~~~~Isang araw na naman ang patapos sa normal kong buhay,ngayon ako'y pupunta sa simabahan para manalangin sa diyos at magpasalamat sa buhay na binigay niya sa akin.Habang ako ay nakikinig sa sinasabi ni ng pari ay nakaramdam ako na para bang may nakatingin sa akin,palihim kong hinanap kung sino iyon at tama nga ako isang gwapong binata ang nakatingin sakin.Doon pa lng ay nararamdaman ko na nabighani ako sa kanya ngunit nung nakita niya akong nakatitig ako'y umiwas kaagad at palihim na napangiti at kinilig.
~~~~
Nagdaan ang ilang linggo ng hindi kita nakitang muli,hindi na kasi ako nakakapunta sa simabahan dahil sa aking malubhang sakit.Nararamdam ko ang matinding pangungulila sa iyo.Dumating na ang unang araw ng eskwela at pinilit kong pumasok kahit na masama pa rin aking pakiramdam at hindi ako nabigo sa aking nakita.
Hingal na Hingal at hinahabol mo pa nga ang iyong hinnga dahil siguro sa pagtakbo papunta sa silid aralan,pagkatapo kang sermonan at ipakilala ang iyong sarili,nalaman ko na Lawrence pala ang iyong pangalan,sinabihan ka na humanap ng mauupuan at iginala mo ang iyong nakabibighani na mata at iyon ay dumampi sa sarili kong mga mata.Sakto pa na bakante ang upuan na nasa tabi ko,nagsimula ka ng lumapit sa akin at pagkadating mo ay naupo ka na sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.Nagdaan ang ilang minuto at bigla mo akong kinausap at nagpakilala sa akin ngunit ako na likas na mahiyain ay pangalan ko lng ang aking sinabi at wala ng iba.Nahihiya akong ika'y kausapin kaya't di na ako nagbalak pa.
~~~~
Ang Playground kung saan naglalaro ang mga bata ay doon ako madalas magmuni muni o magisip- isip ng magisa.Yun ang paborito kong lugar na puntahan para mapagisa para malayo sa magulo kong mundo.Sa padulasan akong madalas nakapwesto,doon ko lng kasi nararamdaman na ako'y malaya sa mga problema at paghihirap na aking dinararanas ngayon.Lagi na kitang iniisip,hindi na kita maalis sa aking isip at puso.
Nalaman ko din sa aking mga kaibigan na nagtanong tanong ka sa kanila sa mga paborito ko at sa mga paborito kong gawin at iba pa.Nalaman mo siguro na gustong gusto ko ang bulaklak na rosas,mula pa nung ako ay bata pa paborito ko na talaga ang rosas.Araw araw kasi akong binibigyan o dinadalhan na aking tatay ng rosas kahit nung hindi pa ako pinapanganak.Muntik na ngang maging Rose ang aking pangalan ngunit naging Margarett na lng.
~~~~
Gustong gusto kitang makausap at makilala,medyo naiinis ako dahil kahit papaano ay may alam ka na tungkol sa akin ngunit ako'y wala pa.Kaya ipagpapaliban ko muna ang aking hiya at lalakasan na ang aking loob para makasama ka at makilala na.
Ngunit parang hadlang ang panahon at tadhana sa ating dalawa,sa pagmamahalan na nabubuo sa atin.Hindi ko malubos isipin na ika'y mawala sa akin,pero ako pala itong mali at hindi ko sinabi sayo na ako mismo ang lalayo at iiwan ka sa huli.
Ikaw itong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako,akala mo siguro ay hindi ko alam o hindi ko nararamdaman na mahal mo ako,doon pa lng sa rosas na binibigay mo sakin araw araw ay damang dama ko na ang pagmamahal mo sa akin.
Sa Maigsing panahon na ika'y aking nakilala at nakasama ay napamahal na ako sayo ng sobra at ganoon ka din naman sa akin,gaano man kita kagustong makasama at mahalin habang buhay ngunit malabo na iyong mangyari sapagkat ako'y wala na sa tabi mo.
Nahuli lng ako na aminin sayo ang lahat lahat ng nararamdaman ko sayo,kahit na wala na ako ay ikaw pa rin ang nasa puso at isip ko.......
~~~~~
Mula ng ako'y mawala sa araw - araw na pagbisita mo sa aking puntod,iyak ka lng iyak at sinasabi mo sakin lahat ng iyong nararamdaman.Na pinagsisisihan mo na hindi mo sinabi sakin na mahal na mahal mo ako at ganoon din naman ako,nasasaktan din ako katulad mo dahil hindi tayo nagkasama.
Sobra akong nasasaktan na makita kang naghihirap dahil sa akin,dahil sa iniwan kita agad-agad,pasensya na mahal ko at ako'y iniwan ka agad.
Mahal na Mahal din kita Andreau Lawrence Guevarra
![](https://img.wattpad.com/cover/128049455-288-k27217.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Roses
Historia Corta(TAGALOG STORY) There's a guy named Lawrence who give roses and confess his love for the girl Margarette everyday.He want her to know that she is the only girl he will ever love and that every thing in the world reminds him of her. Roses is her favo...