Chapter 1

115 1 1
                                    

HIndi ko pa nararanasang umibig ng totoo. Wala pa sakin nagtuturo kung paano magmahal. Para akong bata na walang muwang sa mundo. Lahat ng kinagisnan ko ay isang malaking palabas na kung saan lahat nang bukang bibig ng tao ay 'bata ka pa' . Pero hindi na ako bata. Hindi na ako bata ng nakilala ko s'ya. I mean, I grow up. Not grow old. Kumbaga hindi na dumaan sa elementary ang puso ko, nagcollage agad ang loko. Wala na akong magagawa. D'yan masaya ang puso ko. D'yan narin ako masaya.

I grabbed her hand so tight. I don't wanna let her go. But the circumstances change everything between us. Napakaganda ng mga mata n'ya kahit natatakpan ito ng buhok. Buhok n'yang kasing dilim ng gabi na kung saan binibigyang liwanag ng buwan, kasing liwanag ng mga ngiti n'ya sa labi habang kasama ko s'yang naka-upo sa dalampasigan. Ramdam ko ang tuwa. Walang pangamba. Hindi namin iniintindi ang bukas. We are young, wild and free sabi nga.

I grabbed her hand tighter now. I don't wanna lose her. But the time passes by and changes everything between us. Kinuha ko ang kanang kamay n'ya. Hinalikan ko ito ng dahan-dahan. Sa amo ng kanyang mukha at mga pinong galaw. Mahuhumaling ka talaga. Tinignan ko ang mukha n'ya. Bakit. Bakit hindi ko maaninag? Hindi ko na s'ya makilala. Hindi ko makita ang mukha n'ya. Nasaan na ang mga matang maaamo, ang mga labing hugis krisantong buwan, nasaan ka na...

THE ALARM CLOCK RINGS. Thanks God! Binabangungot na naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa loob ng tatlong buwan ay paulit-ulit lang ang panaginip ko. Laging gano'n at gano'n lang ang nangyayari sa panaginip ko. Laging bitin. Laging nawawala. Mukhang kulang lang ata ako sa dasal bago matulog.

It's already 5:49AM. Patay! Male-late na ako sa trabaho. Ang hirap talaga pag-lagi kang nabyahe from Laguna to Ortigas. Bukod sa pagod, nakakain pa ang oras ko. Kaysa mas nagiging productive ako sa time ko it was only eaten riding the bus. Kung saan lagi mong katabi ay mga manong na antukin, babaeng nagmamake-up at mga estudyanteng pindot ng pindot sa cellphone nila. Grabe. Kung hindi ko lang talaga gusto ang trabahong 'to, matagal ko na sigurong sinukuan 'to.

I'm working at the Kaperazo Company. As an Engineer. Ilang years palang ako sa field pero I gain many friends and experiences. Walang tatalo sa saya kapag nagtatrabaho na ako. Yes, maybe I'm workaholic. Almost no time for myself. No time for lovelife. Lovelife. Ano ba yun? Nakakain ba yun? Bubusugin ba ako nun? Problema lang ata dala no'n. I rather work at night than chasing girls at the club. Tsk. Anong mapapala ko sa kanila. Mas Okay na yung ako ang habulin nila.

I grow up as the only boy in the family, the youngest in the family. Actually dalawa kaming lalaki. Nahawa sa tatlo kong ate yung kuya ko, ngayon ate narin ang tawag ko sa kanya. Nagpapasalamat nga ako at di ako nahawa. Laking gulo siguro no'n. Pero, hindi padin ako nakakasiguro. Ako kasi yung tipo ng taong 'NGSB', yung no girlfriend since birth. Dahil siguro panay babae ang kasama ko sa bahay. O dahil sa nahaha... Oh Em Jee! No way!

Okay. Here at the office, atleast. Sobrang traffic. Pati elevator traffic. Badtrip.

"ANONG GINAGAWA MO DITO BOSS CHIEF?", SABI NG ASSISTANT KO. He's one of my best buddy in the company, nauna lang ako sa kanya ng isang taon sa company pero sobrang laki ng respeto n'ya sakin.

"Magtatrabaho. Bakit?", napangisi ako. Hindi ko alam kung ano ba'ng ibig sabihin n'ya.

"Hindi. Kanina ka pa pinapatawag ni Big Boss, hindi mo ba nakuha yung notification letter sa table mo kahapon? Iniwan ko lang kasama ng mga envelope d'yan ha.", sabay nguso sa desk ko. Tinuturo yung brown envelope. Na may nakasingit na blueng pamphlet with some golden design. Aba mukhang importante nga! "Ngayon ka lang nalate ng ganto ha? Dati mga 5 minutes lang, aba ngayon 30 minutes na? Abuso Boss Chief? Hahaha!", pahabol n'yang bati sa'kin na may kasamang pang-aasar.

Tinitigan ko s'ya sa mata. Hinawakan ko ang balikat n'ya. "Naalala mo ba yung lagi ko'ng kinukwento sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata n'ya kasabay ng ngiti sa mga labi n'ya. "Yung lagi mong napapanaginipan? Lumang dahilan na yan. Alin do'n? Yung babae? Yung mahal na mahal--"

"Loko! Mahal agad? Hindi ko nga kilala, mahal agad?"

"Boss, alam mo ba na minsan konektado sa totoong buhay yang panaginip natin...", hinawakan n'ya ako sa balikat, inangat n'ya ang kaliwang kamay n'ya't parang may hinahawi sa hangin. Kinakampay, "...kumbaga deja vu. Malay mo magkatotoo yan, binatang-binata ka pa naman. Never been kiss and never been touch!", sabay siko sakin.

