Seven

24.2K 700 8
                                    

Seven

Rome...

Kulang nalang lumuwa ang mata niya habang nanonood siya ng live sparing ng professional kick boxer.

Pero hindi naman siya bumibilib sa mga ganitong sports, ayaw kasi niya sa mga ganitong klase ng sports, pisikalan. Pero sa nakikita niya ngayon na naglalaban bilib na bilib siya, at the same time napapalunok siya sa sobrang intense ng bawat laban.

It was his Jen and Diwata's match.

An intese kick boxing match, na wala yatang planong sumuko isa sa mga ito kahit may mga tama na ang mga mukha nito.

"Shit"napamura siya ng makita niyang nahigh kick si Jen na tinamaan ito sa panga at bumagsak.

Napamura na naman siya ng makita ang dumudugong labi ng dalaga dala ng sipa ni Diwata dito. Hindi pa man nakabawi si Jen biglang sinakyan ito ni Diwata at hinila ang kamay nito at idiniin ang mukha sa sahig.

"Bakit ka umalis sa serbisyo?"tanong ni Diwata na hindi sinagot ni Jen.

Nag-aalala na siya sa nakikita niya, kitang kita naman kasi na nahihirapan na si Jen ngayon sa pagpapahirap ni Diwata dito.

"Sagot?"narinig pa niyang hiyaw ni Diwata.

"Wala akong sasagutin!"pasigaw naman na sagot ni Jen.

Kasabay noon umigkas ang paa ni Jen at tinamaan sa panga si Diwata kaya nabitawan ng huli si Jen. Nakatayo naman silang dalawa at nakabawi na ulit para sa panibagong atake.

Napapanganga siya sa sobrang intense ng laban nila Diwata at Jen. Parang hindi babae ang mga ito kung kumilos, may dugo na nga sa kilay si Diwata samantalang sa bibig at kilay naman si Jen.

Parang kanina lang ng magkita ang mga kulang nalang mabasag ang eardrums nilang mga nakikinig sa mga ito kung makatili. Pero ngayon kala mo naman mga amasona na magpapatayan na.

"Give up na"sigaw ni Diwata.

"Urgh!!!"daing naman ni Jen.

Pero sa isang kisapmata lang nagkapalit ang pwesto ng dalawa at ngayon si Diwata na ang nasa baba ni Jen at dinidiinan ni Jen ang mukha ni Diwata sa sahig habang hawak ang kaliwang kamay nito patalikod.

"Walang nagbago, magpapatayan pa din kahit sparing lang ang laban."bulong ng tatay ni Diwata bago ito tumayo.

"Tama na 'yan"awat nito sa dalawang naglalaban.

Agad namang naghiwalay ang dalawa, at nakangiting naghiwalay ang dalawang ito.

"Hindi pa din tayo tapos, may pag-uusapan pa din tayo"narinig niyang bulong ni Diwata kay Jen ng makababa na ang mga ito sa ring.

Nag-aalala namang nilapitan niya si Jen at sinipat ang mga sugat nito sa katawan.

"Are you okay?"nag-aalalang tanong niya sa dalaga.

Ngumiti lang ito sa kanya bago tumango, inalalayan niya itong makaupo sa isa sa mga bench doon.

"Tara na sa hospital you want?"nag-aalala na naman niyang tanong dito.

"No, I'm okay"sagot nito sa kanya. "Isa pa gusto kong mapanood ang laban ni Diwata at ng kaibigan mo"dagdag pa nito.

Kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin ito. wala ang buong atensyon niya sa laban ng kaibigan niya, na kay Jen lang lahat. Panay pa din kasi ang tulo ng dugo mula sa kilay nito kaya naman nag-aalala na siya dito.

Nang matapos na ang laban, na mukhang lambingan lang naman talaga agad niyang hinila si Jen papuntang ospital para ipagamot ito.

"Bakit ka umalis sa pagpupulis?"tanong niya kay Jen ng matapos itong gamutin.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon