👑CHAPTER 4👑

7 0 0
                                    

Mureyn's POV

Pagka akyat ko sa kwarto ko agad kong sinara yung pinto tapos nilapag ko yung snacks namin sa maliit na table. Maya maya pa...


*tok tok tok*


"Pasok!" sigaw ko naman, alam kong si Liv lang yan. Tsk! Bat ba kase ako inis na inis?




"Woah! Bessy easy" nangaasar na sabi ni Liv. Sige! Mang asar kapa babatuhin kita ng coke! Ggrr!



Tumabi sya saken at kinuha yung Lays at coke nya. Maya maya pa bigla nya ulit akong kinausap.


"Ah bessy ininvite ko pala si Xamiel na mag movie marathon, kumuha lang sya ng snacks nya sa baba paakyat nayun" sabi niya naman. Lalo akong nawalan ng gana!


Hindi ko nalang sya pinansin, kinuha ko yung remote at nag hanap na ng movie.



"Ok lang ba na sumali sya?" tanong ni Liv saken. HINDE!



"Oo naman" sagot ko nalang pero ang totoo ayoko! Grr!



"Yey!" tuwang tuwang sagot nya. Haha parang bata talaga lol.



Habang naghahanap ako sya naman kain ng kain. Hay nako ang takaw tss.



*tok tok tok*


Tumayo si Liv para pagbuksan ng pinto si Xamiel. Ang sweet nila! Peste baka langgamin ako dito aish!



Tumabi sya kay Liv at kumain na rin. Maya maya pa naka pili nako ng movie ang napili ko ay The Conjuring whahahahaha. May titili ulit dyan mamaya lol.



"Wah! Bessy baket yan? Nakakatakot!" sabi nya saken. Oa sus! Nandyan naman yung Xamiel mo eh! Kunwari pa to sarap pukpukin ng remote jusko!



"Okay nayan" sabi ko nalang.


Hindi na sya sumagot at nanuod nalang kami maya maya pa....


"Waaaaaaaaaaahhh!!!" sigaw ni Liv. Sabi na eh hahaha ang epic ng mukha nya sumiksik pa ng todo kay Xamiel. Paraparaan amp! Tss.



"Hahaha it's okay" sabi naman ni Xamiel sa kanya. Letse daig pa nila ang couple!



Nanahimik nalang ulit kami hanggang sa....



*tok tok tok*



"Aaaaaahh!" tili nanaman ni Liv. And the best actress goes to...Liv! Hahaha jusko!




Tumayo ulit si Liv para buksan yung pinto pero bago pa maka pasok sila kuya agad akong nagtungo sa walk in closet ko. Magpapalit ako ng damit nakakahiya naman kay Kiel hahaha yiiee!




Pumili ako ng damit at ang napili ko ay simpleng white t shirt at black shorts. Pagkatapos nagtungo ako sa harap ng salamin at kinuha yung favorite necklace kong may unicorn ang cute! And then nag brush ako ng buhok ko tapos pinusod kolang siya, messy hair bun ganun haha! Hindi nako mag susuot ng salamin. Nag lagay din ako ng konting perfume at lip tint, pagkatapos sinuot ko yung puma kong black na may balahibo pagkasuot ko lumabas nako.




Pagkalabas ko lahat sila nakatingin saken. Oha! Hahaha jusko si Kiel takte! Baka matunaw ako yieee! Hahaha chos lang. Umupo na ulit ako at tumabi ako kay Kiel syempre.



"Ang cute mo" biglang sabi nya saken. Shet!! Ang cute kodaw?! I know right!



"Ah hehe thanks" nakangiting sagot ko naman. Damn feeling ko sobrang pula kona gosh!



Nanuod na kami habang kumakain. Tapos maya maya pa....



"Aaaaaaaaaaaahhhh" sabay na tili namin ni Liv. Yoko na! Huhu katakot nga muntik konang maihagis yung lays.



"Okay kalang?" sabay din na tanong ni Xamiel at Kiel samin ni Liv. Okay, sila naba?! Pake koba?! Tss.


"Ah oo" sagot ni Liv. Tss.



"Ah yeah hehe" sagot ko naman kay Kiel. Wah! Ampogi nya tapos concern pa sya saken myghad! Buti pa sya!



"Tama na yan, gabi na matulog na kayo" sabi ni kuya sabay tayo. Hmp! KJ!

"Sige bye, goodnight" sabi naman saken ni Kiel. Ang sweet nya lang!

"Goodnight" sagot ko naman sabay ngiti. Kyaaa~~ kinikilig ako!

Lumabas na si kuya tapos sunod na lumabas naman yung dalawa. Magpapaiwan pa ata si Liv tss.

"Oh bat nandito kapa?" tanong ko kay Liv.

"May sasabihin lang ako bessy" sagot nya naman.




"Oh sige, sabihin mona ng makatulog na tayo" ani ko naman. Ano naman kayang sasabihin neto at hindi makapaghintay ng bukas?


"You know what? Hindi ko alam kung manhid kaba o tanga kalang eh" may pa turo turo pa sya saken habang nagsasalita. Ano daw? Ako tanga? Ha! Lagi kaya akong top 1.


"What did you say? Ako tanga? Ha?" tanong ko naman. Anong pinagsasabi neto?


"Look, hindi moba nahahalata?" tanong nya naman. Anak ng tukneneng pa suspense pa kase eh!


"Anong hindi nahahalata? Na crush ka ni Xamiel? Alam ko yun noh!" sagot ko naman. Tss ayun lang pala eh.


"Myghad! Hindi yun bessy argh! Ewan sayo saken na nga lang muna yun tsaka ano? Si Xamiel crush ako? Ha! Manhid ka nga!" maarte nyang sagot. Waaahh sasabog utak ko sayo Liv!!




"Argh! Ano ba kase yun?!" iritadong tanong ko. Pinapahaba nya pa kase yung usapan hay nakooooo!


"Well it's for me to keep and for you to find out!" sagot nya sabay labas ng kwarto ko. Tss.


Tumayo nako para pumunta sa cr at mag toothbrush pagkatapos nag palit ako ng pang tulog at nahiga na. Hayyy nakahiga rin.


*zzzzzzzzzzzzz*





A/N: Annyeong chingus! Haha sorry kung medyo maikli yung chapter 4 anyways enjoy reading! Kamsahamnida ilabyouuu all!! And please do vote and comment mwa!

The Korean Guy Who Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon