpapacute samin” masayang sabi ni Rowan
“Oonga! Ikaw lang sa klase natin. Nakakapagtaka nga eh. Sa sobrang tahimik mo napapaisip kami kung may problema ka ba o nahihiya ka samin o kinikilig ka kaya tahimik ka o hindi ka lang komportable samin.” –Ryan
“Tungek! Kung kinikilig yan sana hindi yan tahimik na parang hindi tayo nageexist” –Rowan
“oonga no singkit? Hindi ko naisip yon. Pero teka lang Savannah, gwapo ba kami?” tanong ni Ryan sabay flash ng kanyang killer smile. Inaamin kong gwapo silang lahat
“Asus, magsitigil nga kayo. Ako ang gwapo! BOOM” sabat naman ni Race
“Sus, asa naman. Ako kaya gwapo!!!” sabi naman ni Vince
“tss magsitigil nga kayo” naiinis na sabi ni Mike. Halata namang naiinis siya. Kanina pa nakakunot noo niya
“Hay nako. Magaaway ba naman kayo sa harapan ni Savannah kitang nahihiya siya. Uhm savannah, wag ka na mahiya. Magkakaklase naman tayo” sabi naman ni Blake
Hindi ko alam pero parang nagiging comportable na ako sa kanila. Kasi hindi nila kailangang magpretend sa ibang tao. I mean oo mejo mayabang at mahangin sila pero kapag nakikipagkaibigan sila ganon parin ang asta nila. Kaya tuloy nagiging comportable ako sa kanila kasi no pretentions.
“Ah sige sige tratry ko. haha. Sige una na ako! Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko” napatingin ako sa orasan sa phone ko nang makita kong 6 na! Hala nasan na na sina Molli at Ervin? Tinext ko na sila kung nasan na sila nang biglang magsalita si Vince
“Pwede bang maging kaibigan din ang mga kaibigan mo? Para kasing nakakatuwa kayo e” sumang ayon naman ang ilang kasama niya pati si Mike ay tumango lang na parang sang ayon sa sinabi ni Vince
Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko
“SAVANNAH!!!!!”
“Uy savannah ko!!”
“Ano? Savannah KO? Boyfriend mo yan sav?” tanong ni Rowan
“Huh? Hehehe hindi ah. Bestfriend ko yang dalwang yan! Ahm, sila si Molli at Ervin. Molli and Ervin, si Rowan, Ryan, Vince, Race, Blake at Mike. Kaklase ko”
“Hi sa inyong dalwa!!”
“Hello sa inyo!!” masayang sagot ni Molli. Kapag ka nga naman feeling close and mga kaibigan ko or friendly lang talaga sila. Bago ko pa maging ‘kaibigan’ tong mga to e napunta muna ako sa hiyaan stage.
“Uy hi!” nakipag apir pa si Ervin sa kanilang anim. -_-
“Ako nga pala si Ervin at ito naman si Molli and alam ko naman na kilala nyo na si Savannah ko. kaklase nyo ba siya?” – Ervin
“Ah oo bro! Pero tahimik yang si Savannah kapag sa klase eh. Normal bang tahimik si Savannah sa klase? Ang tahimik kasi lagi niyan wala tuloy kaming makulit sa klase” tanong ni Mike
“Ay nako hindi!! Maingay yang si Sav! Wala kasing kaclose yan sa section nyo. Nagkahiwalay hiwalay kasi kami kaya ganyan yan!” sagot ni Molli. Uuuurgh ang daldal ni Molli tsk
“Talaga? Kailangan palang lagi nating kausapin yang si Savannah! Hahaha” –Ryan
“Ay nako pare, oonga kausapin niyo nga yan. Nakakaawa na eh! Atsaka pwedeng favor narin? Bantayan nyo naman yang si Savannah ko ha?” HUH? Ako nakakaawa? muka akong bata nitooooo! Ayoko nga ng binabantayan!
“ANONG BANTAYAN? HOY AYOKO! KAYA KO SARILI KO NO!! ATSAKA WAG KA NGANG FEELING CLOSE ERVS” napaka feeling close ng kaibigan ko -_-
“Hahaha. Wag niyo siyang pansinin. Sige pare, friends tayong lahat para naman sabihin ni Savannah ko na hindi ako feeling close ha?” nakataas ang kamay ni Ervin na parang hinihintay na makipagkamay din ang 6 na lalaki.
“Hahaha oo naman pareng Ervin! Sige friends na tayo! Oh Savannah, babantayan na namin ikaw simula bukas.” Tinuro pa ako ni Race
Tapos nagkamay silang lahat. Yung totoo? Feeling close ba talaga tong si Ervin o friendly lang yung anim na yon? Teka? Bat lagi ba 6 lang sila? Nasan si Kade?
“Haha wag kayong mag alala, baka sa susunod na araw ma sent out na kami sa kadaldalan at madamay tong si Savannah. Hahahaha!” At hinding hindi mangyayari yon no!!!! B.I pala sila eh
“Oy, wag naman kayong B.I sa bestfriend ko. Pero kung talagang mapapanis na laway niyan sa classroom, sige idamay nyo na!” sagot ni Molli. Ugh napaka ng mga kaibigan ko -_____-
“Hahaha kakatuwa kayong kausap tatlo. Haha sige bukas nalang ulet. Una na kami Pareng Ervin at Molli! Bye Savannah hahaha”
Tapos nag apir silang lahat. Naglalakad kaming tatlo pauwi kami. Wala ako sa mood makipag usap ni isa sa dalwang to. Nakakainis kasi. Nakakahiya kasi dun sa 6. Parang nakakahiya naman kay Kade kung bigla nalang akong sasamahan ng barkada niya ng hindi niya alam.
“Sav, kanina ka pa nakapout jan? May problema ka ba?” tanong ni Molli
“Oonga savannah ko. Baket?”
“Wow! Baket? Bat hindi niyo tanongin sarili nyo? Nakakahiya kaya yung ginawa niyo!!!”
“Nako, sav, that’s what you call ‘being friendly’. Hayaan mo na! Okay lang naman sa kanila yon e! Ano bang ikinagagalit mo?”
“nakakahiya sa isa nilang kabarkada” bulong ko
“Ha? Ano?”
“Ah, wala. Sige bye na guys!”
BINABASA MO ANG
Who To Choose
Teen FictionChoosing is really hard especially when you need to choose between your loved ones. Despite of all the challenges that will come in to your life, who will you choose?