Twenty
Jen...
"Magsitayo ang lahat"
Tahimik na sumunod ang lahat ng nandoon sa loob ng court room kung saan siya lilitisin. Ngayon na baba ang hatol sa kanya at abot-abot ang kaba niya sa maaring kalabasan ng kaso niya. kahit pa nga handa naman na siya sa pwedeng hatol sa kanya.
Naiisip kasi niya ang mga mahal niya sa buhay. Ang asawa niyang walang sawa na naghihintay sa kanya at ang mga anak niya pala nalang niyang naiiwanan.
"Jen are you okay?"tanong sa kanya ni Althea.
Pilit na ngiti lang ang isinagot niya dito bago muling ibaling ang pansin sa harapan ng dumating na ang judge na paglilitis na iyon.
Nagsiupo na silang lahat ng maupo na din ang judge.
Sa huling pagkakataon ng paglilitis na ito tinawag siya sa witness stand para idepensa ang sarili niya sa huling pagkakataon.
Binasa ng clerk ng korte ang mga isinampa sa kanyang kaso na panay pawing mga pagnanakaw dahil iyon lang naman ang kaso niya sa bansa.
"Do you understand the facts regarding the charges filed against you?"tanong ng judge sa kanya.
"Opo"
"And what is you plea?"tanong muli ng judge.
Tumingin muna siya sa asawa niya, maging sa mga abogado niya pati na din sa mga kaibigan nilang nandoon.
Alam niya sa huling pagkakataon magiging makasarili na naman siya. Na sa huling pagkakataon hindi na naman niya susundin ang asawa niya. Pero kasi sa huling pagkakataon din lilinisin niya ang kanyang konsenya, kahit pa sa pamamagitan man lang nito magawa niya ng tama ang lahat. Kahit pa din nagawa na niya ito at huli na para magsisisi siya sa lahat ng nagawa niya.
"Guilty, your honor"sagot niya.
Kitang kita niya ang panghihinayang sa side ng mga attorney niya samantalang hindi makapaniwalang napatayo ang asawa niya. halata dito ang pagkadismaya, bago kasi sila pumunta sa paglilitis na ito nagkaroon pa sila ng briefing sa kung ano ang sasabihin niya. at alam niyang taliwas ang lahat ng sinasabi niya dito sa napag-usapan nila.
"Is there any amicable settlement between the opposing parties."baling judge sa kabilang panig kung saan naroon ang mga nagsampa ng kaso sa kanya.
"None, your honor"sabay na tugon ng prosekusyon at ng depensa.
Halos lahat ng dumalo doon ay nakangisi sa kanya na kala mo abot na nila ang lahat ng tagumpay sa araw na iyon. pero ang totoo sa kanya ang tagumpay, kung makulong man siya at hindi na niya makasama pa ang mga mahal niya sa buhay at least nasabi niya ang saloobin niya sa korteng ito.
Nagpatuloy ang paglilitis sa kanya maraming tanong ang kabilang panig sa kanya na nasagot naman niya ng maayos. Kahit pa ang ilan sa mga ito ay patungkol talaga sa mga paratang sa kanya na kailangan niyang aminin, sinagot niya ito ng walang pag-aalinlangan.
"Ms. Dela Merced, sa pag-amin mo ng iyong kasalanan na pagnanakaw sa mga kilalang personalidad ng lipunan maaari mo bang ilahad kung saan mo dinala ang naturang salapi na iyong nakuha?"tanong sa kanya ni Althea.
Lihim naman siyang napangiti sa tanong sa kanya ni Althea. Alam niya wala din iyon sa usapan nila kanina. Mukhang nakapag-adjust na ito sa sitwasyon kaya naman nakaisip na ito ng istratehiya.
"Nagtayo ako ng bahay ampunan"maikling sagot niya.
Nagkaroon ng ingay sa loob ng korte, hanggang sa kailangan ng patahimikin ng judge ang mga ito.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHEN
RomanceSecond Book of GENTLEMAN'S QUEEN story of Jen and Rome Cover by: PANANABELS