👑CHAPTER 3👑

6 0 0
                                    

Mureyn's POV

Good morning world!!

Pagka mulat palang ng mata ko tinignan ko agad ang wall clock ko at halos mapatalon ako ng makitang kalahating minuto nalang late nako.


Agad akong tumayo at patakbong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos agad kong inayos yung mga gamit na kailangan kong dalhin at halos malaglag ako sa hagdan namin sa pagmamadali, nakita ko si Liv at kuya na nag aalmusal.


"Baket hindi nyo manlang ako ginising?" inis na tanong ko sa kanila. Nakakainis!


"Aba malay namin, akala namin patay kana eh" pangisi ngisi pa ang shokoy. Letsey walang kuwentang kapatid kahit kelan talaga, ang sarap kurutin ng lalaking to ng nail cutter sa singit grrr!


"Argh! Ewan ko sayo, malasin ka sana buong araw kainis!" inis na inis sa bulyaw ko kay kuya Nic. Kahit kelan talaga sarap nilang pag untuging dalawa tsk!


Nginitian ako ni kuya Nic yung ngiting aso ganun, nakakaasar ang pagmumukha nya. Hindi kona sila pinansin at naglakad nako palabas ng bahay.


"Huy bessy! Wait lang naman! Easy okay? Wag kang hard" tatawa tawa pa si Liv habang nagsasalita.


"Ano?!" inis na tanong ko sa kanya. Tsk! Ayoko sa lahat yung na la-late eh badtrip.


"Hindi kaba muna mag aalmusal?" nakangiting tanong nya. May pangiti ngiti pang nalalaman tss.


"Mag aalmusal pako?! Eh late na nga tayo" sagot ko sa kanya, ang nonsense n'yang kausap tsk badtrip talaga!


Hindi kona sya pinansin pa at agad nakong sumakay sa kotse ko saka ko pinaharurot hanggang makarating ako sa school.



Nagmamadali akong lumabas ng kotse at kinuha ang bag at libro ko. Nang biglang...



"Ouch!" sigaw ko matapos matumba dahil sa pesteng lalaking nakabundol saken. Peste naman talaga ang swerte ko naman masyado ngayong araw jusko! Mukhang ako ang mamalasin buong araw at hindi si kuya Nic tsk!


Agad nya akong tinulungan pulutin ang mga libro ko saka nya ako tinulungang makatayo. Buti naman may pagka gentleman si....Xamiel?! Nyeta kaya pala ang bango aish! Ano bang iniisip ko? Late na nga ako't lahat tsk! Umayos ka Mureyn.


"Gwaenchanna?" tanong nya saken. Ano daw?! Gwaen-what? Korean ba yun? Parang narinig kona kase yun dati eh. Aiy ewan! [Are you okay?]


"Ha? Ano yun?" naguguluhang tanong ko sa kanya.



"Ah i mean, are you okay?" tanong nya ulit. Ah so ayun pala meaning nun. Aish whatever!


"Ah yeah, i'm okay" nakangiwing sagot ko sa kanya. Shit! Ang gwapo nya pala sa malapitan? What the?! Stop it Mureyn! Ohmyghad! What am i thinking?! Oh this is not good, no way!


"Damn! You're bleeding" nagpapanik na ani nya. Ano?! Dugo? Saan? Ang malas malas ko!!!! Huhuhu


"Halika, dadalhin kita sa clinic" ani nya sabay buhat saken. Ohmyghad! Shems ang bango nya talaga damn it!


"Ah teka, Xamiel ibaba mo nalang ako kaya ko naman eh" naiilang na ani ko. Baket kaba ganyan Xamiel?! Huhuhu.



"No, it's okay malapit lang naman ang clinic" ani nya sabay sulyap saken. Oh no!


"Omg! Girls si Xamiel oh! May buhat na babae eww sino yan?" maarteng sabi ni girl 1. Hiyang hiya naman ako sa face nya hmp! Mukhang hipon!


The Korean Guy Who Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon