Nito lamang taon ay muli akong nanaginip.
Sa kalangitan ay naroon ang ating mga namayapang mahal sa buhay malungkot na nakatanaw sa sanlibutan, napakarami na halos hindi ko mabilang lahat sila ay nakahawak sa walang katapusang mahabang lubid hindi ko alam Kung ano ang purpose ng lubid na iyon na kanilang hinahawakan animo pinapalibutan nila ang kalangitan upang walang sinumang makapuslit o makapasok parang ganun ang aking pakiramdam.
Nang makita ang tagpong iyon ng mga tao sa sanlibutan lahat sila ay nangag sipagtago sa loob ng bahay kabilang na ako roon.
Ngunit may isang dalagang hindi ko kilala ngunit kasama kong nag tago ang nag lakas loob na muling silipin ang kalangitan.At sa pag silip nyang iyon ay aking ikinabigla. Umikot ang kanyang ulo na parang may hindi nakikitang nilalang ang pilit na umiikot sa kanyang ulo, sigaw ako ng sigaw at nais ko syang tulungan ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa sumuka siya ng napakaraming dugo sa lupa habol ang hininga at iniaabot ang mga kamay sa akin may nais siyang sabihin ngunit hirap na hirap siya. Hindi ko natiis lumabas ako ng bahay at hinaplos ko ang kanyang likod at chest sa pag aakalang makatulong sa sakit na nararamdaman nya, nais nyang mag salita at may sabihin sa akin kaya idinikit ko ang aking tenga sa kanyang bibig wala akong paki alam kong pati ako ay punong puno na rin ng dugo galing sa kanya. Nang tuluyan kong mailapit ang aking tenga sa kanya hirap man ngunit malinaw nyang ibinulong sa akin ang mga katagang hinding hindi ko malilimutan.
"God return "
At bago sya tuluyang mamatay sa harapan ko muli at malinaw nyang naihayag ang mga katagang...
"Almighty God Return! "
At tuluyan na syang hinila ng karimlan habang ako naman ay tuluyang nagising na hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Pakiramdam ko napakasama kong nilalang at binabalaan na ako ng Panginoon na malapit na Syang bumalik muli dito sa lupa. Mahal tayo ng Panginoon nais Nya tayong mailigtas at mamuhay kasama Niya sa napakagandang kaharian, kaya habang may buhay at hindi pa huli ang lahat manalig mag tiwala at humingi na tayo ng tawad sa ating mga kasalanan. kilalanin natin Siya purihin at maniwala, walang ibang hangad ang Panginoon sa atin kundi tayong lahat ay mag karoon ng buhay na walang hanggan.
Isa akong makasalanan at marahil para sa iba ang panaginip kong Ito ay natural lamang at hindi mahalaga ngunit para sa akin masaya ako at pinili ng Ama na isa ako sa managinip ng mga bagay na Ito. Patunay na mahal ako ng Panginoong Jesus kaya binalaan Niya ako sa pamamagitan ng dalagang iyon na ang Kanyang pag babalik ay malapit na. Walang nakakaalam ng oras kaya sa pag dating ng yaong oras ay dapat lagi tayong handa.
YOU ARE READING
Almighty God Return
SpiritualThis spiritual story is based on my experience.Isa akong makasalanang nilalang ngunit walang sawa pa rin akong minamahal ng Panginoon para balaan ang kanyang pagbabalik ay nalalapit na. Nais ng Panginoon na habang buhay pa tayo ay mag balik loob hum...