~~~~~Napagpasiyahan ko na magpahangin muna sa labas at nagpunta ako sa isang malawak na damuhan,humiga at tumingin na lng sa pagkadami-daming bituin.At iisang tinig lng ang naririnig ko,tila'y isang napakagandang tinig,mga bituing nagniningning at bigla kitang naalala para kang isang bituin na hindi kumukupas ang ningning at kagandahan,masarap pagmasdan buong magdamag.Napatitig ako sa mga bituin at agad agad kong napagtanto na mas maganda ka sa mga ito.
~~~~
Mula nang pagkikita sa eskwela ay mas napapadalas na kitang makita,lagi kitang naabutan sa dulo ng padulasan kung saan ay para kang ibong lilipad malaya at parang walang problemang iniintindi,ayaw kitang istorbohin dahil mukhang napakasaya mo sa iyong ginagawa at wala na akong ibang ginawa kundi ay pagmasdan ka na lamang.
Ngunit napagtanto ko na hindi ko rin maiiwasan na ikaw ay aking kausapin,kaya't naglakas na ako ng loob na kausapin ka na kaya lng ay para bang laging may pumipigil at ayaw tayong hayaang magkausap pero ako pursigido pa rin at hindi susuko na makausap ka.Hindi ko malubos isipin na hindi ka kausapin o pansinin ng mahabang panahon,inihahanda ko lang ang aking sarili at nagiipon ng lakas ng loob para hindi mapahiya sa harap mo.
Nagtanong tanong ako sa mga kaibigan mo kung ano ang mga gusto mong bagay,kainin at iba pa kaya ayun nalaman ko na sobra mong gusto ang bulaklak na rosas.Bagay naman sayo ang bulaklak na rosas kagaya nito na sobrang ganda at bait pa.Sinasabi na mula pa noong bata ka ay rosas na talaga ang gusto mo,muntik na ngang maging rose ang pangalan mo dahil sa iyon ang gusto mo,mas lalo pa akong napamahal sayo ng malaman ko ang ibang bagay tungkol sayo pero alam ko na mas makikilala pa kita ng lubos kung ako mismo ang lalapit sayo at hindi sa mga kaibigan mo lamang ako kukuha ng impormasyon tungkol sayo.
~~~~
Hindi ko alam kung sa araw araw na sinasabi ko sayo lahat lahat,na kung bakit sobra sobra kitang mahal at pinapahalagahan ay nararamdaman mo.Hindi ako titigil na lagi kang bigyan ng rosas sapagkat yun lang ang alam kong paraan para maipadama sayo ang pagmamahal ko kahit na hindi mo ko kelan man sinagot.
Sa mga nagdaang linggo ako ay naging masaya.......
Ngunit ito pala ay mag tatapos din......
~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/128049455-288-k27217.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Roses
Conto(TAGALOG STORY) There's a guy named Lawrence who give roses and confess his love for the girl Margarette everyday.He want her to know that she is the only girl he will ever love and that every thing in the world reminds him of her. Roses is her favo...