Rome...
Mula ng umattend siya at si Jen sa auction na iyon nag-iba na ang takbo ng buhay nilang mag-asawa. Naging mailap na sa kanya si Jen, may mga lugar na pinupuntahan si Jen na hindi niya alam kung saan. Kapag tinatanong naman niya ito hindi siya sinasagot nito at iibahin na nito ang usapan nila.
Napansin din niyang parang pinaglalapit siya at si Kc ng asawa niya. Si Kc ang batang nabili nila noon sa auction. Palaging si Kc ang pinaghahanda ni Jen ng mga gamit niya o kaya naman ng kakainin niya na dati ni Jen ang gumagawa.
"Sir, ito na po ang gamit niyo"iniabot sa kanya ni Kc ang attaché case niya.
Gaya ngayon araw ang aga-aga wala na ang asawa niya sa bahay nila. Nag-aalala na siya malaki na kasi ang tyan ng asawa niya eight months na itong buntis pero hindi pa na pirmis ang asawa niya sa bahay.
"Salamat Kc"sagot niya dito na nakangiti.
Napansin niyang namula ang pisngi ng bata, maganda naman ito kahit na bata pa lang kakikitaan na ito na kakaibigan ganda ano pa kaya kapag nagdalaga na talaga ito.
Pasakay na siya ng sasakyan niya ng humabol sa kanya si Mia.
"Daddy, nasaan po si Mommy?"malungkot na tanong sa kanya nito.
Nang lingunin niya ito nakita niya ang namumuong luha sa mga mata nito. simula na din kasi ng ikasal sila ni Jen tinama na niya ang tawag sa kanila ng bata, naayos na din niya ang adoptive papers nito kaya legal na niyang anak si Mia.
Malalim na buntong hininga ang naisagot niya dito at bumalik para kausapin ang bata.
Namimiss na rin marahil nito si Jen, gaya niya bihira na nilang makasama si Jen nitong mga nakaraang buwan. Palagi kasi maagang aalis si Jen tapos gabing gabi na kung bumalik.
"Mamaya kakausapin ko ang mommy okay, wag ka ng malungkot. Papasok na sa work si daddy, ayokong umalis na umiiyak ka"pag-aalo niya dito.
Niyakap naman siya nito at tuluyan ng umiyak ang bata.
"Miss ko na po si Mommy, daddy"humihikbing tugon nito.
Tiningala naman niya si Kc, mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang mangyari kaya naman lumuhod din ito at pilit na kinukuha si Mia sa kanya.
"Mia, magplay na muna tayo sa loob"pang-eengganyo pa nito sa bata.
Wala kasi pasok sa school ngayon dahil na din sa bakasyon na sa mga school kaya nandito sa bahay ang mga bata kaya ramdam nila ang pagkawala ni Jen sa kanila.
"Ayaw, gusto ko sumama nalang kay daddy wala naman kasi si mommy"umiiyak na turan ni Mia.
Hirap na hirap nilang inalo si Mia, kaya naman late na siyang nakapasok sa opisina niya.
Kailangan ko ng makausap si Jen, hindi na maganda ang nangyayari.
Maging ang mga kaibigan kasi ni Jen na sina Honey at Jobie wala din ideya sa mga tumatakbo sa isip ni Jen. Wala na sa plano ng mga ito ang mga nangyayari ngayon sa kanila.
Doble ang pag-aalala niya para dito ngayon, dahil na din sa pagbubuntis nito.
Hinintay niya si Jen sa buong magdamag pero hindi ito umuwi sa bahay nila. Nasa sala lang siya sa buong magdamag na paghihintay niya sa asawa niya.
"Sir"gulat na tawag sa kanya ni Kc.
"Kc, Rome nalang ang itawag mo sakin wag ng sir"halos pabulong na turan niya.
Nahihiyang nilapitan siya nito, mababakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya. ganoon na ba siya kamiserableng tingnan sa isang gabing walang tulog.
"Rome, hindi ka ba natulog?"nag-aalalang tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHEN
عاطفيةSecond Book of GENTLEMAN'S QUEEN story of Jen and Rome Cover by: PANANABELS