Part 3

12 1 0
                                    

Aaminin ko para akong on and off may mga oras na naaalala ko ang Panginoon Kung nasa kagipitan at problema ako kapag masaya naman at may mga biyaya ni hindi ko man lang naisip na mag pasalamat sa Kanya.

Lumipas ang mga taon mula ng managinip ako niyon bumalik ako sa pagiging makasarili hindi na ako muling naging pala dasal. Tulog bangon na lang at napansin ko din simula ng hindi na ako palaging nag dadasal hindi na rin ako inistorbo ng masasamang nilalang sa panaginip. Hanggang sa napag isip isip ko na marahil siguro hindi na sila pumapasok sa panaginip ko dahil kahit gising ako ay kaya na nila akong manipulahin. Patunay roon ang mga mabibigat na problemang dumarating sa akin sa aking pamilya.

Muli akong nag balik loob sa Panginoon nag dasal at humingi ng kapatawaran. Muli kong naramdaman ang walang sawang Pagmamahal ng makapangyarihan at Hari ng awa muling gumaan at umaliwalas ang aking pakiramdam, naging magaan ang lahat tulog o gising man ako.

Hanggang sa muli akong nanaginip. Gumamit ang Panginoon ng ibang tao para paalalahanan ako. Hindi na Sya muling nag pakita sakin ngunit ramdam ko ang presensya at pagmamahal Nya sa akin at sa aking mga mahal sa buhay.

Almighty God ReturnWhere stories live. Discover now