Isinusulat ko ang kwentong Ito upang maibahagi ang aking karanasan at ang dakilang pagnamahal ng Panginoon sa ating lahat. Ito ay totoong nangyari sa may akda. Mga kaibigan I don't know you personally I never knew your personality pero maniwala ka nais ng Panginoong Jesus na mailigtas ka sa darating na pag huhukom walang nakaka alam Kung kailan Ito mangyayari ngunit Ito ay malapit na, patunay na rito ang mga kababalaghang nang yayari sa ating mundo Kung saan nasusulat sa bibliya ang mga bagay bagay tulad ng mga unos na dumarating.
Alam kong wala akong karapatan na mag salita nito dahil aaminin ko ordinaryo at makasalanan akong nilalang hindi ko kabisado ang mahahalagang verses sa bibliya.
Sa pagdarasal lamang ng taos puso akong nakikipag usap sa ating makapangyarihang Ama.Ngunit masaya ako dahil kahit makasalanan akong nilalang nararamdaman ko ang pagmamahal ng Panginoon sa akin.
Patunay ang pag dalaw ng kanyang presensya sa aking panaginip Kung saan ko nakita ng malinaw ang unti unting pag bukas ng mga napakaputi at nakasisilaw na ulap.
Ulap lamang na bumukas ang aking nakita hindi ko nakita ang kaharian ng Panginoon ngunit alam kong sa mga nakabukas na ulap na iyon ay may napakaganda at makapangyarihan at banal na totoong kaharian.
Sa mga nakabukas na ulap na iyon ay may pumanaog napakaputi na nakasisilaw ang kanyang mahabang kasuotan hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit nararamdaman Kong sya ang ating makapangyarihang Tagapagligtas.
Bumaba siya at lumapit sa akin napaka ligtas ng aking pakiramdam sa mga kamay niya.
linibot nya ako dito sa ating mundo at ipinapakita ang bawat mukha ng mga tao o mga nag katawang tao dahil sila ay mga demonyo. Pinagtatawanan nila kami ngunit hindi sila makalapit sa amin.Napakagaganda ng kanilang mukha matangkad at nakabaluti ng mahahabang damit ngunit iyon ay hindi purong puti kulay pula iyon na may kasamang kulay putik, ngunit hindi maikakailang magaganda silang nilalang ang kanilang buhok ay mahahabang kulot na katulad ng chain ang pag kakatali mapa lalaki man o babae.
Lubos silang tumatawa ngunit hindi sila makalapit sa amin.
Sinabi ng Panginoon."Ang mga tao ay katulad ng mga Ito..."
Iyon lamang at tuluyan na akong nagising dahil sa ingay ng mga tao sa labas ni hindi ko man lang pinatapos sa pag sasalita ang Panginoon napakamakasalan ko talagang nilalang nais kong murahin ang mga taong maiingay sa labas dahil sa naputol kong mahalagang panaginip.
Nagdasal ako at humingi ng tawad sa Ama dahil sa naudlot na panaginip na iyon Kung saan nag sasalita pa sya ay iniwan ko na sya ng walang paalam.
Simula noon hindi ko na napanaginipan ang mga ganong bagay mga demonyo na ang dumadalaw sa panaginip ko ngunit hindi pa rin ako pinapabayaan ng Panginoon walang sawa Nya pa rin akong ginagabayan at liniligtas sa masasamang nilalang na mga iyon.
YOU ARE READING
Almighty God Return
SpiritualThis spiritual story is based on my experience.Isa akong makasalanang nilalang ngunit walang sawa pa rin akong minamahal ng Panginoon para balaan ang kanyang pagbabalik ay nalalapit na. Nais ng Panginoon na habang buhay pa tayo ay mag balik loob hum...