👑CHAPTER 2👑

11 1 0
                                    

Mureyn's POV

Good morning world!!

*tok tok tok*

Tsk, tuwing umaga nalang may kumakatok ang ingay! Sino ba kase yan?! Aish!

Tumayo ako upang buksan ang pinto. "Good morning bessy!" nakangiting bati saken ni Liv.

"Morning, ang aga mo naman?" bati korin sa kanya sabay tanong habang kunot ang noo.

"Argh! Nag toothbrush kana ba bes?" tanong nya habang nakangiwi. Tsk.

Eh ang aga aga nya, samantalang kakagising kolang kahit kailan talaga.

"Hindi pa, eh kakabangon kolang ang aga aga mo naman kasi ikaw ba magbubukas ng school?!" inis na sagot ko sa kanya.

"Eh excited kase akong pumasok" nakangiwi parin sya habang nagsasalita. Tsk!

"Bumaba kana muna, naliligo na ko" utos ko sa kanya. "Mabuti pa nga" sagot nya saka lumabas ng kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo as usual inayos ko na ang bag ko kinuha ko ang mga kailangang libro para sa araw nato and then tada! I'm ready umikot ikot pako sa harap ng salamin. Saka ko na realize mukha pala akong baliw tss.

Bumaba nako at nakita ko si Liv at kuya na kumakain na. Umupo ako sa tabi ni Liv at nag sandok ng pagkain.

"Good morning" bati saken ni kuya. Himala binati ata ako ng masungit kong kuya nakakapanibago.

"Morning" sagot ko nalang. Tinatamad akong magsalita eh.

Biglang tumayo si kuya at nagpaalam na samin ni Liv mauuna na daw siya. Okay, gusto nya nanaman ng grand entrance tss.

"Bye lil sis, mauna na ko Liv ingat kayo" paalam nya samin.

"Bye, ingat karin kuya tanga tanga kapa naman madalas" nakangising sabi ko. Hahahaha mukha nanaman syang shokoy.

"Tsk! Bye!" inis na ani ni kuya. Hahaha asar talo ang shokoy ppfftt--

Nang matapos kami ni Liv kumain pumunta na kami sa mga kotse namin. Bago ko i start ang kotse ko binuksan ko muna ang radio.

Oppa Gangnam Style,
Yeaahh sexy lady..

Gangnam Style?! Err-- pinatay ko nalang ang radio ko at nagsimulang mag drive. Nang makarating sa parking lot agad kong pinark ang kotse ko katabi ng kay Liv at kuya.

Pagkababa ko ng kotse nakita ko si Liv na nakatulala sa kung saan. Sinundan ko ng tingin yung tinitignan nya tss, si Xamiel Mirine pala yung tinitignan ang aga aga eh naka shades?! Taas ng araw grabe. Ang aga aga ang lakas ng show anong ka ekekan nanaman yan? Tsk! Pakielam koba?

Nilapitan ko si Liv at inabutan ng panyo. "Oh! Laway mo tumutulo" nakangising sabi ko.

Agad naman nyang pinunasan yung gilid ng labi nya. Seriously? Naniwala talaga sya? Tss. "Oh, thanks" sabi nya sabay balik nya ng panyo saken.

"Tara na" ani ni Liv at nag dire diretso na sa pag lakad ng walang lingunan hanggang sa makarating sa classroom.

Nang makarating kami sa room wala pa ang prof namin at konti palang ang tao. Nakita ko si Liv na kumuha ng libro sa bag nya sabay pasak ng earphone sa tenga. Weird. Nagalit ba sya dun sa kanina? Tss ang babaw naman nun.

At dahil mahilig naman akong magbasa ng libro nagbasa nalang rin ako, kinuha ko rin ang earphone ko sa bag sabay pasak sa tenga. At habang nagbabasa ako biglang may tumabi saken. Shit! Ang bango nya teka nga ano batong iniisip ko? Erase erase! Aish! Diko na sya tinapunan ng tingin alam ko naman kase kung sino sya. Xamiel Mirine Kim, kabisado ko na ang pangalan? Jusko masama nato.

The Korean Guy Who Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon