Katapusan

21 0 0
                                    


~~~~~

Ito na naman ako papunta na naman sayo na bitbit ang paborito mong mga rosas at ang ayos ko ay pormang-porma.Kahit na ilang beses ko ng ginagawa ito ay hindi pa rin ako nagsasawa na bigyan ka ng maraming rosas at paulit paulit na sabihin at ipaalala sayo na mahal na mahal kita,ikaw lng ang babaeng pinakamamahal ko sa buong buhay ko.

——————————————🌹🌹——————————————
Tama nga naman ako para ka talagang isang mahika na mawawala at maglalaho din.

Tama nga ako na katulad ka ng mga bituin sapagkat pagsapit ng umaga ay mawawala ka din.

Tama pala ako noon na para kang isang ibon na ang lipad ay umabot sa ulap kaya't ikaw ay hindi na makikita pang muli.
——————————————🌹🌹——————————————

~~~~~~~~~

Nandito na naman ako sa harap ng puntod mo at sabay sa aking pagupo ay inilapag ko ang pulang mga rosas at nagsimula na naman akong sabihin sayo kung gaano ka kahalaga sa akin at kung gaano kita kamahal.Nagpapasalamat ako na ikaw ay aking nakilala at nakasama kahit sa maikling panahon lng.Bago ako umalis ay hindi ko nakakalimutang ilabas ang posporo at sindihan ang kandila na nasa harap ng puntod
mo.

Isinama ko ang aking asawa at isang anak para sila'y iyong makilala,hindi mo alam ba ipininangalan ko ang aking unang anak na Margarette dahil ganoon kita kamahal,hinding hindi kita makakalimutan.

Hinding-hindi ka na mawawalan ng lugar sa puso kahit na wala ka na sa tabi ko.

Mahal na Mahal kita Giavanna Margarett Cruz.

100 RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon