*vibrate* *vibrate* *vibrate*
Kinuha ko na ang phone kong kanina pa vibrate ng vibrate. Ang kulit ng tumatawag ah. Aga pa eh. -_- Sinagot ko na yung natawag without looking who’s the caller
“Hello?”
“HOY ELISE SAVANNAH! TARANG MAG GALA NGAYON!!! WOO!” Teka sino ba itong sigaw ng sigaw? Pagtingin ko sa caller si Molli lang pala. Susmiyo
“Hmm?”
“Aah Sav naman. Dali one week nalang ang natitira nating panahon upang magsaya!” inaantok pa ako. Wrong timing tong si Molli pero alam kong hindi niya ako tatantanan
“Oo na! Oo na. San ba? Hula ko hindi ka pa ligo noh?”
“Uhmmmm, sa ano, sa ano, ano, sa MALL! Tama sa MALL! Hihihihihi. Oo hindi pa nga. Kakagising ko palang eh. Sige babye na muna. Liligo at mag aayos muna ako! Mag ayos ka na okiii?!”
“Hahaha sabi na nga ba eh! HAHA sige babyeee see you! Text mo nalang ako kung san tayo magkikita. Or better if sunduin moko. Hehe”
Aba pagkatapos kong sabihin yon eh pinagbabaan ako ng phone. Hahaha naasar nasakin yong si Molli! By the way, siya nga pala ang aking bestfriend na si Molli Anne Reyes. Maingay pero matalino at maganda kaya si Molli. Siya lang ang bestfriend ko since prep kami. Kasi magbestfriend ang mommy namin hanggang ngayon. Sabi nga nila kung naging lalaki daw ang isa samin ni Molli, ipapakasal daw kami. Pero sorry sila, pareho kaming babae kaya bestfriends kami. And everytime na naiisip namin ni Molli na ipapakasal kami, NAKAKASUKA. Ewww. Haha.
After kong gawin ang dapat kong gawin nagpaalam na ako kay Yaya Gi at sa asawa nitong si Kuya Luke. Sosyal ang nickname nila pero sa totoo lang Gina at Lucas yon. Ayaw daw kasi nila ng mejo matanda nang pangalan. Aba bagets pa yang mag asawang iyan. Wala nga lang anak. Yaya na namin sila and driver hindi pa pinapanganak si Kuya. Bilib ako sa kanila eh. Tagal na nila samin. Kaya mahal ko yang dalwang yan eh. Kelangang bigyan ng loyalty award! Haha
“Sige Yaya Gi! Alis na po ako. Byeeeee!”
“Okiiiii, mag iingat. Ayaw mo talaga magpahatid kay Luke?” Kiniss ko muna si Yaya bago magsalita
“Hindi na nga Ya! Kulit nito. Haha. Mag date muna kayo dito oki? Byebyeyush!”
--
Nandito na ako ngayon sa mall. Tinext ako ni Molli na sa may park daw kami magkita sa may mall. Oo may park sa mall. Sosyal diba? Ayon, ang tagal tagal ni Molli. Sabi eh 10 am daw dapat nandun na eh nakarating ata ako dito magte-10 tapos 10:20 na wala parin siya. Aba naman, itext ko na kaya.
To: Molli Anne Reyes
Hoy Molli! Nasan ka na ba? Ang tagal mo hah!
Ilang minutes narin akong naghihintay dito pero wala parin si Molli. Nagugutom na ako kaya nagpunta muna akong Pizza Hut para kumain ng aking all time favorite na Carbonara.
“Table for how many mam?”
“For one”
“Make it two” woah?! Pagtingin ko sa tabi ko may lalaking oh so hot. Meygehd. Ay wait, sino ba to?
“Anong table for two?” tanong ko
“Uhm, are you referring to me, Miss?” Aba ang galing magpanggap ah!
“Diba sabi ko kanina table for one lang? Bat mo sinabi na table for two?!! Bakit makikisabay ka ba? Hindi naman kita kilala ah!!”
“What are you saying miss? Ang kausap ko ay yung isang waitress.” Pagtingin ko sa isang waitress ay naghahanda na ng table for two. SO MEANING NAPAHIYA AKO?! OMG! Nakakahiya talaga! Ang feeling ko naman kung ganon. -________- nakakahiya talaga. Oh noooooes!
BINABASA MO ANG
Who To Choose
Teen FictionChoosing is really hard especially when you need to choose between your loved ones. Despite of all the challenges that will come in to your life, who will you choose?