"Alam mo kung ako sa'yo aatupagin ko nalang yang trabaho ko kaysa mangialam ka ng panaginip ng may panaginip ng---"

"Eh kung ako sa'yo pumunta ka na sa office ni Big Boss at baka umuusok na ang p'wet at ulo no'n kakahintay sayo.", sabay turo sa hallway papunta sa office ni sir. "Mag-ingat ka nga pala, andyan si Miss Hipong linta, ang masugid mong tigahanga!". Nagkatinginan nalang kami at sabay na tumawa.

ANO KAYA'NG BALAK N'YANG IPAGAWA SAKIN. Last time he requsted, no, he ordered me to get those sweets in Baguio, isang sakong strawberry, isang galong ube jam at dalawang drums ng peanut brittle. Okay. Sige exaggerated pero isang engineer ang ganap ko dapat dito. Hindi ko din minsan maintindihan ang trip nito. Pero inisip ko nalang ako lang ang mapagkakatiwalaan n'ya sa mga gantong bagay. Okay. Sige niloloko ko lang sarili ko. Hindi ko lang matanggihan kasi boss ko s'ya. Ano naman kaya ang balak n'ya ngayon? May nalalaman pa s'yang pamphlet. Teka. Pamphlet to ng isang resort sa Batangas ha? Wag n'yang sabihin na may ipapakuha na naman s'ya sakin do'n?

I was to enter my boss office when I hear someone's calling my name. I think I know who's that. Nako, si Miss HL na naman, ang secretary ni boss na pede ding head security ng company. Nginitian ko nalang s'ya. Nagtangkang umatras ng mga paa ko pero wala na akong nagawa. Isang kisap mata ko pa lang nasa harap kona s'ya. Hawak na n'ya ang braso ko. Parang linta nga kung makakapit. Hindi ko maintindihan, para akong nahihirapan huminga. Para akong naaalibadbaran tuwing umaaligid-aligid s'ya. Tipong stalker ang datingan n'ya. Grabe s'ya kung makangiti. Ayos lang sana kung ang karakas ng mukha n'ya ay maaatim kong tignan. Hindi naman sa panglalait, pero hindi ko maiwasang laitin, hindi ko talaga mapinta kung anong panahon s'ya galing.

"Bakit ngayon ka lang?", nadinig ko na naman ang lumalanding husky n'yang boses na mala Renz Verano.

"Ha-Ah-Ano? Bakit? Hinihintay mo-mo ba ako? Bakit mo ko hinihintay?!", hindi ko alam ang isasagot. Lalo na ng nakita ko ang kilay n'yang hitik sa eyebrow, na kumikindat-kindat pa.

Nilapit n'ya ang bibig n'ya sa tenga ko, sabay bulong, "Hindi naman, mga ilang minuto pa lang naman kita hinihinta-aay..."

Nangatog ang mga tuhod ko. Para atang humiwalay ang kaluluwa ko sa mga sandaling iyon. Iniisip ko nalang na babae s'ya kahit ayaw to'ng tanggapin ng sistema ko at ayokong manakit ng babae.

Tumawa s'ya na may halo pang garalgal sa lalamunan. "Actually hindi naman ako ang naghihintay sa'yo, si Sir. Pumasok ka na nga dya'n!", at inirapan n'ya ako't naglakad na s'ya papalayo.

Hinawakan ko na agad ang door knob at baka makawala pa. Unti-unti ko 'tong binuksan.

"COME IN.", HINANAP KO KUNG SAAN NANGGALING ANG BOSES. I saw him. Standing infront of the fiberglass wall. He's looking outside the building. Parang may hinahanap sa malayo. Malalim ang iniisip. I was to greet him pero tinaas n'ya ang kaliwa n'yang kamay to stop me. "Sit down.", utos n'ya sakin.

"Boss, kung hindi n'yo mamasamain, ano po ba'ng meron at pinatawag n'yo ako? Pati para saan po 'tong pamphlet?", nakakaamoy na ako. Alam ko'ng malabong magbigay ng bakasyon na libre 'to.

" As you can see,it's a pamphlet from one of the prestigious resort in Ilocos, I'm giving you a free vacation...", mejo napapangiti na ako sa naririnig ko."Alam mo naman na malaki ang tiwala ko sa'yo...",mejo lumalabas na ang ipin ko habang napapangiti sa naririnig ko."Kaya bibigyan kita ng isang task.". Biglang nalukot ang mukha ko. Big Brother ikaw ba'to?

"Teka sir-"

"Wala ng teka-teka. You only have two choices now. Gagawin mo ba 'to or gagawin mo 'to? Simple lang naman papagawa ko sa'yo...", simple? alam ko walang simpleng pinapagawa sakin si boss. Kinakabahan na ako. "You only need to cater my daughter out there, sasamahan mo lang s'ya hanggang makauwi kayo dito. Diba simple lang."

"Pero sir-"

"Sabi ng walang pero-pero. Magimpake ka na at bukas na ang alis n'yo.",tinitigan n'ya ako sa mga mata. Seryoso nga s'ya sa mga sinasabi n'ya. Haaay. May magagawa pa ba ako?

"Okay si-"

"Sabi ng... Go out and pack your things now!", utos nya sakin.

May choice pa ako? Wala. Okay na rin siguro 'to. Nang makapagpahinga rin. Bahala na bukas, I hope it will be alright then.

Suitcase 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon